40: Gradually Fading

5 1 0
                                    

"COME WITH ME..."

"Aaahhh..." Nasisiyahan man sa sarap na dulot niyon ay pinigilan ni Ashey na pumikit habang inaabot nila ang sukdulan ng kaniyang asawa na si Randall.

Nais niya titigan si Randall at nakakatakot ang biglaan na realisasyon na kanina lang ay umahon sa isip at damdamin niya. Tunay na kinabahan siya. Kaya kahit pareho silang nagdedeliryo ni Randall, pinagsama- sama niya lahat ng lakas na mayroon siya, na natitira sa kaniya para lang huwag mapapikit.

Katunayan ay inabot niya pa ang pisngi ni Randall gamit ang kaniya kanang palad--- para lang lihim na mapasinghap--- naglalaho na rin ang mga daliri niya! Kaya mas hinaplos pang lalo ni Ashey ang guwapong mukha ni Randall gamit ang mga palad habang hindi pa 'yon naglalaho.

Naramdaman yata ni Randall ang pagkapatda ng kalooban niya at nang marating nito ang muling pagsabog ay dumilat ito at nagtatanong ang mga mata sa kaniya.

"Ran..." Iniangat ni Ashey sa ere ang kaniyang mga braso na hayun at parang ang bilis naman ng paglalaho ngayon kung ikukumpara sa nakaraan na nagsimula sa kaliwa niyang kamay at braso.

Bakit parang bigla ay tinatambol na ang dibdib ni Ashey?...

Tumayo si Randall sa beach hammock at hindi pinansin ang mga pinakita niya rito na braso niya. Bagkus ay itinayo pa siya ni Randall, hinapit siya sa bewang at sa gitna ng yate, habang kapwa sila walang saplot at ang paligid ng karagatan ay napapalibutan na ng malalaking maberdeng bato na napakaganda sa mga mata habang unti- unti na rin na lumulubog ang araw ay nagsayaw sila...

Nagsayaw sa gitna ng ulan na kung kanina ay ambon lang, ngayon ay medyo may kalakasan na 'yon at tila pinapaliguan na sila.

Nakapulupot ang mga braso ni Ashey sa leeg ng asawa. Magkapingki ang kanilang mga ilong at mataman na nakatitig lang sila sa isa't-isa.

Salamat sa ulan at ang mabilis na pagluha ni Ashey ay naitago dahil do'n. Na kung alam lang ni Ashey ay ganoon din ang nararamdaman ni Randall sa mga sandaling 'yon. Kahit pa nakangiti ito. Kahit pa unti- unti nang kumanta ang lalaking ni sa hinagap ay hindi niya akalain na mapapangasawa niya...

"In another life
You would be your girl
We'd keep all our promises
Be us against the world
In another life
I would make you stay
So I don't have to say you were
The one that got away..."

Marahan sila na natawa parehas sa pag- iiba ni Randall ng lyrics sa kanta ng pamosong  singer na si Katy Perry.

"Singer ka pala, Husband," biro niya sa asawa.

"Small thing."

They laughed together again.

Ah, sana ganito na lang sila palagi. Masaya. Nagkakatawanan. Nagkakasiyahan. Nagsasayaw sa ulanan at walang pakialam sa paligid. Walang pakialam sa alalahanin na nakaambang sa kanilang relasyon...

"Maybe I can try to sing too."

Ang ngisi ni Randall kay Ashey nang mga sandaling 'yon ay masarap sa mata. Minsan na kasi siyang narinig na kumanta ng asawa niya at pinintasan siya nito. Well, gano'n talaga. You can't have it all. Ganda lang at g'wapong asawa ang mayroon siya kaya wala na talagang chance na magreklamo pa siya.

"Ehem, ehem..." Nang magbiro si Ashey sa pagtikhim for warm up sa pagkanta at itinapat niya ang nakakuyom niyang kamao sa bibig niya, malungkot siyang nangiti sa asawa.

Napuna na kasi nila na ang paglalaho ng kanan niyang kamay ay umakyat na malapit sa kili- kili niya. At hindi lang 'yon... nang tignan siya ni Randall mula ulo hanggang paa, maging ang mga talampakan niya at binti ay papalaho na. Wari'y signal 'yon na ito na talaga ang kanilang huli...

"Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi

Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat

Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw..."

Nang matapos ang pagkanta ni Ashey niyon ay agad siyang sinunggaban ni Randall ng yakap. Nagyakapan sila nang mahigpit. Tanda na tinanggap man nila ang katapusan nila ngayon, alam nila sa mga sarili nila na hindi pa ito ang huli. Na magkikita pa sila. Kung kailan at saan, Diyos lang ang makakapagsabi.

"Lumalakas na ang ulan, baka magkasakit ka, Santillan, aniya kay Randall sa pagitan ng paghalik niya sa balikat ng kaniyang asawa.

Gusto niyang baunin din ang pagkabisa sa katawan ni Randall Santillan. Ang kauna- unahang lalaki na bumihag sa kaniyang puso. Ang kauna- unahang lalaki na nagpahalaga at sumamba sa kaniya bilang babae. Kahit ubod ng babaero 'to at marami ring issues sa buhay, hindi ito naging maramot. Binigay sa kaniya nito ang lahat. Ito ang lalaking masasabi niyang hindi man perpekto ay tunay na higit pa sa sapat nang makuntento naman sa kaniya.

Ah, nagiging makata si Ashey si bigla. Sabagay, guro siya ng Filifino subject. Normal na ang pagiging makata.

Ah, nagiging nonsense na rin ang mga binibitawang salita ng utak niya. Dini- distract siya niyon sa realidad. Dina- divert at inaaliw siya kahit heto na at hindi na maaawat ang unti- unti niyang pagkawala sa yakap ni Randall dahil unti- unti na siyang naglalaho...

TAHIMIK NA tumingala sa may kadiliman ng langit si Arnulfo Nuevo. May kadiliman na dahil malapit na ang alas sais ng gabi at maulan pa. Sumusungit ang panahon na kanina naman ay maaliwalas.

Sa tuwing ganoon na nag- iisa siya ay naaalala niya ang mga nagawa para sa kaligtasan ng kaniyang mga pamangkin. Tumanda na siyang binata at hindi na niya binalak na mag- asawa bilang parusa sa kaniyang sarili sa nagawa niya sa sariling kapatid at kakambal.

Ibinuhos na lang niya ang lahat ng atensyon niya at pagmamahal na nakareserba sa kaniyang puso sa kaniyang mga pamangkin na sina Therese at Randall.

Hindi niya makakalimutan ang sarili niyang panaginip noon kaya kaagad niyang sinundo ang musmos pang si Randall sa ampunan. Ngunit walang nagawa ang pag- awat niya sa pagkakakilala nina Ashey at Randall. Huli na.

Sa ampunan niya unang nakita ng personal si Ashey Emerald Brown na ipinakita sa kaniyang panaginip na magdudulot ng kalungkutan sa pamangkin niyang si Randall.

SA PAGHIGOP ni Adolfo ng mainit na barakong kape ay napatitig siya sa ulan.

Ang mga bagay na nangyari, ang mga kasalanan na kaniyang nagawa ay kinagigiliwan niyang pagnilayan 'pag ganito ang panahon. Humingi man siya ng tawad ay alam niya sa kaniyang sarili na hindi 'yon doon magtatapos.

Alam niyang sa mga oras na 'to ay nasa pulot- gata sina Randall at Ashey.

Sina Randall at Ashey na maghihiwalay rin sa ano mang oras. Sa ano mang sandali. Dahil tuluyan nang bumigay ang katawan ni Ashey na inakala rin niya na naisalba niya pa. Pero hindi pa naman huli. Wala pa namang resulta ang huli niyang nagawa.

Hindi na niya tatanungin ang sarili na kung sa nagawa niya ba bago malagutan ng hininga ang katawan ni Ashey ay ikalulugod 'yon ng mag- asawa, maghihintay na lang siya ng resulta. Resulta na magsasalba naman sa kaniya sa sumpa na kaakibat ng kanilang pamilya. Na umaasa siyang maging ang natitira pa sa kanila ay maisalba.

Ah, dalawang mahalagang salita ang nais lang niyang ibulong sa hangin ay kung ano- ano pa ang sumasagi sa isip niya...

Muli'y patawad, Ashey Emerald Brown...

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now