2: The Angel of Death

21 1 0
                                    

TUMAWA si Ashey. Tawa na hindi niya pa yata nagagawa sa buong buhay niya. Tawa na may luha. Walang joke na nakapagtawa ng gano'n sa kaniya. Ito lang --Patay na daw siya.

"Live, love, laugh, 'yan ang dapat na mga ginawa mo no'ng buhay ka pa." Naka- crossed arms na sabi sa kaniya ng angel of death 'daw' na Azraelle ang pangalan. "Nabasa ko sa record mo kung ga'no ka ka- boring na tao." Dagdag pa ng anghel, saka may gadget na inilabas na hindi alam ni Ashey kung sa'n dinukot nito or what..

The angel of death is.. wingless. And he is actually wearing all black, from his shirt, pati shoes-madami nga ng suot nitong shoes sa Divisoria!-- not white that many people will assumed by hearing the 'angel' word. G'wapo ang anghel. 'Yong pagka- gandang lalaki na habang tinititigan ng matagal, nakakaaliwalas sa pakiramdam. Maayos na naka- brush up style ang buhok na halatang kulot. Maihihilera mo ang kag'wapuhan nito sa mga artista sa hollywood. Itsurang banyaga. Well, anyway, sabi nito kay Ashey, nasa limbo daw sila ngayon. Ang itsura ng limbo ay isang lugar na parang setting sa isang pelikula na ma- fog. May kalamigan din do'n at wala kang makikita na ibang bagay o tao, sila lang. Malabo na nakikita ni Ashey ang tinatapakan nila ng anghel. Para silang nakalutang sa kawalan, na parang hindi. And oh, ang suot ni Ashey ay ang pangloob pa din ng uniform niya at itim na slacks pa rin. Kung ano ang huling natatandaan niya na suot niya no'ng umuwi siya nang hapon na 'yon at..

"So, naalala mo na?" Tanong ng anghel bigla. Nanlaki ang mga mata ni Ashey sa biglaang dating ng realisasyon...

"Ashey Emerald Brown, 23, teacher, single, NBSB, Fil-am, virgin-- gah, what a boring life you must have down there, human." Kinutya pa siya nito, habang may pinagpipindot sa gadget na mas malaki pa sa cellphone. Ang logo ng mansanas na may kagat sa hawak na gadget ng anghel ay nakapagpataas ng kilay ni Ashey, mapera pala ang anghel-- naka- Iphone!

"Cause of death: Stab wound. Your killer is the father of your student, Therese Nuevo. Sinisisi ka niya sa suicide na ginawa ng anak niya months ago."

"What?" Nagulat siya sa narinig.

Hindi niya iko- contest ang untimely death niya, pero ang bintang na 'yon ay hindi totoo! Walang matinong tao na gugustuhin din ang gano'n. Saka, nabuhay siya na naniniwala siyang wala siyang mabigat na kasalanan na nagawa dahil takot siya sa Diyos.

"Nakausap ko si Therese Nuevo no'ng araw na sunduin ko siya. Yep, ako rin ang natoka na sundo niya no'n. The child is suicidal, really. Masaya pa siya na natuloy ang pagpapakamatay niya. Nakalaya siya sa mga bagay na nagpapabigat sa kaniya. Tahimik na bata. Hindi gaanong nakipag- usap."

"Where is she?" Naawa siya sa student niya.

Tahimik na bata nga si Therese, mahina sa klase kaya tinututukan niya. Kaya pala bigla na lang itong hindi pumasok. Pero, nakakagulat na nag- suicide pala 'to at hindi niya alam. Hindi nila alam sa school. Halos ganoon din siya n'ong high school, tahimik, may mabigat na pasan.. kung sana kinaya ng bata ang lahat, na tulad niya. Hindi talaga pare- pareho ang kapasidad ng tao sa pagtanggap at pagbitbit ng mga alalahanin..

"I don't know. Taga sundo lang ako sa mundo ng mga buhay. Matapos kong masundo ang isang taong nakatoka sa'kin na sunduin, hanggang dito lang sila sa limbo. Unti-unting maglalaho rito sa limbo ang kaluluwa ng mga  namatay na tao, once na maipadala ko sa 'Itaas' ang records nila. Clearance and such, you know the drill."

"Nasa'n si San Pedro?" Naalala niyang itanong.

Baka sakali na makita niya si Therese sa pamamagitan ng pamosong bantay na 'yon ng langit.

"Huh?"

"Si San Pedro, 'yong may himas na puting manok na dadaanan muna bago makarating sa gate ng langit. Dapat ko siyang makausap."

"Walang San Pedro rito. Imahinasyon niyo lang na mga tao 'yon. Ang mayroon dito, mga anghel na kaniya-kaniya ng toka sa trabaho."

"Magkano ang sahod mo?"

"Walang hiring. Huwag ka ng magtangka."

Napangisi si Ashey. Mahusay sa comeback ang anghel. Natutuwa siyang kausap ito.

"Grabe! Pa'no pala 'ko mabubuhay niyan dito?"

"Patay ka na. Wala ng dapat buhayin sa isang patay." Panonopla sa kaniya ng anghel.

Napuna ni Ashey na medyo brutal ito kanina pa. At mas masahol pa sa kaniya. As in, walang kaemo- emosyon na makikita sa mukha ng anghel.

"So sinasabi mo ngayon sa'kin na ang bangkay ko ay b--loated na?" Naalala niyang ungkatin. Binanggit nito kanina na namatay siya sa saksak pero, matapos niyon, inihulog siya ng killer sa ilog.

"Unfortunately, yes," walang emosyon na tugon ni Azraelle.

Tinanguan lang niya ang anghel saka nayakap ang sarili.

May magagawa pa ba si Ashey Brown sa bagay na nangyari na? Na tapos na? Maibabalik ba ng pag- iyak ang buhay niya? 'Ika nga, might deal with it. Sanay naman siya sa kamalasan. Kung may bright side ang nangyari, 'yon ay ang katotohanan na walang tatangis sa pagkawala niya. Wala siyang naiwan. Pero nakakalungkot din pala isipin na, mag- isa siyang nabuhay, mag- isa rin lang siya na namatay. Kaya walang maghahanap sa kaniya.

Nabura na lang siya sa mundo ng gano'n na lang...

Unknown ang kamatayan...

Walang maghihinagpis...

Walang maglilibing..

Walang tatangis..

"Gusto kong makita ang estudyante ko. Wala akong kasalanan sa pagkamatay niya. Hindi ko matatanggap 'yon at ang mga estudyante ko lang ang naging pamilya ko sa mundo ng mga buhay."

"Makikita mo siya mamaya. Again, kapag naipadala ko na ang record mo sa Itaas," The angel said again sa tono-- na parang nagsabi lang na nagugutom na 'to. Wala talagang emosyon, "Hindi ko pa naman 'pinapadala ang record mo. Dahil boring ang naging buhay mo sa mundo niyo. Kino- consider ko na pabalikin ka."

"You mean, m-mabubuhay ako ulit?"

"Nope. Wala akong power to do that, human. Ang magagawa ko lang ay iudlot lang ang kamatayan mo."

"Seryoso?" Nagningning yata ang mga mata niya sa narinig.

May pa- second chance pala ang anghel, halelujah!

"Kung ayaw mo sa offer, wala naman---"

"Who said na ayaw ko?"

"Mukha kasing naglalaro na sa utak mo ang battle of the cause and effect."

"Exactly. Kasi parang too good to be true. May dapat ba 'kong ma- achieve sa pagbalik? Or anything?"

"Wala naman. Ang pagbibigay ng tsansa na muling mabuhay ang isang patay na, ay desisyon ng anghel na nakatoka sa namatay. Dalawang beses sa isang buwan lang kami namimili ng eligible na maka- grant ng pahiram na buhay."

"Wow, so eligible pala 'ko. Hindi ko alam kung compliment ba 'yang sinasabi mo or insult. Pero, dahil pababalikin mo 'ko sa mundo ng mga buhay, I'll take it as a compliment."

"Then, sign this first." Iniumang sa kaniya ng anghel ang gadget na hawak nito.

 Aba! Legit! May pa- kontrata si koyah!

"One more thing Ashey, please, live. You only live once, make the most out of it. At please lang din, ayaw ko na makakarinig ako ng reklamo after this. Pinili mo na I- claim ang pinahiram na buhay sa'yo, hindi ako namilit," the angel of death said and look at her intently, while Ashey handed the gadget back to him. Tapos na niyang pirmahan ang kontrata.

"Okay, thanks," s'yempre dapat na magpasalamat siya sa anghel. Iyon lang at naramdaman na ni Ashey na parang naglalaho siya sa harap ng anghel. Para rin na may humihila sa kaluluwa niya patungo sa kung saan..

"Nakalimutan kong sabihin, magpainom ka 'pag binisita kita sa mundo ng mga buhay, human.

"Huh? Anueraw?"

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon