35: Yesterday and Today

6 1 0
                                    

"COFFEE?"

"Thanks." Inalis lang ni Ashey saglit ang salamin niya sa mga mata bago hinarap ang kape na inilapag ni Randall sa table niya.

Sabik din niyang tinikman ang kape. Ang pagharap sa laptop ng ilang oras ay sadyang nakakangalay at hindi biro.

"Hmn..." Wala na talagang ibabango ang kape na tinimpla para sa'yo ng taong mahal mo...

"Is that a resignation?" Takang tanong ni Randall nang mamataan ang ginagawa niya.

Kunot na kunot pa ang noo nito na inilapit ang mga mata sa screen, tila sinisiguro na tama ang kaniyang nakikita.

"Uh-uh..." Nakagat ni Ashey ang hintuturo.

Nilingon niya ang nobyo na nasa kaniyang likuran. Hindi niya kasi 'yon sinabi kay Randall. Wala itong alam na plano na niya talagang tuluyan na huminto sa pagtuturo. Alam naman kasi niya na aawatin lang siya nito.

Randall let out a deep breath, "Ashey..."

"No boyfriend. It's just.. Ugh... yeah, there," napaungol si Ashey sa sarap na dulot ng pagmasahe ni Randall sa balikat niya.

Dini- distract talaga siya ni Randall madalas. " Ran, mahirap na. Alam mo naman ang sitwasyon ko. Baka mamaya, isa sa mga araw na 'to---"

Hindi na niya natuloy ang sinasabi dahil dinukwang na siya bigla ni Randall para halikan. Klase ng halik na nagsasabing itigil na niya ang mga wiwikain pa niya. Na hindi nito hahayaan ang pina- plano niyang sabihin pa.

Maalab naman na tinugon ni Ashey ang halik na 'yon. Agad na dumaloy ang init na ilang araw na rin nilang hindi napalaya.

The past days been exhausted for the both of them.

Napakabilis ng mga pangyayari.

Kung paanong mabilis na nagkakilala sila at nagmahalan, ganoon din kabilis na namatay ang kaniyang mga estudyante at nagsihulog sa kanila ang mga rebelasyon na may kaugnayan sa kanilang dalawa.

Clearly, they were really for each other.

Fated. Spiritually, mentally and physically.

Nakakalungkot lang na ang buhay ay grabe kung magbiro. Kung kailan wala na siyang pag- asa dahil ghost na siya, saka pinaranas sa kaniya ang pagmamahal na hindi niya alam ang existence simula pa noong nalaman niya na earth pala ang tawag sa mundong ginagalawan niya.

Kung hindi siya pinatay, namatay, hindi rin naman magtatagpo ang landas nila ni Randall.

Kung hindi dahil sa kawalanghiyaan ng tatay niyang hindi naman niya nakilala kahit kailan, walang Randall sa buhay niya ngayon.

Kung hindi siya ang teacher na si Ashey Emerald Brown, malamang sa hindi, hindi sila pagtatagpuin ng tadhana.

Being that fulfulling teacher despite of raising in a cruel world alone and for being a not so good person in Ashey's past life, lahat pala 'yon, may kasagutan kaya nangyari... sa mangyayari sa kasalukuyan.

Lahat pala 'yon, may koneksyon sa kanilang dalawa ni Randall. Kaya lang... sa usapin na future, ano ang naghihintay sa kanila?...

"Hays, nagsasalita ka na naman nang kung ano- ano."

Bumuntonghinga si Ashey, "I'm just... being true to myself." Resign ang pinakawalan niyang salita.

Simbolo na kawalan na ng pag- asa. Kahit pa alam niyang nananatiling lumalaban ang katawan niya sa ospital. Well, ayaw lang naman niyang mawasak ng salitang pag-asa. Wala naman sigurong masama roon at buong buhay ni Ashey, umasa siya na isa sa mga araw na darating noon ay magpapakita sa kaniya ang mga magulang at hindi siya hahayaan na humarap na mag- isa sa laban ng buhay. And that did not happen. Matagal na niyang napag- aralan kung paanong huwag kapitan ang pag- asa.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now