32: Unveil

5 1 0
                                    

"OH, SHIT!" Tanging naibulalas ni Xian, nang makarating siya sa bahay ng mga Martinez.

  Azraelle smirked, "Talagang shit, Kid. Talo ka sa pustahan natin."

"Hindi rin, Azraelle... nakakalimutan mo yata na bawal sa anghel ang magsugal!" Si Xian naman ang napangisi sa anghel.

Inismiran lang ni Azraelle si Xian. This kid is really getting into his nerves, saka pinawalan niya na si Therese mula sa pagkakahawak niya rito nang mahigpit.

Natanaw na niya kasi sina Adolfo at Arnulfo Nuevo...

At naramdaman na ni Azraelle ang pagsuko mula sa kaluluwa ni Therese.

Naroon na rin sina Randall at Ashey...

"So, this is really the moment of truth, eh?"

"Oo. Malapit-lapit ka na nga Azraelle..."

"Malapit-lapit na?"

"Malapit-lapit ka nang bumalik sa kung saan ka nararapat." Nakangising tugon ni Xian sa anghel.

Lol. Alam ni Azraelle na nagbibiro lang si Xian. Na siyang madalas nilang gawin na dalawa. Pero alam na alam din niyang ang biro nitong 'yon ay totoo.

Wala sa loob na napalingon siya kay Malena...

Si Malena na kasalukuyan na kinakausap si Therese.

Si Malena na siyang napakagandang dahilan kaya nais niya pa na manatili sa mundong 'to.

Ang kaniyang si Malena...

"TAMA SI Adan, Therese. Hindi ka rin niya ginalaw noon. Ang lahat ay palabas lang. Kaya malabong nakikita ang mga katawan at mukha niyo sa video. Kaya nagalit ang amerikano. Nilinlang daw siya. Hindi rin ito nagbayad ng tamang kabayaran, kahit pinakalat din naman niya ang mga video. Iyon ang napanood ni Adolfo. Iyon lang ang nakarating kay Adolfo. Nagsaliksik si Adolfo sa kaniyang sarili at nalaman niyang napilitan kayo pareho ni Adan sa nangyari, ang amerikano lang ang naging suspek niya. Hindi niya naungkat ang tungkol kay Mr. Martinez. Hindi rin naman mauungkat hanggang ngayon kung hindi si Adan mismo ang nagsabi, hindi ba? Kaya dapat kang magpasalamat sa kaniya." Arnulfo paused. Para lumingon kay Ashey, "Ang amerikanong 'yon ay nasa bansa niya, kaya ang napili ni Adolfo na pagbuntunan ng galit niya ay ikaw, Ashey. Dahil ang amerikanong 'yon ay ang tatay mo."

Hindi pa nakakahuma si Ashey sa pagkakakita sa sarili niyang katawan, pagdating nila sa bahay ng mga Martinez, katawan niya ang nakita niya na gamit ni Therese-- katawan niya at mukha niya, siyang-siya--- bangkay niya! --- ay hayun na naman ang bagong rebelasyon mula kay Arnulfo Nuevo. Lumalabas na ngayon ang rason ng pagkakapatay sa kaniya ni Adolfo Nuevo. Turned out, hindi nga nagkamali si Azraelle--- si Adolfo ang killer niya. Si Adolfo na minsan na nilang nakaharap...

"Pi--Pinatay ka ni Mang Adolfo, 'Cher?" Gulat na bulalas ni Adan.

Tila ngayon lang nag- sink in kay Adan ang mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng utak nito. Mga supernatural na bagay na isang bagsakan lang na hinain sa kaniyang paboritong estudyante.

Ang kaniyang paboritong estudyante na sa halip na magtanim ng poot sa mga naganap na hindi kontrolado nito sa murang edad ay mas pinili na maging masaya. Kahit pa hindi 'yon totoong kasiyahan. Makikita pa rin sa mukha ni Adan noon pa man na masarap pa rin na mabuhay--- mabuhay ng tama at wala kang tinatapakan.

Ngayon, dahil sa pangyayaring 'to ay unti- unting nari- realize ni Ashey na ang buhay ay puno ng poot, takot at pangamba. Na ang buhay ay punong-puno ng mga taong 'pag piniling magpatangay sa tukso ng demonyo, siyang talo at tuluyan na mananatiling lugmok sa kalungkutan at poot. Cruel life. We have to deal with it, every fvcking day.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now