17: Revelations

6 1 0
                                    

"A GHOST...?" Randall clearly heard what Ashey's declared earlier, but, hindi gano'n kadali na i- process sa utak 'yon, legit.

"Yes." Bumangon si Ashey upang ibigay ang cellphone niya kay Randall. "Take me a pic. Para malaman mo na hindi ako nagbibiro." 'Yon lang ang alam niyang paraan para mapatunayan dito na hindi siya nagjo- joke. Naalala niya na sa ganoong paraan nalaman ni LM na ghost siya. "Go..." Hikayat niya kay Randall. Na ginawa naman ng huli. Shock was written all over Randall's face after..

"W--hy? I--I mean..." Hindi na itinuloy ni Randall ang sinasabi at agad siyang niyakap. Teary-eyed, Ashey laughed, 'yong klase ng tawa na kulang sa hint of happiness. 'Yong klase ng tawa na hilaw sa totoong sense ng action na 'yon.

"I'm sorry, Ran..."  Haplos ni Ashey ang likod ng nobyo. Gano'n din 'to sa kaniya. Ilan lang ba sila sa mundo ang may gano'n na sitwasyon? Sila lang yata. Wala na yatang mas sasaklap pa sa katotohanan na nagsisimula pa lang sila pero the end na agad. Finish na kasi siya sa mundo. Burado na...

"May namatay kang isang estudyante muli, human."

"He--y! Who the hell are you?!" Nanlaki ang mga mata ni Randall, at mabilis na tinakpan ang hubad na katawan ni Ashey.

"I'm angel. Not hell," sarkastikong sagot ni Azraelle sa pagkataranta ni Randall. Ang iyak ni Ashey ay nauwi sa tawa-- totoong tawa na this time. Paanong hindi? Nakahubad sila ni Randall nang dumating si Azraelle, kaya nagmadali si Randall sa pagtakip ng mga hubad nilang katawan sa biglaan na pagsulpot ng anghel. Si Azraelle talaga..

"That's okay, Ran."

"W--hat? Okay lang na hubad-- teka, sino ba 'yan? Naka- locked naman ang pinto, paanong nakapasok 'yan?"

"Human, anghel nga ako." Balewala na nagdiretso sa kusina ang anghel, tila akala mo'y ito ang may- ari ng bahay. Nanlaki ang mga mata ni Randall sa inasal ni Azraelle, inawat lang ni Ashey ang nobyo nang akma nitong susugurin ang pasaway na angel of death.

"Easy. Totoo ang sinabi niya, okay, 'bihis na. Para mapaliwanag ko sa'yo. Maigi nga na dumating si Azraelle para hindi ako iisa na mag- explain sa'yo ng lahat na ka- weirduhan na 'to."

"Az.. raelle.."

"Yup. Angel of death siya. At okay lang na nakahubad tayo at wala naman siyang malisya sa ganitong bagay, Genesis 2:21- 22."

"Ah," tanging nasabi ni Randall. Disoriented na sinusuot ang mga damit. Ashey can't blame him, hindi naman kasi nakakatuwa ang mga rebelasyon na bumagsak dito sa loob ng isang araw, sa loob ng wala pa ngang isang oras.

INABUTAN nila na nilalantakan ni Azraelle ang popcorn na niluto ni Ashey kanina for merienda. Mahusay na rin gumamit talaga ng mga gamit ng mortal ang anghel.

"Ano ang ibinalita mo?"

"Narinig ko ang usapan niyo kanina kaya umentra na 'ko kahit 'and'yan ang boyfriend mo. Y'know, we angels had this power to hear humans talking, kahit pa malayo pa sila sa'min. Recently ko nga lang natutunan na kaya ko pala na i- block 'yon. No'ng natulog ako sa bahay mo, dinig ko na dinig ko ang pag- aaway ng mag- asawa na katabing-bahay mo. Hayun, na- block ko ang mga unnecessary na boses ng tao by simply thinking of blocking them." Medyo mahaba na paliwanag ng anghel sa kanila. Ni hindi man lang sinagot ang tanong ni Ashey. Busy pa rin sa paglantak ng popcorn. "By the way, this popcorn is good, can you tell me how to cook this?"

"Azraelle..."

"Okay, may namatay ka ulit na student, Ashey. It's Arielle Medina, this time."

"Pa--ano siya namatay? Pinatay rin-- no, don't tell me..."

"Yes." Dinuro pa ni Azraelle sa kaniya ang tinidor na kinuha para gamitin sa pancake naman na inahon nito sa oven.

"Why? Pinatay ang mga students mo? And wait, tutal narito na rin ang angel of death, ipaliwanag niyo nga sa'kin ang lahat ng ito." Prenteng naupo pa si Randall sa isa sa mga upuan sa dining area, halatang handang makikinig ang itsura.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now