3: The Santillan Farm

16 2 0
                                    

HIDDEN paradise. Iyon lang ang angkop na maipanlalarawan ni Ashey sa Santillan Farm. Masarap sa balat ang hangin kahit tirik na ang araw sa mga oras na 'yon na tanghaling- tapat. Masaya makita ang mga tao na busy sa pagsasaka at pagkuha ng mga bunga. Isang magandang tanawin ang maberdeng kapaligiran na nakapalibot sa farm na 'yon.

"Fresh air.." Ashey can live in this kind of a paradise forever, she thought.

Malayo ang farm na 'to sa mausok na lugar ng Manila. Natigilan siya sa paghalina at pagpapala sa lugar na 'yon nang maalala niya ang sinadya niya roon.. 

Ang kaniyang bangkay..

Ilang oras din ang byahe papunta sa farm na 'yon. Nang malaman niya na may koneksyon ang Santillan Farm sa killer niya, nag- research siya about that farm. Then, naeksakto na hiring for a cashier position. Nakita niya sa online. Konting fake lang like, address. Dahil hindi naman tatanggapin ang taga Metro Manila sa Zambales. Nag- apply siya online, the interview done online, then viola, kausap na siya ng general manager for final interview today. Sigurado na ang pagtanggap sa kaniya sa trabaho. Isa pa, hindi rin naman siya nahihirapan na matanggap sa trabaho mula noon. Bilib siya sa sarili sa mga gano'ng pagkakataon. Sabi nga nila, you can't have it all-- hindi siya sinuwerte na mamuhay na may pamilya pero suwerte siya sa career, na siyang mahalaga sa buhay ng isang tao 'di ba? Kaya wala siya sa posisyon para magreklamo sa kawalan ng pamilya.

"So, maiwan na kita rito, Ashey. Feel at home lang. Kaniya-kaniya naman ng k'warto ang mga naka- stay rito na trabahante. Maliit lang ang k'warto na 'to, pero guaranteed na malinis at safe ka naman dito." 

Tango at ngiti lang ang tinugon ni Ashey sa manager. Iniwan na siya nito sa k'warto na inilaan para sa kaniya. Bukas pa siya magsisimula at hinayaan sa kaniya ang araw na 'to para sa pagsasaayos niya sa sarili at sa magiging k'warto niya sa lugar na 'yon.

Ang trabaho na 'yon ay angkop sa pakay niya sa lugar. Stay- in kasi. Sa pananatili niya roon, magbabakasali siya na mahanap ang father ni Therese at makakalap ng info tungkol dito. Dito ang simula. Hindi naman kasi siya p'wedeng magpunta sa pulis na ang dala lang niyang proof ay ang kuha ng cctv ng bahay niya. Siya ang pinatay. Wala siyang kamag-anak na maaaring mag- prisinta no'n, wala rin siyang kahit kaibigan na p'wedeng mag- complain sa pagkamatay niya. Ngayon na nakabalik naman siya, hindi rin naman ang pagsuplong sa pulis ang gusto niyang mangyari. Makausap lang ang father ni Therese at maisaayos ang kaniyang labí ang pakay niya, wala ng iba.

"That, I don't know how to do," naisaloob niya.

Because If truth to be told, ngayon lang nag- sink in kay Ashey ang mga nangyari. Kaya hindi niya talaga alam kung saan parte ng farm magsiismula. Ang alam lang niya, sa farm na 'to siya magsisimula ng panibagong buhay. Ang sabi kasi ni Azraelle, 40 days na siyang patay no'ng sunduin siya nito. So meaning, 43 days na siyang patay from the day na makabalik siya. Nag- search naman siya sa mga news sa mga panahon na nag-o- occur ang pagkamatay niya, wala siyang napanuod o nabasa na nakitang bangkay ng babae somewhere na puwedeng maitagni niya sa pagkamatay niya. Kaya hindi niya pa talaga alam kung papaano hahanapin ang bangkay niya. 

"Hindi pa naman nabanggit ni Azraelle kung kailan niya 'ko susunduin.." Naalala nga ni Ashey na walang nabanggit ang anghel sa bagay na 'yon.

Basta ang sabi lang ng anghel, dadalawin siya at lasingin daw niya ito sa pagkikita nila. Nakakatuwa ang anghel na 'yon. Mukhang dito lang sa lupa siya nakakakain ng foods at nakakainom kaya gano'n ang request nito sa kaniya. Inilibot niya ang paningin sa k'warto na 'yon.. maliit pero may mezzanin. Maganda ang k'warto para sa isang tulugan na pang- trabahante. Mukhang maayos makisama sa mga employee ang employer ng farm na 'yon. Nakita niya rin kanina na talagang maraming customer ang coffee shop na pagsisilbihan niya simula bukas. Mukha namang magugustuhan niya ang pag- stay sa lugar na 'yon. Pinasya niyang ayusin ang mga dalang gamit muna bago maligo. Sa haba ng binyahe niya, panay alikabok na ang nasisinghot niya sa sarili. 

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon