29: Fated

9 1 0
                                    


HINDI napigilan ni Ashey ang emosyon. Pasimple na pinunasan niya ang mga luha sa mga mata, bago pa tuluyan na umalpas 'yon. Ang mga isiniwalat ni Adan sa kanila ay malinaw na mga napagdaanan ng lihim ng estudyante niya na si Therese Nuevo, na pamangkin ng kaniyang nobyo. Na kahit ito ay walang ideya sa mga nangyari. Masyadong busy si Randall sa farm at ang pamilya ni Adolfo ay nagkawatak-watak na at napunta sa Manila. At sinabi naman sa kaniya ni Randall na ang pamilya na mayroon ito ay hindi naman close sa isa't-isa.

Hindi tuloy maiwasan ni Ashey na itanong sa sarili kung bakit nga naman ganoon? Kung sino pa ang mga hayup na nabubuhay sa mundo ay sila pa ang mas masuwerte? Hindi rin maiwasan na makanti kay Ashey ang sakit na dulot nang kawalan ng mga magulang mula nang dalhin siya ng mga ito sa mundong ibabaw...

"Ku--Kung may paraan po, hihingi ako sana nang tawad kay Therese, Teacher Ashey. A--Ayaw ko po na mamatay, lalo na sa katulad na paraan kung paano niya pinatay si Dad," mababanaag sa mukha ni Adan ang pagkabahala.

Pagkabahala at paniniguro na isusunod 'to ng killer, sa lalong madaling panahon...

"Magiging honest ako sa'yo ngayon, Adan. Hindi ko alam kung ikinalulungkot ko ba ang pagkamatay ng tatay mo," mariin na sabi ni Ashey sa estudyante. Dahil para sa kaniya, tama lang ang nangyaring kamatayan dito.

Tama lang na patayin ito ni Therese--- kung siya man talaga ang killer--- sa ganoong paraan. Nababagay lang 'yon sa guro. Kulang pa nga na ganti 'yon.

"Nauunawaan ko po, 'Cher kung saan po kayo galing."

"Ako rin, magiging honest ako sa'yo. Hindi namin alam kung paano ka namin tutulungan," this time ay si Xian ang nagsalita.

Totoo naman kasi 'yon. Sinubukan na ni Xian na tawagin ang kaluluwa ni Therese, ngunit bigo ito na matawag 'yon at makausap. Sa ganoong paraan lang nila matutulungan si Adan--- Na mailigtas ito sa nakaambang kamatayan na pinaniniwalaan nito. Pero sadly, wala rin nangyari kahit si Ashey pa mismo ang sumubok na tawagin si Therese. Nagre- research na nga rin sila tungkol sa spirit of the glass, sa sobrang ka- desperaduhan. Baka lang sakali na sa pamamagitan niyon ay matawag na nila at makausap si Therese.

"Ang paghingi ng tawad ay bukal sa loob. Hindi na kailangan ng kung ano pa man, hindi na kailangan ng sagot mula sa taong hihingan mo ng kapatawaran. Proverbs 15: 1: A soft answer turns away wrath, but a harsh word stirs up anger," anang kadarating lang na  anghel na si Azraelle. Sumilip ito sa laptop na naka- open habang kausap nila roon si Adan.

  "Kumusta ang lakad mo?" Si Randall ang umuntag sa saglit na patlang.

"Saan ka ba nagpupu-punta, Azraelle?" Kastigo ni Xian, na tinaasan lang ng kilay ni Azraelle.

"None of your business," masungit na tugon ng anghel.

"Suplado amp!" Biro ni Xian. Saka pabiro na pumasan kay Azraelle.

Kung nagmumura siguro ang anghel, namura na nito si Xian sa kakulitan nito.

"Clearly, Therese had a severe mental illness na tuluyan na lumala dahil hindi naman naagapan sa pagpapagamot at hindi nalapatan ng tamang lunas--- 'yon ay pag-aaruga," Azraelle said it in a tone of matter factly.

"Opo, at kinamumuhian din siya ng sariling ina. Narinig ko po noon na sinabihan din siya ni Aling Almira na nagmana sa tatay niya."

"Praning din naman si Tsang Almira," sabi bigla ni Randall. Lahat sila ay natuon ang paningin dito, "Praning din 'yon. Pati si Tsong Arnulfo. Lahat sila. Sa kanila ako nakatira noong kamamatay pa lang ng magulang ko. Si Tsang Almira at si Tsong Arnulfo ay pareho na sumasamba sa kung ano- anong rebulto. Santo na iisa ang mata. Magkalaguyo rin sila."

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon