16: Knees

6 1 0
                                    

"NAGPAKULAY pa nga siya ng buhok no'ng umagang 'yon." Sumisinghot na sabi ni Mrs. Toralva sa mga kausap na bisita sa burol ng anak.

"Siguro may nakapasok nang hindi nalalaman ng katulong. Pinag- aralan din ang cctv at wala naman nakuhanan," Galit na turan naman ni Mr. Toralva. Kausap na ngayon ng mag- asawang Toralva sina Mr. & Mrs. Medina na siyang mga parents ni Arielle. Kararating lang nila roon. Siya nama'y lumapit sa ataul ng kaibigan. Naroon sina Fatima at Tricia, nakasilip. Unti-unti na rin na dumaragsa ang tao sa gabing 'yon. Unang gabi ng burol ni Hera Toralva. Ang tangang kaibigan nila na pumayag na lang na basta mamatay sa ganoong paraan. Sa walang kwentang kamatayan na nagtapos ang buhay nito sa edad na disisais. Excited pa naman 'to sa college nila. Tsk. Buhay nga naman ng tao.

"Kumusta?"

"'Yan, maganda pa rin ang gaga hanggang sa hukay." Nangiti sila sa biro ni Fatima. Sa kanilang apat na magka- kaibigan, ito at si Hera ang mas pinakamalapit sa isa't-isa. Kaya ito ang mas affected at mugto ang mga mata sa kanila.

"Ganyan talaga ang life," ani Tricia. Inayos ang mga nagkalat na bulaklak sa ataul ni Hera.

"Nagkita na ba kayo ni Mark?"

"Nandy'an na ba siya?" Ang Mark na tinutukoy ng kaibigan niyang si Tricia ay ang boyfriend ni Arielle, schoolmate nila, na katatagpuin niya ng lihim sa burol ni Hera. "Hindi man lang nagtext na narito na."

"Nasa likod lang daw siya, bilin kanina. S'yempre, alangan sa harapan pa siya maghintay, makikita siya ng parents mo. May daan yata doon, d'yan din dumaan palabas kanina sila Mark." Turo ni Trisha sa daan na pinasukan palabas ni Mark at ng mga kaibigan nito raw kanina.

"Alam mo naman 'yon, tignan mo sa labas baka nagyo- yosi," Taboy naman sa kaniya ni Fatima. Sumenyas ang dalawang kaibigan niya na sila na ang bahala sa mga magulang niya. Agad naman na tumakas mula sa burol si Arielle at umalis na roon para puntahan ang boyfriend. Boyfriend niya si Mark na member ng sikat na fraternity sa school nila. Rebelde, kaya ayaw rito ng parents niya. Isa pa, masyado pa siyang bata raw para mag- boyfriend. Well, masyadong bata at masyadong matanda, for Arielle, wala naman pinagkaiba 'yon.

"Masyado lang 'kamo na matigas ang ulo mo. Hindi ka nakikinig sa parents mo!" Napahagikgik siya sa tinuran ng isip. Wala naman na siyang magagawa sa bagay na 'yon at in love lang siya. Kapag in love ba, dapat may rason pa? Masaya siya 'pag kasama si Mark, tapos. Masaya siya 'pag napapasaya ang boyfriend, tulad na lang ngayon na dinalhan niya 'to ng weeds na binili niya mula sa kinupit na pera sa bakery nila. Their family own a bakery na kasalukuyan na may anim na sangay around Metro, Manila, kaya alam ni Arielle na hindi nila ikalulugi ang 1,000 pesos na kinupit niya roon sa main branch.

"Ouch!" daing ni Arielle nang matapilok. Kung bakit kasi sa likuran ng funeraria niya naisipan din na dumaan, sanay naman siya na takasan ang parents niya. Madilim pa pala sa parteng 'yon, papalabas. Madilim at walang katao-tao. Napasandal siya sa sementong dingding nang subukan niyang itapak ang mga paa pero mukhang napasama ang pagkakatapilok niya at hindi niya maidiin. Medyo mataas kasi rin ang takong ng suot niyang sapatos.

"Ah, shit!" Daing ni Arielle, agad iniangat ang paa. Hindi niya talaga kaya na iapak at ilakad 'yon. Kinuha niya ang phone sa bag, itetext niya ang isa sa mga kaibigan. Call a friend bigla ang drama niya, peste na pagkakatapilok.

"My toes, my knees, my shoulder, my head..."

"Huh? May tao ba d'yan?" Dahil kung wala, saan galing ang nursery rhyme na kasalukuyan na tumutugtog? "Hello? Is anybody there? I need help." Napabuga na lang ng hangin si Arielle sa kirot ng paa. Ayaw sagutin nina Tricia at Fatima ang tawag niya. Bruha talaga ang mga kaibigan niya. Malamang, naka- silent mode ang mga cellphone. Naiinis na sinuksok na lang niyang muli ang cellphone niya sa bag at sinubukan na ilakad muli ang kaliwang paa na natapilok. Mukhang sa sakong pa siya napuruhan kaya hirap niya na mailakad 'yon talaga.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now