19: Chasing Mystery

6 0 0
                                    


TINANAW ni Ashey ang kaniyang ina mula sa pagkakasandal niya sa hamba ng pinto ng kusina. Nagluluto ito nang umagang 'yon.

  "By the way, p'wede kang manatili rito, as long as gusto mo. Nakalimutan kong sabihin sa'yo," aniya sa kawalan ng matinong sasabihin sa ina. Nilingon naman siya nito ng nakangiti.

"Salamat, gising ka na pala. Magandang umaga. Kape?"

"Nakakapagtimpla po ako ng mag- isa." Nabuhay nga ako ng mag- isa, ngali-ngaling sabihin ni Ashey rito. Nang hindi ito sumagot na'y pinagpatuloy niya na ang paghilamos at pag- tootbrush.

Maaga siyang nagising dahil maaga siyang nakatulog kagabi. Ang mga kinuwento ng kaniyang ina sa mga kasama niya'y nakuwento na sa kaniya ni Randall kagabi. Whatever the reason behind sa pagpapaampon nito sa kaniya at sa hindi pagtubos nito sa kaniya sa ampunan, bahala na ito. Wala na siyang pakialam. Matagal na siyang walang pakialam.

"Bakit parang nasasaktan ka? Ang walang pakialam ay hindi nasasaktan, 'remember?" Napabuga na lang siya ng hangin nang matapos mag- sepilyo. Minsan talaga, pahamak ang isip kaysa sa puso.

"Sana mapatawad mo pa 'ko.."

Patawad? Again, pinili niya ba na iluwal nito sa mundo?

"Nakausap ko nga pala si Azraelle tungkol sa ikalawang buhay mo... masaya ako anak na nabigyan ka ng tsansa na magawa ang mga bagay na hindi mo nagawa sa una mong buhay. Noong una, aaminin ko na natakot ako nang malaman ko, dahil ang iyong lola ay manggagamot noon sa baryo na isa rin sa nabigyan ng tulad ni Azraelle ng tsansa na mabuhay. Naging gahaman siya maging sa kanyang kakayahan at ayaw na niya na muling mamatay sa kung saan siya nararapat. Ayaw ko lang na matulad ka sa kaniya."

"Hindi ho mangyayari sa'kin ang bagay na kinatatakutan niyo. People intend to be like that mostly because they're greed in money and power. I have a power too, alright. Pero may pera ho ako. Hindi ko kailangan ng pera na kayang ibigay ng kakayahan na regalo ng ikalawang buhay na magiging malaking pera rito sana sa mundo. Tulad ng ginawa ng nanay niyo. Okay, no'ng lola ko. And don't ever think that history can really repeat itself. Dahil sa pagkakaalam ko mula kay Azraelle, hindi naman kayo pinabayaan ng nanay niyo sa hirap at ginhawa." Okay, tunog mapait siya roon at daig pa ang umulam ng isang kilong ampalaya, pero hindi ba at may karapatan naman siya na magpaka- bitter? Iniwan siya nito.

Hindi ito naging ina sa kaniya tapos ngayon ang lakas ng loob na pangaralan siya at pangunahan, hah! Pathetic old woman. Buntonghininga na ipinagpatuloy na lang ni Ashey ang pagpasok sa banyo. Maliligo na nga siya kahit maaga pa para maligo. Pupuntahan nila ang burol ng kaniyang mga estudyante.

"Hindi ka nga kinakain ng kasakiman sa power at money, pero kinakain ka naman ng pait. Kumusta ka naman, Ashey?" Agad niyang pinalis ang pagkastigo ng sarili niyang thoughts sa kaniya.

"Pasensya na ho kayo at hindi naging madali ang buhay kay Ashey, like I've told you"

"Nauunawaan ko, Azraelle."

"Huwag niyo na lang sana siyang sukuan.. ulit. Kailangan niya kasi kayo bago siya muling umakyat sa Itaas."

"Ang buhay ay sadyang nakakainis. Kung kailan naman na nakasama ko ang aking anak, saka ko malalaman na namatay na siya. Kung kailan naman hindi ako nakabantay sa bahay niya na 'to, saka pa may nangyari na masama sa kaniya."

"Hindi niyo naman po 'yon kasalanan. Hindi niyo kailangan na sisihin ang sarili niyo. Iyon po ang nangyari kay Ashey dahil may rason. Nakatadhana po 'yon na mangyari kahit naroon pa kayo nang gabing 'yon at iligtas siya. Believe me."

"Gising na ba si Ashey?"

"Ang aga mo ah, takot kang maiwan?"

"Ang aga mo rin na mang- asar, Azraelle. Antok pa 'ko e."  Nagkukusot pa nga ng mga  mata ang binatilyong si Xian at mukha ngang antok pa.

"Matulog ka pa. Gisingin kita pag paalis na tayo." Biglang idinilat ni Xian ang singkit na mga mata.

"No! Gising na 'ko, Azraelle, look, hindi na 'ko inaantok. Saka, wala akong tiwala sa'yo, mamen. Ayaw mo kasi na nadadaig kita."  Natawa si Azraelle nang belatan siya ng espesyal na binatilyo.

"Magkape ka na nga. Nang kabahan ka naman sa sinasabi mo."

"BAKIT SIYA? Pulis ba siya?"

"Fatima, hindi mo 'ko naiintindihan.."

"No, Adan! Ibubuko mo lang kay Teacher Ashey ang lahat! Tanga ka ba?!" Naiinis si Fatima sa boyfriend ng kaibigan niyang si Tricia. Pinipilit nito na kailangan nila ng tulong ni Teacher Ashey. Ngayon na nagpakita ang guro sa burol ni Arielle, gusto ni Adan na kausapin nila ito at may kutob si Adan na sila ng tatlo ang susunod na mamamatay.

Hindi naman siya naniniwala roon. Paano siyang maniniwala? Mantakin man niyang isipin ay kalokohan ang sinasabi ni Adan! 2021 na tayo, gosh!

"Mas hindi p'wede yata na sabihin sa pulis 'to, Fatty. Kung tama ang hinala ni Adan," pabulong na sabi ni Tricia. Maingat na may makarinig ng pinag- uusapan nila.

"'Yon na nga e. Hinala lang naman niya 'yan. Hindi sigurado. Paano kung nagkataon lang?" Because really, there's such a word 'coincidence', damn it!

"No. Malakas ang kutob ko, may kinalaman ang lahat ng ito sa gabing 'yon.." Hinaplos ni Adan ang balikat ng nobyang si Tricia. Naging girlfriend niya si Tricia ngayong buwan lang sa hinaba ng panaliligaw niya rito na nagsimula pa no'ng elementarya sila kaya hindi niya mapapayagan na may mangyaring masama sa sinisinta.

"O baka praning ka lang? Naku, d'yan na nga kayong dalawa! Hmp!" At nagmartsa na nga palayo si Fatima at hindi inintindi sina Tricia at Adan.

  NANG TANGUAN si Ashey ni Azraelle, agad na niyang nakuha ang ibig sabihin nito-- kailangan nilang makausap ang grupo nina Adan, Tricia at Fatima dahil malinaw na narinig ng anghel na may tinatago ang mga ito at may hint sa rason ng pagkamatay nila Arielle at Hera. Mukha naman din na kakausapin siya ng estudyante niyang si Adan at nang lingunin niya'y nakatingin din ito sa kaniya.

"Bring it on!" Narinig ni Ashey na bulong ni Xian na mahilig talaga sa ganitong adventure.

"Naku, 'pag ikaw talaga tumakbo.." Siyempre pa ay binubuska ni Azraelle si Xian, from time to time.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now