23: Adolfo Nuevo

5 1 0
                                    


"PERO MUKHANG hindi na natin kailangan si Malena."

"Huh?"

"Run, kid! Bilis!"

"Oy, hintay, Azraelle!" Nalingunan na lang ni Ashey na mabilis na kumakaripas na ng takbo sina Azraelle at Xian, tila may hinahabol na kung sino! Nang akma na susunod siya sa dalawa, para makihabol, inawat siya ni Randall, inunahan siya nito sa pagtakbo para sundan ang anghel at ang espesyal na binatilyo!

"Diyan lang kayo," pahabol na sabi pa ng boyfriend niya. Walang nagawa na hinabol na lang ng tanaw ni Ashey ang tatlo. Tulala pa rin kasi si Adan sa mga nangyari, kaya hindi niya puwedeng basta iwan na lang 'to ro'n.

NAIILANG si Ashey sa klase ng tingin na nakukuha niya mula kay Adolfo Nuevo. Tila kinikilala siya ng matandang lalaki na ewan. Oo, si Adolfo Nuevo pala ang hinabol kanina nila Xian at Azraelle. Ngayon na nasa bahay na sila ay handa na silang lahat sa napipintong interogasyon nila rito. Si Adan ay inihatid na muna nila pauwi sa sariling bahay nito para maiwasan ang pagkanti ng  nasasaktan pa na emosyon sa parte ng binatilyo kung sakali, ngayon na narito na nga si Adolfo Nuevo at mukhang handa rin naman silang kausapin. Tama nga si Jepoy na may pagka- weirdo si Adolfo, dahil kung hindi ay bakit sila sinundan nito kanina? At nang makarating din sa mga Montalban ay alam na nga na may namatay sa pinangyarihan ng sinadya nilang bahay, umasta pa ito na parang siya ang suspek. By that, madali na lang mahulaan na isa ang gano'n na ugali nito sa sinasabi ni Jepoy na pagka- weirdo ni Adolfo Nuevo.

"Pinagod mo ko!" Reklamo ni Xian, habang umiinom 'to ng malamig na tubig.

"Sinabi ko naman sa inyo, hindi niyo 'ko kailangan na habulin," sabi ni Adolfo, nananatiling ang mga mata nito ay na kay Ashey.

"Bakit hindi, e, tumakbo ka!"

"Tumakbo ako dahil hinabol niyo ko."

"Tama na 'yan. Salamat, Tsong Dolfo at pinaunlakan mo ang imbita ko." Tinapik ni Randall ang balikat ni Adolfo bilang pagbati. Inimbita pala ni Randall ang matanda. Nagkataon daw na no'ng pumunta si Adolfo sa bahay niya kanina ay nakita sila nito na humahangos paalis kaya sinundan sila sa bahay ng mga Montalban at nasaksihan din ang kalunos-lunos na sinapit ni Tricia Montalban. Naging kahina- hinala lang 'to para kay Azraelle kanina dahil namataan ng anghel na palihim itong nakasilip sa komosyon. But turned out, wala pala silang dapat ikabahala. Pero marami silang dapat malaman kay Adolfo Nuevo..

"Sabi ko naman sa'yo, bakit hindi? Gusto ko na nga rin malaman kung ano ba ang rason ng pag- imbita mo sa'kin."

"Tsong, sana po makipag- cooperate kayo sa'min. Tutal, narito na lang din ho kayo."

"Walang problema. Ano ba ang sa'tin? Bakit mo 'ko pinapunta sa'yo? At nabanggit mo pa si Arnulfo? Nagulat nga ako na narito ka sa Maynila. Iniwan mo ang farm mo? Himala!" Napakamot ng ulo si Randall, pero pinili na lang na balewalain ang sunod-sunod na tanong ng tiyo. Nabanggit naman kay Ashey ni Randall na kinontak nito si Adolfo Nuevo. Pero nakakagulat pa rin na narito na ang lalaking napagkamalan ni Azraelle na killer niya. Isipin pa lang ni Ashey na kamukha ni Adolfo ang killer niya, tumitindig na ang balahibo niya at para na rin niyang nakaharap ang taong pumatay sa kaniya ngayon, hindi ba?

"Tsong, kilala mo ba siya?" Itinuro ni Randall si Ashey sa tiyuhin. Kumunot ang noo at nanliit ang mga mata ni Adolfo Nuevo habang kinikilala siya.

"Kanina ko pa nga iniisip kung sino siya at saan ko siya nakita. Pamilyar siya," sinasabi 'yon ni Adolfo habang matiim lang na nakatingin kay Ashey. Napalunok si Ashey at tumikhim.

"Teacher po ako ng anak niyong si Therese."

"Ikaw nga!" Sa wakas ay rumehistro na rito kung sino siya. Sa mga parents meeting noon ay hindi naman niya 'to napagkikita. Hindi palasali sa mga ganoon na altibidad sa school si Therese Nuevo. Walang kumukuha ng card ng bata mula nang maging estudyante niya 'to.  Hindi rin naman umabot ng 3rd grading period si Therese noon sa kaniya at bigla na lang nga na hindi na pumasok ang bata.

"Minsan na sinundo ko si Therese, nakita kita na palabas din ng eskuwelahan. Nalulungkot ako sa nangyari sa 'king anak, sa tuwing naiisip ko na winakasan niya ang buhay niya ng gano'n na lang.  Inilibing ko siya kaagad no'n dahil hindi ko kinakaya ang katotohanan na patay na siya. Na patay na ang anak namin ni Almira.."

