25: The Killer

8 1 0
                                    


PAROO'T- PARITO siya. Halatang hindi mapakali at balisa. Hindi na naman niya malaman ang gagawin. Nanginginig na naman ang kaniyang mga kalamnan. Kung bakit siya pumatay na naman ay isa lang ang ibig sabihin...

"Stop! Don't go there," awat sa kaniya ng babae na umupo sa kaniyang harap at nag- de kuatro.

"Shut up! Hindi tama ang pumatay!" Gigil na sikmat niya sa babae. Gusto niya sanang ipaalam dito na hindi tama ang kanilang ginagawa. Pinapaunawa naman niya 'yon dito noon pa. Kung bakit binabalewala lang nito 'yon na parang hindi nito alam ang aspeto ng tama at mali.

"At ano ang tama? 'Yang utak mo ang may tama!" Tumawa ang babae na tila nakakaloko. Tawa na palagian niyang ginagawa sa tuwing kinukutya niya 'ko at sa tuwing pinagkakatuwaan niya 'ko.

"Hindi ko dapat ginawa 'yon. Mali 'yon. Maling-mali!" Napahilamos siya ng sariling mga palad sa labis na pagkamuhi sa sarili. Tila baliw na siya na sinabunutan ang sariling buhok.

Bakit ba siya nagkagano'n? Naging mabuti naman ang pagpapalaki sa kaniya, bakit niya sinuway ang isa sa mga sampung utos ng Diyos? Kilala niya pa ba ang Diyos? Kikilalanin pa ba niya 'kong anak ngayon na nakagawa ako nang mabigat na kasalanan?

"Kahit ano pa ang ipagsintir mo d'yan, namatay na sila. Napatay mo na sila. Nakaganti ka na." Sinasabi sa kaniya ng kausap niya 'yon habang nagsindi ito ng sigarilyo.

Pinanlisikan niya ng mga mata ang babae. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat!"

"Ikaw ang pumatay, tapos ako ang may kasalanan? Nababaliw ka na nga yatang talaga." Humalaklak na muli ang babae. Para iparating sa kausap kung gaano ito nakakatawa sa paningin niya sa mga sandaling 'yon.

"Ikaw ang baliw! Ikaw ang nagtulak sa'kin na patayin sila!" Galit niyang sigaw rito.

"Tama na yan, wala namang kapupuntahan na ang kutyaan," ang lalaki na bagong dating ang nagsalitang 'yon

"Korek! Saka isa pa, napatay mo na nga sila. Aminin mo na lang sa sarili mo na masaya ka na napatay mo sila.  At ang kasiyahan na 'yan ay hindi pa nalulubos dahil may dalawa pa tayo na dapat patayin. O maaari na natin na tatluhin, isama na natin si Teacher Ashey, tutal naman ay pakialamera ang guro na 'yon. Pino- protektahan niya si Adan. Si Adan ang paborito niya kasi. Awts, my bad, Umasa ka ba na ikaw?"  Isang matinis na halakhak na naman ang pinakawalan ng babae matapos niyang sabihin 'yon.

Kumuyom ang kaniyang kamao. Walang katotohanan na umasa siya pero inakala niya, oo. Inakala niya na kahit paano ay naging paborito rin naman siya ni Teacher Ashey. Pero sa huli, gano'n pa rin. Walang may gusto sa kaniya. Walang may paborito. Kinukutya siya kasi ng lahat. Kaya sino ba namang gugustuhin ang tulad niya?

"Nabubuhay na lang tayo ngayon para pumatay, tandaan mo 'yan. Walang rason para maawa ka sa mga taong mas pinili nga na kawawain ka hanggang sa huli, baka nakakalimutan mo. Kaya ipinapaalala ko lang sa'yo ngayon ang bagay na 'yan. Gising. Walang puwang ang awa dapat sa mga taong wala rin namang awa."

"YOU CAN'T FOOL ME," mariin na sabi ni Azraelle kay Adolfo.

Nang lumabas 'to sa bahay ni Ashey ay agad niya 'tong sinundan at hinarang. Wala siyang pakialam kung magtaka man 'to kung paano nangyari na naabutan niya 'to sa paglakad nito palabas ng subdivision na 'yon, basta na lang niya rin na hinarang 'to sa harap nito mismo. Upang mapigilan niya 'to sa paglalakad.

"Paanong---" Bakas ang pagtataka sa mukha ni Adolfo Nuevo, dahil sa naabutan siya ni Azraelle.

"Ikaw ang killer ni Ashey. Kung naloko mo sila, hindi ako," kaswal na sabi ni Azraelle sa lalaking hinarang.

Sa sobrang kaswal, may hint ang tono niya ng kasiguraduhan dahil oo, nakakasiguro siya sinabi. Mali si Malena ng hinuha na nagkamali siya sa bagay na 'yon kaya naging punishment niya ang maging tao for a while. Angels like him,  proved to him na may punishment na nangyayari na katulad sa case niya. Malinaw na punishment, pero hindi 'yon dahil sa nagkamali siya sa pagsasabi kay Ashey na si Adolfo ang killer niya. Kung ano man ang nangyari sa pagiging tao niya, aalamin niya soon pero mas mahalaga na maharap niya muna si Adolfo Nuevo, ang killer ni Ashey Brown...

Tumawa si Adolfo. Iyong klase ng tawa na madalas makita ni Azraelle sa mga tao. Tulad ng tawa ni Ashey no'ng una nilang pagkikita. Tawang pinilit na matawa pero naluluha naman sa kakatawa. Amaze si Azraelle sa behaviour ng mga tao, matagal na. Ang mga tao kasi ay magaling mameke. Magaling magtago ng totoo sa hindi. Kung paano nila nagagawa ang mga bagay na 'yon ay sadyang nakakamangha at ang demonyo lang ang tanging may likha at tumukso sa tao ng mga gano'ng pag- uugali. Mga pag- uugali na dahil sa pagsobra niyon ay hindi na kinakayang bumalanse ng isang tao. Nawawalan na ito ng patutunguhan. Napupuno ng poot sa mundo... pumapatay.

  "Sino ka ba, bata? Mukhang may kapangyarihan ka ah, at nahabol mo 'ko rito... pero ito lang ang sasabihin ko sa'yo, wala akong pakialam sa sinasabi mo. Bago mo 'ko akusahan, patunayan mo na muna." Nginisian siya ni Adolfo. "Dahil putang ina ka, walang lugar para sa kakaibang nilalang na tulad mo rito sa mundo namin. Dahil kung hindi ka ba naman gago at kalahati, pinatay ko 'ka'mo, ang taong buhay na buhay kanina at kumukurap pa nga e! Baliw ka ba ha?! Ha?!" Dinibdiban si Azraelle ni Adolfo.

Nagkiskisan ang mga ngipin ni Azraelle ngunit pinipilit niya na pakalmahin ang sarili. Dahil kung hindi, alam niyang titilapon si Adolfo Nuevo, kahit isang pitik niya lang dito. Huwag lang siya na pilitin nito at dahil tila nga nagiging tao na rin siya, kinakain na rin siya ng emosyon ng galit. Kinakain at alam niya na kung paano tumimbang ng cause and effect--- mamatay si Adolfo Nuevo sa pitik niya at hindi na aabot sa ospital--- makakapatay siya na siyang bawal at nasa sampung utos ng Maykapal. Isa pa sa kapuna- puna sa tao ay ang basta na lang na pagdedesisyon ng mga ito na hindi mga nag- iisip ng cause and effect. Pero nakakatawa sila naman at mga naniniwala sa karma. Ginagawang komplikado ang lahat, mas madali naman isapuso na may Diyos na dapat sundin at katakutan. 

"Magkikita pa tayo, Adolfo. At sa pagkikita natin na 'yon, sisiguraduhin ko na sa'yo na hindi mo matatakasan ang kasalanan mo kay Ashey," nagawa pa na pagbantaan ito ni Azraelle, bago siya unti-unting naglaho sa harap ni Adolfo Nuevo.

Sinadya niya 'yon. Naiwan naman na naka- nga-nga si Adolfo Nuevo. Hindi malaman kung tatanga lang do'n o kikilos na ba, hindi rin mapaniwalaan ang nangyari na nasaksihan ng dalawang mata...

"M--ulto... mga multo!"

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Место, где живут истории. Откройте их для себя