18: Deserving

5 0 0
                                    


"ANAK kita sa isang Irish. Iniwan kita sa ampunan dahil wala akong alam na magiging trabaho noon at napakabata ko pa.."

"Then, bakit hindi mo 'ko binalikan? Sanggol pa lang nang iwan mo 'ko ro'n. Napakaraming pagkakataon na maaari mo 'kong balikan," ayaw man ni Ashey, nagtunog- sumbat pa rin ang pinakawalan niyang salita sa nanay raw niya.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Ito na yata ang tinatawag nilang kamanhidan? Kasi, wala e. Kahit katiting na affection, wala siyang madama para sa ina. To say na may lukso ng dugo, oo, siguro, yata, kanina? Nang makita niya ito sa unang pagkakataon. Pero hanggang do'n lang. Mas kinakain siya ng poot na matagal na natulog sa dibdib niya sa para sa mga magulang. Tao siya, hindi siya laruan. Hindi niya pinili na isilang sa mundo. Sa mundong isinali lang siya ng mga ito.

"Baby, let her speak first, will you?" Bulong sa kaniya ng nobyo na katabi niya. Kung wala siguro ito, nagwala na siya. Siya 'yong tao na matagal ng natutunan kung paano kontrolin ang galit. Pero dama niya ang napipintong pagsabog niya nang makita ang ina..

"Patawarin mo 'ko, anak. Masyadong magulo ang buhay ko at ang hayaan ka na mamalagi sa ampunan ay ang mas nakakabuti." Gustong maawa ni Ashey sa ina, pinipigilan lang niya. Halata pa rin kasi na hanggang ngayo'y magulo pa rin ang buhay nito. Sa ayos nito na marungis.. ayaw na lang niya talagang magsalita.

"Talaga ba?" Basgkus ay pabuskang turan niya sa ina. Tumingin siya kay Azraelle na nasa likuran, "Nasabi mo na ba sa kaniya?" Nang umiling si Azraelle, napabuntonghininga si Ashey. So, siya pa rin pala ang pagsasabihin ng luko-lukong anghel.

"Nay, may sasabihin po kami sa inyo na sana po ay handa kayo na paniwalaan.." Okay, thanks to Randall's introduction.

Naramdaman yata nito ang pagdadalawang-isip niya na sabihin na patay na siya. Sino ba naman kasi ang matinong tao na buhay, pero idedeklara na patay na siya? 'Gulo, putsa. Pero 'gaya nga ng napag- usapan nila ng mga ito, nagbago ang plano-- ihuhuli nila ang paghahanap nila sa bangkay niya-- unahin nila ang paghahanap sa killer ng mga estudyante niya pero bago 'yon, kailangan niya munang harapin ang kaniyang ina na hindi naman naging ina sa kaniya.

"Ghost na po ang anak niyo. Kagaya po ng sabi niyo ate, noong una niyo 'kong makita, anghel nga po ako na itim." Nabanggit ni Azraelle sa kanila ang bagay na 'yon. Na nakaka- sense ang kaniyang ina ng mga hindi kayang ipaliwanag ng siyensya at tao. Gulat ang rumehistro sa mukha ng kaniyang ina. Gulat na nilingon nito si Azraelle.

"Ba--kit mo siya inalok ng ikalawang buha--"

"Because I was killed."

"Because she need and deserves to live, again. Simple as that," mariin na saad naman ng anghel. Nang magkatitigan sila ng anghel, unti-unti ng humapdi ang sulok ng mga mata ni Ashey. "Hindi siya namuhay ng normal sa unang buhay niya. Stable ang buhay niya, sa sobrang stable, lahat ay pantay na at patas. Hindi balanse. Hindi p'wedeng gano'n. Ni hindi naranasan ni Ashey na mabuhay na gumawa man lang kahit isang mabigat na kasalanan na tulad ng ginagawa ng isang normal na nilalang. Kahit ultimo, maliit, wala. Ang record niya ay blanko. Neutral. Wala siyang paglalagyan. Hindi maaari na manatili ang isang kaluluwa na ligaw, because the old you, by being neutral, you are not a believer of Him. You know why? Dahil ginagawa mo lang ang alam mong tama para sa'yo. Nagpa- function ka ng ayon sa sarili mo lang ma kagustuhan noon without weighing if it's God's will or not. Alam mo kung ano ang natatanging kasalanan mo na inagapan ko sa pagpapahiram sa'yo ng ikalawang buhay na 'to? Puno ka ng poot at sama ng loob. Puno ka ng galit at walang puwang sa'yo ang pagpapatawad. Isa 'yan sa nais kong maaral mo, para maayos na ang record mo at wala ng sagabal na makaakyat ka ng tuluyan sa Itaas. You can't face God, if you're not His believer, don't you? God won't face you as well if you're not a hell believer too."

"HAYUP KA! Buntis ako at sasabihin mo lang, sorry?!" Halos bugbugin na ni Assunta ang nobyong amerikano na mukhang Pinoy na g'wapo. Sinabi niya rito na buntis siya. Na nabuntis siya nito. Ngunit tumawa lang ito at hinamak ang kaniyang pagkatao. Nababaliw na daw siya kung inaakala niya na mahahawakan niya ito sa leeg nang dahil lang nagpabuntis siya..

"SISTER, kayo na po ang bahala sa anak ko at hindi ko siya maaaring iuwi sa'min. Punong-puno ng pasakit sa labas. Ayaw ko na matulad siya sa'kin na katawan ang naging puhunan upang mabuhay lang."

"ASHEY ABO! Walang gustong umampon!"

"Ashey abo, magiging abo na lang na ganyan!"

"WALANG gustong umampon sa'kin sister dahil anak daw ako ng masamang babae. Totoo po ba 'yon? Ayaw ko po na maging masama tulad niya, sister."

"Ashey, anak, hindi 'yan totoo. Walang masama sa mga mata ng Diyos."

"Walang Diyos sister! Hindi ako naniniwala sa Kaniya. Dahil kung totoo siya, hindi niya ako sana hinayaan na masaktan ng ganito. Hindi niya sana ako hinayaan sa ampunan na ito na nag- iisa. Hindi niya sana pinaramdam sa'kin ang lahat ng ito!"  Kung alam lang ni Sister Darlene na ang hawak niyang rosaryo sa tuwing nagdarasal sila ay sinira niya, matagal na..

NARAMDAMAN na lang ni Ashey ang tuluyan na paglandas ng mainit na luha sa kaniyang magkabilang pisngi. Marahas niyang pinahid 'yon ng mga palad at suminghot na nagpaalam sa mga kaharap.

"Excuse me."

"Excuse me rin po." Dinig pa ni Ashey na paalam din ni Randall sa mga ito.

  "PSALM 32: Count yourself lucky, how happy you must be— you get a fresh start, your slate’s wiped clean."

"Kung sinundan mo 'ko para sermunan, huwag ngayon, Randall." She heard Randall chuckled.

"Nope, I won't. Sinasabi ko lang 'yong nais iparating na mensahe ni Azraelle at pagkahaba- haba ng sinabi nang isang 'yon, dati yatang speaker sa radyo 'yon." Natawa si Ashey.

"Baliw ka talaga."

"Baliw sa'yo." Nagsalo sila sa tawanan na madalas nilang ginagawa sa tuwing sila'y magkasama. Kinabig siya ni Randall pahiga sa mga balikat nito.

"John 11:25-26: Jesus said to her, 'I am the resurrection and the life. The one who believes in me will live, even though they die; and whoever lives by believing in me will never die. Ashey, naniniwala ako na naniniwala ka sa Kaniya, hinaharangan lang ng malaking balakid at galit ang paniniwalang 'yon. You must learn to trust Him.. again. Baka may tsansa pa.." Pinagsalikop ni Randall ang kanilang mga palad.

Tsansa.

Hindi naman tayo nauubusan no'n, oo nga naman. Pero hindi nga ba at applicable lang 'yon sa mga buhay? Patay na nga siya. Walang sense na umasa pa at panghawakan ang salitang tsansa. Sa milagro, oo pa. But she chose to take away those thoughts, mas masarap kasi sa pakiramdam ang panatag niyang kalooban-- ngayon na katabi niya ang nag- iisang tao na nagturo sa kaniya kung paano magmahal at mabuhay sa tunay na kahulugan ng salitang 'yon.

Ngayon na katabi niya ang tanging magiging rason kung sakaling tanungin siya ng Diyos kung para saan niya gustong bumangon muli.

Credits to Nescafé, char.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon