22: Toes

6 1 0
                                    

MAHUSAY niyang pinintahan ang mga kuko sa paa ng customer niya para sa hapon na 'yon. Kulay itim ang pinili nitong kulay. Na hindi na niya pinagtatakhan at nababagay naman kay Tricia Montalban ang kulay na 'yon dahil maputi ito.

"Ayan, dalawang daliri na lang!" Masaya pa na napa- palakpak si Tricia Montalban sa resulta niyon sa sariling mga paa.

"Ang ganda po, bagay sa inyo," turan niya kay Tricia.

"Oo nga e. Matutuwa si Adan, 'pag pinakita ko 'yan sa kaniya."

"Dinig ko nga po na boyfriend niyo si Adan Martinez."

"Kilala mo siya?"

"Opo, dati rin kasi akong nag- aaral sa LM High. Na- kick out lang ako ro'n kaya nahinto. Saka, wala na rin pambayad. Alam niyo na, private school ang LM High."

"Ah, that." Napakunot-noo si Tricia nang magpatay- sindi ang ilaw sa parteng 'yon ng bahay nila. Nasa sala sila ng manikurista. Kung kailan naman na matatapos na 'to sa ginagawa, mukhang mawawalan pa yata ng ilaw.. "Soledad?" Tawag ni Tricia sa kasambahay.

"Wala po si Sol, nagpaalam kanina na aalis."

"Ha? Hindi ko yata narinig na nagpaalam siya."

"Busy po kasi kayo sa cellphone niyo."

"Ouch!"

"Sorry, madam, nagpapatay-sindi kasi ang ilaw. Hindi ko napuna na natusok ka na."

"That's okay. Pakibilis mo na lang d'yan bago pa tuluyan na mawalan ng ilaw."

"Opo."

"Wait, aw!" Muli ay nasaktan si Tricia. Dama niya na tinusok siya sa paa ng manikurista gamit ang nail cutter?.. "Teka, nail cutter 'yan?"

"Opo." Napahiyaw si Tricia nang tuluyan na namatay ang ilaw sa sala, kasabay nang matinding kidlat sa labas. Kung maliwanag lang, makikita niya sana ang pagngisi ng manikurista. Dahil umaayon ang lahat sa plano nito. May mga bantay nga si Tricia Montalban, pero nasa labas ang mga 'yon at sila lang ni Tricia ang tao sa loob ng bahay na 'yon. Napuna niya kanina na tumakas ang katulong ng mga Montalban. Makikipagkita siguro sa nobyo na hardinero sa kabilang bahay. S'yempre, bago mo balakin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na na wala kang magiging problema at wala kang sabit.

"Stop, wala ng kuryente. Bukas na lang ang hindi pa natapos na kuko," pautos na sabi ni Tricia sa manikurista, na tila hindi alintana ang pagkawala ng kuryente na mahalaga rito at kuko ang nililinis nito.

"Okay." Nag- okay na't lahat, patuloy pa rin 'to sa ginagawa.

"I said, stop. Let my feet go."

"No!"

"Wha--" Naramdaman na lang ni Tricia na may bumabaon na kung anong matalim na bagay sa mga paa niya. Hihiyaw pa lang siya sa sakit nang bigla siya sakalin ng manikurista..

Paa, tuhod, balikat, ulo..

"You---" Nanlaki ang mga mata ni Tricia nang marinig niya ang partikular na nursery rhyme na 'yon. Mahina lang ang tunog niyon, sapat para marinig nilang dalawa lang.

"Yes, it's me, Tricia." Diniinan ng killer ang pagkakasakal kay Tricia Montalban, tutal naman ay nakilala na siya nito. Mainam at sa apat na magkakaibigan ay walang nakalimot sa kaniya.

My toes, my knees, my shoulder, my head..

HALOS PALIPARIN na ni Randall ang kotse niya. Hindi pa man nangangalahati si Adan sa kinuk'wento nito kanina, nakatanggap na 'to ng tawag mula sa katulong ni Tricia Montalban-- patay na ito. At tulad ng inaasahan na nila, nakumpleto na ng killer ang nursery rhyme na paa, tuhod, balikat, ulo, sa pagkakapatay nito kay Tricia. Hindi pa halos nakaayos ang parada ng kotse, tumalon na mula ro'n si Adan at nagmamadali na tinungo ang bahay ng mga Montalban na napapaligiran ng yellow tape, mga taong nag-u-usyoso, at mga pulis. Naabutan pa nila na sinasakay sa ambulansya ang bangkay ni Tricia Montalban.

"Tricia.."

"Calm down, Adan," ani Ashey sa estudyante niya, kahit alam niya na malabo na kumalma 'to sa nangyari, Kakapitan niya pa rin ang dalawang salita na 'yon, dahil wala naman siyang puwede na sabihin bukod do'n, kahit sa sarili niya. Paano kumalma? Ngayon na pinatay mismo sa loob ng bahay nito si Tricia Montalban. At naririnig nila sa mga pulis na walang lead kung sino ang manikurista na kanina ay nag- service kay Tricia. Masyadong malabo. Paano nagagawa ng killer na magtrabaho ng malinis? May perpekto ba na krimen? Parang gusto na rin na paniwalaan na lang ni Ashey ang teorya ni Adan, na si Therese ang may kagagawan ng pagpatay. Imposible na walang bakas na maiwan ang killer kung normal na tao ito, 'right? Mas madaling isipin na kaluluwa ang gumawa ng pagpatay at wala na rin naman na siyang duda sa mga supernatural na bagay at siya nga mismo ang patunay na nangyayari 'yon kahit walang malinaw na paliwanag.

"This is harder than I thought," ani Azraelle na nasa tabi niya. Ashey let out a deep breathe. Hindi niya alam ang sasabihin. Wala siyang maisip na sabihin. Shock pa rin talaga siya na kahit may bantay na si Tricia ay nagawa pa rin 'yon na patayin ng killer.

"Pinagtutusok ang mga paa niya ng killer. Inalisan pa siya ng kuko-- lahat ng kuko ng daliri niya sa paa. Pero ang kinamatay niya ay ang kawalan ng hangin dahil sa pagsakal," bulong ni Xian sa kanila. Sinadya na bumulong para maiwasan na marinig 'yon ni Adan na nananatiling tulala sa tabi nilang apat. Akbay 'to ni Randall at sinusubukan na kausapin.

"Shit!" Nandidiri na bulalas ni Azraelle.

"Talagang shit," second the motion ni Xian. "Ang sakit sa ulo. Kino- concentrate ko ang sarili ko kanina pa, pero wala talaga akong kaluluwa na nasasagap."

"Huwag mo ng pilitin kasi, bata."

"Azraelle, seryoso, ikaw ba, may nararamdaman?"

"Hmn.."

"Tanggap ko naman na mas powerful ka sa'kin, pero puwede mo naman akong turuan ng mga bagay na sa tingin mo ay kayang- kaya ko naman na pag- aralan, ' di ba?"

"Human, masyado ka pang bata para i-involved mo ang mga sarili mo sa mga bagay na mahirap paniwalaan sa mundo niyo."

"Hindi ko i-ni- involved ang sarili ko. Nagkataon lang na gifted ako," pang- aasar na sabi ni Xian sa anghel. Ngumisi lang ang anghel at tinaasan siya ng kilay.

"Gano'n na rin 'yon."

"Azraelle, kailan natin kikitain si Malena?" Tanong ni Ashey kay Azraelle, nang lingunin niya 'to.

"Anytime."

"Why?" Tanong ni Xian kay Ashey.

"Na- se- sense ko lang kasi na talagang kailangan natin siyang makausap."

"Ouch, don't tell me, ang guts mo na ngayon ang guardian angel mo ah!" Kunwa'y na- hurt ang anghel sa sinabi ni Ashey. Nangiti lang ang guro. Again, she can't be happy at this moment.

"At kailan ka naman naging guardian angel?" Buska ni Xian sa anghel.

"Shut up, kid."

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Donde viven las historias. Descúbrelo ahora