11: Paranormal Ability

6 1 0
                                    


"ALAM MO IKAW, stir ka rin e, 'no," sabi ni Ashey kay Xian nang ilapag nito ang inorder niyang kape, na s'yempre, libre ng bagets. Inistorbo nito ang pagkakape niya kanina. Kaya nararapat lang na ibalik nito 'yon.

Nakakagulat ang pangyayari kanina. Pagkahawak niya sa sinapian, agad iyong bumalik sa normal na estado. Napalayas niya ang kaluluwang agresibo. Daig pa niya ang ghost busters sa ganap niya na 'yon-- without weapons ba naman na napaalis niya ang ghost! Kaso, ang ironic lang na hindi isa rin siyang ghost. Natawa na lang siya sa itinakbo ng isip.

"Yeah, yeah, sorry again for that. Kung magpapaliwanag pa kasi ako na may sinaniban etc, hindi ka maniniwala. Kaya sinabi ko na lang na may magpapakamatay." Xian, laughed to his own remarks.

"Loko ka rin talaga."

"But Ashey, well, habang nandito na rin lang tayo, you can tell me exactly kung ano ang ginagawa mo pa rito sa mundo ng mga buhay." Kaswal ang pagkakaturan ni Xian no'n habang sumisimsim 'to ng sariling hot chocolate-- Hindi raw kasi 'to nagkakape-- Iisipin mo na balewala lang dito talaga na nakumpirma nito ang hinalang ghost na siya.

Ay, hindi pala hinala ang tawag do'n at may abilidad ang bagets, oo nga naman. Kaya hindi rin talaga makakapag- deny si Ashey. Idagdag pa ang manunulat na pinsan ni Xian na nakatuklas ng maaga sa secret niya, na siguradong natsismis na siya-- sa pinsan na ngayo'y kaharap na nga niya-- at kaya nga siya nakayag ni Xian sa nasapian. Sa nasapian na nagbanta pa habang unti- unting humihiwalay sa katawan buhay. Nagbanta pa ang agresibong kaluluwa na hindi pa sila tapos. Ngali- ngaling sagutin niya na "Bring it on!", nagbago lang ang isip niya't baka lalong mainggit lang sa pahiram na buhay sa kaniya ni Azraelle. May rason naman din kasi kaya 'to naiinggit. Siya nga naman ay malaya na nagagawa ang gusto kahit totoo na patay na siyang tulad ng agresibong kaluluwang 'yon.

"Honestly, hindi ko naman choice na bumalik-- I mean, pinili ko, pero hindi sapilitan. Inalok sa'kin ng angel of death,"  Ashey started to tell. Napakunot ang noo ni Xian.

"So, wala kang unfinished business?"

"Hindi naman sa wala. Alam mo, naisip ko nga na lumapit sa'yo actually, nabanggit kasi ni Jepoy na nakakatulong ka sa case ng dad mo na lawyer..." Iniwan ni Xian ang iniinom na kape, sumandal sa upuan at nag- crossed arms-- na sa totoo lang, napakalayo sa unang Xian na nakilala niyang talaga. Bipolar pa yata ang bagets-- may side na maligalig, may side na kalmado, tulad ngayon.

Kung nagkataon man na oo, baka dahil 'yon sa nabanggit sa kaniya nito kanina na about sa lola ng bagets. Ang mental health ng tao pa naman ay isa sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin at alaga. Nakakatuwa naman rin na malaman na may pagkalma pala ang binatilyo na kaharap niya ngayon sa mesa.

"Now, we're talking. So, are you seeking for justice?"

"No-- ahm, sort of? Siguro? Bangkay ko ang hinahanap ko specifically saka ang killer ko. Pero hindi naman justice ang seek ko." Mas lalo lang nalukot ang mga kilay ni Xian sa pagkakakunot.

"That's unclear.."

"Makinig ka kasi muna, patapusin mo 'ko, okay? ganito kasi.."

"BIGLA na lang nga siyang hindi pumasok. Wala siyang problema naman dito sa school. Mabait 'yon si Ms. Brown kahit hindi palaimik. Hindi naman namin ma- request na pabuksan ang bahay niya at may nakatira na raw ngayon doon."

  Randall just nodded and politely smile to the school principal.  Nagpakilala siya na long lost friend ni Teacher Ashey Emerald Brown. S'yempre pa, hindi siya p'wedeng maging eager sa pagtatanong at hindi naman gullible na tao ang kaharap niya. Principal ito.

"Thank you for the quite info, Mrs. Lopez. I guess, I should go ahead." Nakipagkamay siya sa punong-guro. Magiliw naman siyang nginitian nito rin bilang tugon.

"Walang anuman. Kung may balita ka kay Ms. Brown, pakikontak mo na rin sana ako. Malaking kawalan ang bata na 'yon sa escuela na ito. Hinahanap nga rin siya ng kaniyang estudyante na si Adan. Anak 'yon ng isa sa mga nagdo- donate rito sa school."

"FVCK!" Nahampas ng malakas ni Randall ang manibela ng kotse niya.

He checked his wrist watch for the nth time. Halos tatlong oras na pala siya ro'n na inip na inip na nakatunganga sa bahay ni Ashey Emerald Brown. Bungalow type ang bahay pero pupusta siya na may itaas 'yon na mala- mezannin style, hula niya, mas mataas ang kisame no'n sa tipikal na mezzanin. Pasadya ang bahay ni Ashey, halata naman sa hulma. Pinasadya para sa iisang tao. Na para bang ang taong nakatira/ titira ay siguradong- sigurado na ang pag- iisa sa buhay. May parking space para sa iisang sasakyan kahit wala namang kotse na naka- park do'n sa mga sandaling 'yon. Malinaw naman na sinabi ng principal ng school na nakausap niya kanina na may nakatira na raw sa bahay ni Ashey na nagpakilalang pinsan ni Ashey Brown, iyon ang hinihintay niya ngayon sa bahay para matanong sana. This week lang daw nanirahan do'n ang nagpakilalang pinsan ni Ashey, kaya nauna talaga ang paglathala ng newspaper kung saan niya nakita na nasa missing person ang teacher.

Oo, nakasulat naman sa dyaryo na teacher nga ito. Iyon ang impormasyon na nakalap niya, sa school na pinagtuturuan nito niya sinimulan ang paghahanap ng sagot sa mga tanong niya. Why would a teacher chose to be a cashier? Bakit ang taga Manila na may magandang job, sariling bahay, ay mas pinili na lumayo?

Nahampas niyang muli ang manibela ng sarili niyang kotse sa pinaghalong frustration at inip. Being a solely detective is not a joke job, really  He smirked in his own thoughts. Saka pinasya niyang imaniobra na ang sasakyan niya't nagpasya na umuwi na. Masyado na siyang gagabihin sa b'yahe kung hihintayin niya pa ang pakay. May susunod pa naman na pagkakataon siguro at hindi naman siya nawawalan ng client sa Manila.

"HEY, BAKIT ka nandito?"

"Good evening, ninong." Nag- mano pa si Xian kay Randall, na nakasalubong nito sa gate ng bahay. Papauwi na si Xian, si Randall naman ay kakarating lang.

"Hi!" Sinalubong ni Ashey ng yakap ang nobyo. "Naki- wifi lang 'yang inaanak mo rito kaya napasyal. Medyo pasaway pero mabait naman."

"Naki- wifi at naki- netflix."

"Ang honest niya 'di ba? Magpalit ka na nga ng password, boss," biro ni Ashey kay Xian. Nagtawanan lang sila. Lalo na nang mapuna nila ang pagkunot- noo ni Randall.

"So, close na kayo?"

  "Slight!" Sabay na tugon nina Xian at Ashey. Na nagpataas sa kilay ni Randall lang.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now