21: Getting Bigger

6 0 0
                                    

NAGDEKLARA ang mga pulis na nasa kategorya ng serial killing ang pumatay sa mga estudyante ni Teacher Ashey. Paanong hindi? Halos sa loob ng isang buwan ay magkakasunod na namatay sina Hera Toralva, Arielle Medina at Fatima Bataller. Pare- pareho pa naman na may kaya sa buhay ang pamilya ng mga bata kaya gagawin ng mga ito ang lahat upang mahanap lang ang nag- iisang tao na pumatay sa mga ito. Iisa lang ang lead na hawak ng mga kapulisan-- siguradong may galit-- revenge ang rason ng killing-- sa partikular na grupo ng kaniyang mga estudyante na 'yon, ang gumawa ng brutal na pagpatay.

May bodyguard na rin si Tricia Montalban dahil siya na lang ang nag- iisa na buhay sa apat. Hindi rin naging mahirap sa mga pulis na isaklaw sa kaso ng pagpatay ang nursery rhyme na My head, shoulder, knees and toes. Dahil sa paraan ng pagpatay na ginawa sa mga biktima ng killer. Kung naiba ang sitwasyon, sigurado na walang pakialam si Ashey. Pero mga estudyante niya ang sangkot sa pangyayari.

Mga estudyante niya na kung wala sa una niyang buhay, baka hindi siya nagtagal at isa na rin sa namatay sa depresyon noon. Isa pa sa nagpipilit na nanganganib ang buhay ay ang paborito niyang estudyante na si Adan Martinez.

Oo na, isa siya sa mga guro na may paborito. Why, charming na bata si Adan at sa tuwing nakikita niya noo'y nari- realize niyang napakasarap pa rin talaga na mabuhay. Hindi mabibigyan ng kapulisan ng proteksyon si Adan dahil ayaw nito na magsabi sa mga iyon. Pinipilit din ni Adan na hindi pangkaraniwan bagay ang nangyari at hindi maniniwala ang pulis sa sasabihin nito. Na okay na raw ang binatilyo at kampante, ngayon na may mga bantay ang girlfriend nito na si Tricia. Ah, young love.

"Feel free kung saan mo gustong mag- start. I mean, kung saan ka comfy," si Xian na binasag ang kaguluhan sa isip ni Ashey. Gustong matawa ni Ashey sa sinabi ni Xian kay Adan. Kung saan daw comfy, e, halata naman na atat din nitong malaman ang iko- confess daw ni Adan sa kanila na ayaw nitong sabihin sa mga pulis.

"Nalaman ko po na tito daw po kayo ni Therese?" Pagkumpirma ni Adan at nag- angat ng tingin kay Randall na nagkakape sa may kalayuan na mesa para kainan ng apat na tao sa bahay na 'yon ni Ashey. Nag- sleep over si Adan sa bahay niya. Nagpaalam sa parents at pinayagan naman dahil nga teacher siya ni Adan. Nagpapasalamat na din si Ashey at bakasyon na ngayon ng mga bata at kung sakali na nangyari 'yon during active mode of classes, baka kung saan na pulutin ang kaniyang mga estudyante. Ang mga isip pa naman ng mga bata ngayon ay hindi na halos maunawaan ng matatanda. Active and advance dahil na rin sa advance na technology.

"Yes. But don't worry, I won't interfere. Isipin mo na isa lang akong hotdog dito sa tabi. Hotdog na kumakain." Randall beamed, exposing his breathtakingly striking dimples. Nailing na lang na nangiti ng tipid si Ashey sa nobyo. Mukha naman naging at ease sa biro na 'yon ni Randall si Adan at tumango rin lang.

"'Yon nga po. Malakas ang kutob ko na si Therese kasi ang may gawa ng.. killing. Kaya alam ko po na hindi ako paniniwalaan ng mga pulis. Pero kayo po, alam kong maniniwala kayo at nalaman ko na may third eye ka." Kay Xian naman natutok ang mga mata ni Adan.

"Wow! Ginawa mo talaga ang assignment mo ah!" Biro ni Xian kay Adan. Hindi naman kasi mahirap malaman sa internet na may kakayahan si Xian at nakakalat doon ang pagpapaalis nito ng kaluluwa sa sinapian with his cousin. Kinuhanan ng mga usyoso kaya may iilan na mapapanood at mababasa talaga ang kung sino man na magri- research tungkol kay Xian.

"Sa internet ko lang napanood at nabasa," paliwanag ni Adan. Xian just waved his hand to Adan.

"Sure, and it's nothing. But tell you what, hindi ko nararamdaman ang kaluluwa ni Therese sa paligid at sa pinangyarihan ng pagkakapatay kay Fatima.."

"And another but-- she's dead," Azraelle said.

"O--po, pero sa kaniya lang naman may kasalanan ang grupo nila Hera. Nadamay lang po ako." Tinignan sila isa-isa ni Adan. Nagpapasaklolo ang mga mata ng estudyante niya.

  "Okay, let's say, it's Therese, alright. Pero gaano lang ba ang kasalanan ng grupo ni Hera sa kaniya? Bullying lang ang natatandaan ko. And what's with that particular nursery rhyme?" Nagsisimula na talaga si Ashey na silipin ang lahat ng anggulo sa pangyayari. Hindi niya lubos maisip na si Therese ang may kagagawan ng pagpatay at tahimik na bata 'yon. Pero... hindi nga ba at sabi nila kung sino pa ang tahimik ay 'yon ang masamang magalit? Ah, this is really going to throw her sanity. Una, siya ang namatay, naging ghost. Ngayon naman na halos hindi niya pa nga nasisimulan ang nais na makausap ang killer niya, may killer na naman-- oh wait-- "Guys, what if it's the twin of Adolfo, again?" Tumahimik sina Randall, Xian at Azraelle. Tila ngayon lang din naisip ang naisip niya. At s'yempre, hindi 'yon maiintindihan ni Adan kaya may bahid na pagtataka sila nitong tinignan.

  "Adolfo? Pero 'cher, natext ni Arielle noon si Fatima na may babae raw po na nag- approached sa kaniya. Putol nga lang ang text, parang minadali na lang na mapadala at humihingi nga si Arielle kasi ng saklolo. Hindi na 'ko nakakakuha rin ng kopya at binalewala lang ni Fatima 'yon. Pinipilit ni Fatima na nagkataon lang ang pagkakapatay kay Hera at Arielle kasi. Hindi siya nakinig sa'kin." Nagkatinginan silang muli na mga naroon.

So, it's a girl..

"Well, Adan, can you tell us exactly what's that fault of Hera's group you're talking about, earlier? Na nadamay ka? Para malinaw sa'min ang lahat, at lahat kasi ng angles dapat tignan natin. Kung naniniwala ka na si Therese ang killer, partly, we were not. Like Xian' said, hindi niya nakita o naramdaman ang kaluluwa ni Therese," ani Randall. Napabuntonghininga naman si Ashey na napahawak sa leeg. Mannerism niya 'yon 'pag may iniisip.

"Hey, this is getting bigger 'dude!" Pabirong siniko ni Xian ang seryosong nagkakape na si Azraelle, sa hindi kalayuan mula sa puwesto nina Adan, Randall at Ashey.

"Oo, for a small time, self- proclaimed medium like you." Nginisian ni Azraelle si Xian. Hayun, at nag- aasaran na naman ang dalawa.

"Bullying and something else..." Puno ng kuryosidad na binaling nilang lahat muli ang tingin kay Adan.

"You can start now-- argh! Really, dapat nga kanina pa!" Napa- facepalm pa ang gigil na si Xian-- gigil kanina pa na malaman ang ikukuwento ni Adan. Again, kung naiba lang ang sitwasyon, Ashey will burst into laugh. But not now.

  Because Xian is absolutely right...

This is bigger and harder than they thought...

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now