"Nalulungkot din po kami sa nangyari," iyon lang ang tanging naitugon ni Ashey sa matanda na nahihirapan pa rin sa pagka- alala sa anak. "At hihingi rin po kami ng tawad sa inyo ngayon dahil nababanggit si Therese at mababanggit pa, sa pag- uusap natin na 'to ngayon," she blurted out as soon as possible. Bago pa sila makapagsimula ng pag- uusap, maigi na'ng alam ni Adolfo Nuevo ang bagay na 'yon. Napag- usapan nila na pili lang ang sasabihin nila sa matanda, na tungkol kay Arnulfo Nuevo lang kung sakali. Ngunit naisip ni Ashey na hindi posible na hindi mababanggit si Therese, si Therese na siyang sinisisi ng mga estudyante sa LM High na pumatay sa apat niyang estudyante. Si Therese na naging katatakutan na sa school, kung kailan naglaho na sa mundo..

"Tsong, gusto ko po na malaman kung may balita kayo kay Tsong Arnulfo?"

"Bakit? May ginawa na naman ba'ng kalokohan ang hayup na 'yon?" Nang mapalitan ng galit ang eskspresyon ng mukha ni Adolfo Nuevo sa pagkakabanggit sa kapatid, nagkatinginan sina Ashey, Randall, Azraelle at Xian. Iisa ang mga nasa isip..

"Tsong, hindi ko ho alam kung papaanong sisimulan 'to sa inyo, but.."

"Si Therese po ang pinagbibintangan na pumatay sa apat na estudyante ng LM High, kabilang sa apat na 'yon ang namatay kanina na si Tricia Montalban," si Azraelle ang nagtuloy ng hindi masabi-sabi ni Randall.

"H--a? Paanong--"

"Hindi nga po kami naniniwala at patay na siya," ani Ashey sa matanda.

"At iniisip niyo na si Arnulfo ang pumapatay?" Muli sila na magkatinginan sa tanong na 'yon ni Adolfo Nuevo..

"Medyo po," lakas loob na sagot ni Xian. "Pero po mas gusto namin na malaman ang dahilan ng pagpapakamatay ni Therese, kung may alam po kayo. Para hindi po sana tayo nanghuhula sa mga nangyari. Ang apat na estudyante na pinatay ay nasa kategorya na ng serial killing ngunit babae po ang mga nag- approached sa kanila no'ng mga panahon na namatay sila. Ang apat po na 'yon ay pare- pareho na nakahiligan na i- bully ang anak niyo kaya naiuugnay po sa kamatayan nila ang pangalan ni Therese Nuevo."

"At gusto niyong maniwala ako sa mga supernatural na bagay, gano'n ba?" Mahinahon man ang pagkakatanong niyon ni Adolfo, hindi nakaligtas sa kanila ang sarcastic sa tono nito. Sino nga ba naman kasi ang maniniwala na ang patay ay papatay? Unless nabuhay 'to at bumangon sa hukay. Unless..

"Natatandaan ko po no'ng bata pa 'ko at nakatira ako sa inyo ni Tsang Almira, no'ng mamatay ang mga magulang ko, na nagdadasal si Tsong Arnulfo ng kung ano- ano sa santo na kaniyang sinasamba."

"What?!" Halos sabay na mariin na bulong nina Azraelle at Xian kay Randall.

Hindi nila alam ang sinabing 'yon ng huli. Mukhang hinintay talaga nito si Adolfo Nuevo bago bitawan sa kanila 'yon. Adolfo Nuevo, smirked. To Ashey's annoyance. Tila hindi pa naniniwala 'to sa sinabi ni Randall. Hindi niya napigilan na irapan ang matanda ng palihim at suriin ang behaviour ni Adolfo Nuevo. Ngayon na sinusuri 'to ni Ashey, hindi niya maiwasang isipin na gano'n din siya.. kung ano ang nakikita ng mga tao sa kanila para masabi silang weirdo, dahil 'yon sa nais nilang ipakita sa mundo. Para siyang nananalamin ngayon kay Adolfo. Na kung hindi pa siya ang mismong nakaranas ng mga bagay na hindi maipaliwanag, magiging ganoon din ang reaksyon niya. Dahil kahit sabihin pa sila na weirdo, sa kaibuturan nila ay may talino silang taglay na wala ang mga taong mahusay lang manghusga.

"Nakakatawa ka, Randall, napakatagal na'ng panahon ng sinasabi mo. Kung may balita ako kay Arnulfo ay sasabihin ko sa'yo agad, huwag kang mag- alala. Pero gusto kong malaman niyo na narito na rin lang ako sa harap niyo, baka matulungan niyo rin ako. Hindi ako pinapatulog nang isipin kung bakit nagpakamatay ang aking anak. At sa narinig ko mula sa inyo, baka nga tanggapin ko na lang ang katotohanan na siya ang killer. Basta makausap ko lang siya at mayakap ulit. Dahil kung siya nga ang pumapatay, nakakatuwang malaman na nagbalik ang anak ko sa mundo ng mga tao at ipinaglaban ang sarili niya. Dahil mula pa no'ng maliit ang batang 'yon ay hinayaan niya na lang na kayan- kayanan siya ng lahat..."

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now