4: Her Farmer Boss

20 1 0
                                    

"KUMUSTA naman ang pananatili at trabaho mo rito sa Santillan Farm?" 

"Ay, kabayong lasing!" Randall chuckled.

After their first encounter of this woman, ngayon lang niya nilapitan ang bagong kahera pala ng Ran Santi's Coffee Shop na pag- aari niya. Ashey pala ang pangalan nito. At tama siya ng hinuha na Fil-Am ang babae. Fil-Irish. Mapusyaw ang pagka- morena at mas lamang kasi kay Ashey Brown ang pagka- Pilipina. Mahigit isang linggo na rin ito sa farm. Sa loob ng halos isang linggo na 'yon, napuna ni Randall na napakailap nito sa tao. Hindi bagay maging kahera. Ang kahera, dapat palagian na may nakahandang ngiti. Kung sa paggawa ng sales report naman, wala siyang masasabi sa babae. Pero, sa personality nito, marami. Una, 'pag hindi ito naka- uniform na siyang suot sa shop, ang suot nito ay palda na abot hanggang sakong at long sleeves. Pagkahahaba. Kahit pa may araw na napakainit. Panay itim din ang kulay. Natatakpan lang ang itinatagong hubog ng katawan na nahulmahan na ng mga mata niya. Nanghihinayang siya. Maging ang buhok nito ay parating naka- umpok ang pagkakapusod. Wala sa istilo kung manamit at pati ang buhok. Ang salamin sa mata, napakataas ng grado. Natatabunan lang niyon ang magandang mukha ni Ashey Brown. Weird ang pananamit at personalidad na pinapakita nito-- that's it. 

"Ahm, okay lang sir." Sapo ni Ashey ang dibdib, nagulat sa biglaan na pagsulpot at paglapit ng boss.

Oo, boss pala niya sa farm na 'yon ang lalaking halos hubad na nakita niya no'ng unang araw niya rito. Ang kauna- unahan na lalaki na nakita niyang hubad at nakabukol ang ano..

"Ano ang hinahanap mo d'yan?" 

"Ah.. wa--la. Nahulog kasi ang five peso coin ko rito. Oo, nahulog nga!" Wala nang maisip na p'wedeng hanapin ni Ashey sa halamanan na ang tinutumbok ay malawak na ilog kung hindi, ang coin. 

"Five peso coin? Talaga lang ha, kasi ang lugar na 'to ay hindi puntahan ng mga tao. Ba't mas pinipili mo na rito pa umistambay?" Randall just asking.

Isa pa sa napupuna niya sa babae ay ang pag- istambay nito palagi sa palibot ng ilog na nag- uugnay sa farm niya sa dam. 

"Oo. Coin lang talaga, sir." Nakagat ni Ashey ang sariling dila. "Ahm, mauna na po ako sa inyo. Papasok na 'ko sa loob, sir at maglalaba pa po ako." 

"Randall. Call me Ran. Walang nagsi- sir sa'kin dito." Napuna na rin naman 'yon ni Ashey.

Kaya lang, nakakailang naman na ang bago-bago niya ay maki- Ran siya sa boss. 

"Okay," she said, even if her nod was hesitant. Tatalikuran na niya sana ang boss nang awatin siya nito sa braso. 

"Ganyan ka ba talaga?"

"Ano?" 

"Ganyan ka ba talaga, sabi ko."

Nagulat si Ashey sa paghawak ni Randall sa braso niya. Parang may kuryente na ewan siyang naramdaman na dumaloy sa braso niya mula sa pagkakahawak nito sa kaniya. Ang mga mata ng boss niya ay mataman na nakatitig sa kaniya.. na naman. Kagaya ng titig na binigay nito sa kaniya no'ng nakaraan. 

"Hindi ka marunong manalamin.." Kinuha ni Randall ang salamin siya sa mata at pinunas 'yon sa laylayan ng shirt nito. "Malabo na rin talaga ang salamin sa mata na 'to" 

"Sir--" Isinuot ni Randall muli ang salamin sa mata niya...

"May kulangot ka pa kasi oh." May tinuro ito sa bridge ng ilong niya. Agad naman na kinapa 'yon ni Ashey, wala naman siyang nakapa na.. 

"B'wisit!" Nauto siya nito!

Tatawa-tawa ito sa sariling kalokohan. Mabilis na nag- martsa na si Ashey sa pagtalikod. Pinukol niya pa muna ang boss niya ng mga nadaanan niyang maliliit na bato. Well, nakakainsulto naman kasi ang halakhak na pinakawalan nito na naririnig pa rin niya kahit may kalayuan na siya sa boss niyang maloko. Sapo ni Randall ang sariling t'yan sa kakatawa, nang malingunan niya. Inirapan niya na lang 'to bago tuluyan na tinalikuran.

