38: The Wedding

6 1 0
                                    


ISA LANG ANG NASA isip ni Ashey ngayon, may mga bagay talaga na hindi maipaliwanag sa mundo at hindi na kailangan ng paliwanag. Katulad na lang ng nangyari kay Ashey. Life threw her rocks, until that rocks get smaller. But the last straw is she was killed. Simpleng pagkakahalintulad sa sikat na kasabihan na ang buhay ay weather, weather lang. Sa kanta ng Aegis, gulong ng buhay, patuloy- tuloy sa pag- ikot. Noon ako ay nasa ilalim, sana bukas nasa ibabaw naman.

Ah, kumanta pa talaga si Ashey. Baka pang- alis lang din ng kaba. Habang dahan- dahan siyang naglalakad sa pathway patungo sa gitnang bahagi ng Santillan Farm. Kung saan inalayan siya ni Randall ng singsing. Kung saan tinanggap niya 'yon nang walang dalawang pag- iisip. Dahil kung may natutunan man siya sa nangyaring hindi pangkaraniwan na 'to sa buhay niya, 'yon ay ang yakapin ang lahat ng nagpapasaya sa'yo. Masuwerte ka kung nariyan na, kumbaga, iga- grab mo na lang. 'Yong iba nga hinahanap pa.

Masuwerte ka, tayo, habang nabubuhay pa tayo sa mundo at nakakatapak pa sa lupa. Dahil ang ibig sabijin lang niyon ay hindi pa tayo nawawalan ng pag- asa na gawing tama ang kamalian. Gawing mabuti ang masama. Gawing patas ang tabingi.

"Ay!"

"Nervous?"

"Medyo," tugon ni Ashey sa tanong ni Azraelle.

"Hayst, ang haba naman kasi ng gown mo!"

Marahan na natawa si Ashey sa pagrereklamo ni Xian. Parang Ms. U lang, may pagtapilok. Kasama na yata 'yon sa mga events at hindi nawawala.

"Thanks, Azraelle," ang g'wapong anghel kasi ang dumalo sa kamuntikan niyang pagkakadapa. Na kung alam lang ng lahat ay hindi 'yon normal na pag- alalay sa braso-- dahil ang kaliwa niyang braso ang hawak ni Azraelle.

Kaliwang braso na si Azraelle lang ang nakakahawak at nakapaglagay ng mahabang gloves.

Oo, akalain ba nila na may remedyo pala sa unti+ unti niyang naglalaho na braso.

"Maaga pa para magpasalamat, Human."

Matamis na nginitian na lang ni Ashey si Azraelle.

Saka siya inakay nito. Inilagay ang kaliwang braso niya sa braso nito. Oo, ito ang maghahatid sa kaniya sa altar kung saan naghihintay sa kanila si Randall. Hindi naman pumayag ang nanay niya kaya umangkla rin 'to sa kaniyang braso sa kabila.

"Masaya ako para sa'yo," bulong ng anghel kay Ashey.

"Salamat. Hiling ko na sana ay maranasan mo rin 'to, rito sa mundo ng mga mortal."

"Nah, magastos."

"May pera ako ah? May trabaho ka rin. Matuto kang mag- impok."

"May problema e."

"Ano?"

"Hindi ko naman nararamdaman ang mga nararamdaman niyo..."

"Alin sa mga 'yon?"

Nang lingunin ni Ashey ang anghel ay namumula ang tenga nito at pisngi. Ah, gets na niya. Lihim siya na natawa.

"Kuwento mo na habang malayo- layo pa tayo sa altar."

Totoo naman. Ewan ba ni Ashey kung bakit ganoon ang mga kasalan. Mahabang lakaran papunta sa altar. Lakaran na sinasabay ang tempo sa malamyos na tugtugin. Kasehodang farm pa ang venue.

"Ma--Malena kissed me last time..."

"And?" Basta dama lang ni Ashey na kulang ang chika.

"An--And... kumandong siya sa'kin at..."

"Wow?! Agressive naman pala ni Malena!" Napahagikgik si Ashey bigla.

"Yes... but..."

"Sekswal. Wala kang nararamdaman. Pero may private part ka naman yata?"

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu