10: The Agressive Soul

10 0 0
                                    


NAGISING si Ashey na wala sa tabi niya si Randall. Ah, naalala niyang nagpaalam nga pala ito kagabi na maagang luluwas pa- Manila para sa final contract ng client nito roon. Bumangon na si Ashey, napuna niya ang isang long- stemmed rose na nasa bedside table. With letter saying ILY. Aw, sweet naman din pala ang boss niya. Iisipin ng iba na ang ILY na 'yon ay I love you pero hindi siya. For Randall, I like you ang meaning no'n. Hindi pa nila napag- uusapan ang love. Nangiti na napailing na lang siya na pumunta sa banyo. Mamaya na siya magliligpit ng pinaghigaan. Nakasanayan na kasi niyang pagkagising sa umaga, kape agad ang hinahanap ng sikmura niya.

"Coffee is life.." Ashey whispered while sipping her  coffee. Nasa Lanai na siya ng bahay ni Randall kung saan kitang- kita ang pagkagandang sunset sa gitna ng mapuno at ma- green na Santillan Farm.

"You need to help me!" 

"Ay, palaka!" Kung hindi ba naman magulat si Ashey, tinalon ng binatilyo ang hanggang bewang din niya na fence ng bahay ni Randall. 5'6 siya! Para sa isang payat na bagets, nakakatakot para rito ang ginawa!

"Ashey, pinapunta ako ni ate sa'yo, sabi niya, ikaw ang tumulong sa'kin this time. Nasa Manila siya, book signing--"

"Teka, teka-- Tutulungan kita, na?" Awat ni Ashey sa sunod- sunod na tirada ng bagets na parang close sila. Hindi niya pa nakakalimutan ang ginawa nito last time. Ang mga sinabi nito, hah! Tapos, hihingi ng tulong sa kaniya ngayon?

"Yes. And I demand. Hindi ka p'wedeng umayaw."

"Aba't--"

"Dahil isang buhay ang nakasalalay, Ashey."

"Nagdo- droga ka ba?" Anong magagawa ni Ashey sa isang buhay na nakasalalay? Doktor ba siya?

"This is far from a joke, Ashey. Isa kang patay, naaamoy ko 'yon sa'yo. I'm sorry sa behavior ko, last time at akala ko kasi si lola na naman ang naaamoy ko. Siya kasi ang rason kung bakit ako may ability na ganito," mahabang litanya ng binatilyo na sa totoo lang, wala namang naintindihan si Ashey. "Saka ko na ikukuwento 'yon sa'yo, ang mahalaga kasi ngayon matulungan natin ang isang estudyante roon sa school sa bayan. Nasa news na, magpapakamatay siya!" 

"Mag-- ano 'kamo?!" Gulat na bulalas ni Ashey.
Kahit naguguluhan pa siya tuloy ay nakihangos na siya kay Xian. May naghihintay pala na tricycle sa binatilyo. Mukhang 'yon ang naghatid kay Xian nang pinuntahan siya.

SA ISANG SCHOOL sila humantong ni Xian. Iisa ang mga uniform ng mga bata roon sa uniform na suot ng kasama niya. Hindi na mahirap hulaan na schoolmate ni Xian ang mga estudyante na naguumpukan sa isang partikular na silid- aralan na ngayo'y tinatahak nila. Na ngayo'y nariringgan ni Ashey na may komosyon, may sumisigaw, nagwawala..

"Tabi, paraan!" Hawi ni Xian sa mga ka- schoolmate. Nagbulungan ang mga bata-- "'Yan na si Xian, the weird.." "The freak.."

Ashey can't help but to remember someone by hearing those humilating words..

Therese...

"Stop it. Huwag kayong ganyan sa kapwa niyo porque akala niyo ay normal kayo," hindi na niya naawat ang sarili. Pati ang tono niya tuloy, pang teacher-- na kung ano siyang talaga.

"Don't mind them, Ashey--"

"At ikaw, Xian, huwag mong hayaan na ganyanin ka nila. People now a days don't know how to give respect, dahil kayo mismo na victim ng mga ganyan ay pinapayagan sila."

"Copy that," nakangiting tugon ni Xian sa kaniya. Nagulat siya. For a while, malayo ang Xian na 'yon sa nakilala niyang Xian na may mailap at malikot na mga mata na parang parating balisa.. "For now, let's get ready to take down that agressive soul." Oo nga pala, kaya siya inaya ni Xian dahil daw sa isang kaluluwa na sumapi sa isang estudyante na nag- aaral do'n. Ewan niya kung paano siyang makakatulong, ayon kay Xian, maniwala lang daw siya rito, kayang-kaya niyang kausapin ang kaluluwa na agresibo dahil katulad niya itong kaluluwa. Dahil ghost siya, may abilidad din daw siya na tulad sa ate nito-- he kept calling LM, ate. Kahit sa pagkakaalam niya ay magpinsan ang dalawa. Well, she don't get it, really. Ghost din ba ang manunulat na si LM?

Nang pumasok sila sa k'warto, anim na kapwa estudyante ni Xian at isang guro ang humahawak sa binatilyo--- na sinasapian nga talaga-- nakakagulat naman na tumahimik ito nang makita sila. Tumigil sa pagwawala at nanlilisik ang mga mata na tinignan sila.

"Leave him for now, kami na ang bahala sa kaniya habang wala pa ang priest," ani Xian sa mga taong naroon sa k'warto. Nagsisunod naman ang mga ito na parang mga sanay na. Halatang hindi 'yon ang unang beses ni Xian na gagawin ang pagpapaalis ng sanib na kaluluwa.

"Ashey, do it." Tumango lang si Ashey bago nagbuga ng hangin muna. Saka nilapitan niya ang estudyante. Ayon kay Xian, kakausapin lang naman daw nila ang kaluluwa na sumapi sa ka- schoolmate niya at tatanungin. Dahil tulad daw niya, sigurado raw si Xian na may unfinished business dito ang kaluluwa na 'yon.

"A--no ang kailangan mo? Bakit ka nanggugulo sa mga buhay?" Sumingasing sa kaniya ang binatilyo na sinapian.

"Ayaw mo pa 'kong lapitan. Amoy na amoy naman kita. Pareho lang tayong kaluluwa."

"Nope, pareho kayong may unfinished business dito, at do'n na nagtatapos ang pagkakapareho niyo," Xian Interrupted. Nakapamulsa lang ito at kaswal na nakapamulsa na nakatingin sa kanila, habang nakasandal sa mesa ng guro sa silid- aralan na 'yon.

"Oo bata. At nakakapagtaka na ang isang 'to ay pinayagan na mabuhay. Samantalang ako'y kinailangan pa na tumakas sa impyerno!" Mas nanlisik ang mga mata nito kay Ashey. The latter lost for words. Ano ba ang dapat niyang sabihin? Obvious na envious ang agressive soul sa pahiram na buhay sa kaniya.

"Ano ba ang kailangan mo? Baka matulungan ka namin," sinalo ni Xian ang pananahimik niya sa akusa ng agresibong kaluluwa. Nang lingunin niya si Xian, nagsisindi na 'to ng kandila na mukhang galing sa bulsa nito.

"Hinahanap ko ang girlfriend ko rito. Sinundan ko siya rito sa Zambales. Itinuloy niya ang plano niyang pagtakas sa mundo ng kaluluwa. Akala ko sapat na 'ko sa kaniya. Pero hindi pala--- at kailangan ko ng katawan na 'to para mahanap ko siya rito. Kaya huwag niyo na 'kong pakialaman!"

"What is your name?"

"Hindi mo na kailangan na malaman pa!"

"Paano ka namin matutulungan--" Ang pagkalabit at pagtango ni Xian sa kaniya ang pumutol sa dapat na sasabihin ni Ashey. Indikasyon 'yon na gawin na niya ang itinuro nito kanina sa kaniya-- paghawak sa bumbunan ng sinapian..

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now