"MAY sasabihin ako sa'yo.." 

Kung p'wede lang na irapan ni Ashey sa harap ng mga katrabaho niya ang boss nila na ngayon ay nakatunganga at nakapangalumbaba sa kaniya sa harap ng counter na puwesto niya sa coffee shop na pag- ssri nito, ginawa na niya. Dumaan na naman ito sa coffee shop, para mang-asar, pupusta siya.

"Alam mo ba na mas maganda ka kung ngingiti ka.." 

Okay, nagulat si Ashey sa sinabi ni Randall, aaminin niya. Wala pa naman kasing lalaki na nagsabi sa kaniya ng gano'n. Pero nakangisi ang boss niya sa kaniya na halatang nasa joke time mode na naman 'to! Exposing his dimples and braces. Sa totoo lang, cute ang boss niya, kung hindi lang turn off ang pagiging babaero nito. Sa inaraw-araw yata ay iba't-iba ang kasama nito na babae. Psh! Major turn off!

"Sir, masakit po ang t'yan ko..." 

"Huh? e, ba't hindi ka pa mag- undertime--" 

"Kumain po ako ng fishball sa 'babaran ng sandok."

"Huh? Fishball?" 

"Po? Oo nga po..."  Ang tawanan ng mga kasama niya sa trabaho ay halatang hindi na- gets ng boss nila. 

"Bossing, jino- joke time ka ni Ashey," sabi ng barista na si Jepoy. 

"Sa tiktok 'yan sir e. Naku, hindi kasi alam ni Sir Ran ang tiktok, Ashey!" ang nagsalita naman na 'yon ay ang service crew ng coffee shop na si Erwin. 

"Tiktok?" Nagtatanong na may pagtataka, na tinignan ni Randall ang mga empleyado. Well, "Ano 'yon?"

"Opo master." Nginisian niya si Randall. Nakaisa rin siya sa boss niyang wala ng ibang i- joke time kung hindi, siya.

Mukha ngang hindi nito alam ang tiktok base sa pagtataka na nakarehistro sa mukha ni Randall. Sabagay, never nga na nakita ni Ashey na nakababad ang farmer- slash- businessman sa cp nito. Sinearch din niya kung may socmed account 'to, google lang ang nakita niya, just flexing his farm-- checking lang, hindi stalk! Defensive bigla ang isang bahagi ng utak niya. Simple lang ang boss nila, actually. Randall Santillan wearing shirt and a denim jeans mostly. Ang kicks nito ay katulad lang ng palagian na shirt na suot, paiba-iba ng kulay pero iisa ang istilo. Gray, white, black, sa tatlong 'yon umiikot ang kulay ng suot ng isang Randall Santillan, maging ang cap. Kahit halata naman na branded, dinadala nito 'yon sa paraan na simple. 

"Stop, Ashey. You're not funny," saway nito sa kaniya na hindi niya intindi.

"Salamat, master." Halakhakan ang mga nasa background. This time, pati ang magbabarkada na customer nila na nasa mesang malapit.

"Sir, I'm a tiktokerist. Maybe you want me to dance with you while we're here in your coffee shop? You have a very nice coffee and cakes here, by the way." Lumapit ang isang 'kano na bagets sa kanila. Pinakilala ang sarili.

Alam daw nito na si Randall ang owner ng coffee shop. The teenager artist want to content their coffee and cakes to his socmed accounts by dancing with the owner. 

"Sasayaw na 'yan!" Kant'yaw niya kay Randall. Mayabang na pumorma naman ito na mukha ngang marunong sumayaw? Aba! 

"Dance ba 'kamo?" Pinagpagan pa kunwari ni Randall ang balikat. Binaliktad ang pagkakasuot ng cap.

"Watch me," Mayabang pa na sabi nito sa kaniya. 
Sumayaw ito at ang binatilyo sa saliw ng "Into the thick of it." Ang ingay ng crowd, nagkakatuwaan at naghihiyawan at mga nag-chi-cheer. At napuna ni Ashey na malambot pala ang katawan ng boss nila! Tuwang-tuwa ang lahat ng tao na naroon at nasaksihan ang pagsayaw ng coffee shop owner. But Ashey can't express her feelings, kung tatawa siya tulad ng mga taong naroon, hindi na siya 'yon. Pero, ang pagtawa ay kasali naman sa buhay. Hindi lang siya nasanay noon dahil walang rason para tumawa ng may buhay at malakas. But this time... 

Ang pagtatapos ng sayawan ay pagkembot ng p'wet sa mga audience ni Randall Santillan. After the beat, kinindatan pa siya ng boss niya at malawak na nginitian. Ashey can't help but reciprocate that wide smile of her boss-- er,

"Pa- cute ka naman d'yan masyado, Ashey Emerald Brown!"

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now