20: Head

7 1 0
                                    


GIGIL NA nagsindi ng sigarilyo si Fatima. Matapos siyang mag-walk out sa mag-jowa niyang friends na sina Tricia at Adan ay mag-isa siyang nagpunta sa rooftop ng funeraria kung saan nakalagak si Arielle. Kailangan din naman niyang manigarilyo. Smoking is dangerous to our health lalo na sa minor na tulad niya kaya nagtatago siya. Gago lang ang gobyerno ng Pilipinas sa pag-aakala na matitigil ang mga taong sabik sa usok na nakakalason nang dahil sa ginawa nila na pagbalandara sa pakete niyon ng mga sakit na makukuha sa paninigarilyo. Bakit? Lahat ba ng tao ay bumibili ng isang pakete niyon?

     "Fvck!" Napamura si Fatima. Bigla ang pag-andap ng mga ilaw roon. Stable naman ang mga ilaw sa mga katabing gusali ng funeraria kung saan siya naroon. "Peste, makababa na nga lang," inis na aniya sa sarili. Tinapos at tinapakan na niya ang sigarilyong hinihithit kahit medyo mahaba pa iyon.

    Akmang papanaog na siya nang may masalubong siyang tao na nakaakyat na pala sa rooftop ng hindi niya namamalayan.

   "Paa, tuhod, balikat, ulo..."

   Abnoy pa yata at gano'n ang tugtugin! Naisaloob ni Fatima. Napangisi siya sa naisip. Minsan talaga ay hindi pumapalya ang pagiging maldita niya.

   "Excuse me," sabi niya na lang sa babae. Babae ito, kahit hindi niya makita pa nang tuluyan ang mukha, sa anino naman nito siya bumase. Tila nakasuot pa ng uniform kahit Sabado naman ngayon.

    "May mga pulis sa burol ng kaibigan mo," biglang saad nito, hindi hinayaan si Fatima na makapanaog. Hinarangan pa ang hagdan.

   "Huh?" Pakialam naman niya sa mga pulis?

   "Hinahanap ka."

   "Luh? Bakit nila 'ko hahanapin? Nababaliw ka na ba?" mataray na sabi ni Fatima sa babae.

    "Ikaw raw kasi ang huling tinext ni Arielle no'ng mag-agaw buhay siya at hindi mo siya tinulungan. Natural, iisipin ng mga pulis na baka may hidden agenda ka sa pagtanggi ng pagbibigay ng tulong."

   Totoo na siya nga ang huling tinext ni Arielle. Pero kasi late na 'yon nabasa ni Fatima. Hindi niya naman kasalanan na late, naka-silent ang phone niya at alam naman ng kaibigan niyang si Arielle ang bagay na 'yon!

   "Wala akong pake sa imbestigasyon nila." Saka nakakairita ang tugtugin mo 'no, ngali- ngali niyang soplahin ang babae para matauhan. "Kaya puwede ba, paraanin mo 'ko."

   "Kausap na rin nina Adan at Tricia si Teacher Ashey," patuloy ng babae. 

   Nanlaki naman ang mga mata ni Fatima sa narinig. Hindi siya makapaniwala na tinuloy talaga ng dalawa ang balak! Mga hunghang!

   "Tabi, mas dapat na 'kong bumaba para puntahan sila—" naudlot ang kaniyang sinasabi. Walang habas kasi na hinawakan siya ng babae sa kaniyang braso at inakay muli sa sentrong bahagi ng rooftop kung saan nakapuwesto kanina si Fatima habang naninigarilyo.

   "Hindi rin. Huwag na. Mas kailangan kita rito, Fatima Bataller."

   Ang panlalaki ng mga mata ni Fatima ay nasundan na ng pagnganga dahil mula sa ilaw na nanggagaling sa mga poste ng mga kawad ng kuryente, nakita ng dalawang mga mata niya kung sino ang babaeng ngayon ay hawak siya sa braso..

   "I---kaw..."

   "Tama. Ako nga. Minsan nakakatuwa ang mga memorya niyo talaga."

   "Hayup!" Nakahuma na si Fatima sa pagkabigla. Naisip  niya na baka ang babaeng 'to ang pumatay sa mga kaibigan niya..

   "Talaga ba? Hindi ba at mas hayup kayo ng mga kaibigan mo?" 

   Sabi na nga ba niya! Ginawa ni Fatima ang lahat para makatakas sa pagkakahawak ng babae, kinagat niya ang braso nito at tinadyakan niya sa t'yan-- dahilan para mabitawan nga siya niyon at nakatakbo nga siya no'ng makalaya sa braso nito.

    "Paa, tuhod, balikat, ulo.."

     Nakakakilabot!

Ngayon na naisip bigla ni Fatima na namatay si Hera na injured ang balikat..

  Si Arielle naman ay injured ang tuhod..

Ano ang sa kaniya sa dalawa? Ulo o paa?

Run, Fatima, run! Utos sa kaniya ng isip niya kahit tila tatakasan na siya ng bait sa mga napagtagni- tagni...

  INABUTAN niya si Fatima na nasa gitnang bahagi na ng hagdan. Kung inaakala nito na makakatakas ito, akalain na lang nito talaga at hindi 'yon mangyayari.

  Naramdaman na lang ni Fatima na may humila sa buhok niya. Paghila na halos ikapugto na ng hininga. Paghila na halos ikaputol na ng ulo niya!

"THAT'S AN ANGEL OF DEATH," narinig ni Ashey na bulong ni Azraelle. Nilingon niya ang anghel-- nakapikit ito ng mariin.

"Si Fatima! Sa rooftop!" Pagmulat ng angel of death ay siyang bulalas nito. Sinundan nila ang tinatahak ng anghel na hindi na sila hinintay at kumaripas na ng lakad sa kung saan.

"Saan tayo pupunta, Azraelle?" Nagtatanong pa lang si Randall ay nagulat na siya nang tila nakikipaglaban sa hangin si Azraelle!  "What the-- ano ang nangyayari?" Tanong ni Randall kay Xian at Ashey.

"Ayaw tayong paakyatin ng anghel na 'yan!" Bulalas ni Xian. "Kayang-kaya na ni Azraelle 'yan, Ashey, umalis na tayo rito."

"Nakakapuwing!" Reklamo ni Ashey, kandapikit at takip 'to ng mga mata. Tila naunawaan naman ni Randall ang nangyayari at niyakap na niya palayo sa hagdan sina Xian at Ashey. Sa kanilang tatlo ay siya lang ang hindi nakaramdam ng pagkapuwing.

  "Teacher, si Fatima po hindi namin makontak!" Humahangos na sinalubong sila ng nina Adan at Tricia.

  "Oh, Adan.." Walang nagawa na nayakap na lang ni Ashey ang kaniyang estudyante. Naramdaman na lang ni Ashey na namasa na ng luha ang kaniyang mga mata. Isa na naman sa mga estudyante niya ang nanganganib na malagas ngayong gabi...

"Tahan na, Ashey." Tinanggap ni Ashey ang alok na yakap ng nobyo at sa mga balikat nito siya marahan na umiyak, matapos yakapin si Adan.

"Angel dust ang isinaboy sa'tin ng anghel na nakalaban ni Azraelle sa hagdan. Also known as clenbuterol dito sa mundo natin. Substance that has steroid-like effects and is classified as a beta2-adrenergic antagonist. Pero literal na pulbo. Hinaluan niya ng mahika kaya nakakapuwing sa kapwa may taglay rin na may mahika. Ang anghel na 'yon ay masama. Hindi tulad ni Azraelle," parang natutulala pa si Xian habang sinasabi 'yon sa kanila. Ginulo ni Randall ang buhok ng binatilyo kahit wala naman siya halos naintindihan sa sinabi ng inaanak.

"Naks, e 'di inamin mo na rin na mabait si Azraelle," nakuha niya na lang na biruin si Xian, para medyo gumaan naman ang atmosphere.

"Nah, magkaiba lang sila ng amo no'ng anghel na 'yon, ninong, what I meant is-- si Azraelle ay sa Itaas, ang isang 'yon ay sa 'baba," desidido at seryoso na saad ni Xian, kahit hindi tinanggap na mabait si Azraelle.

  "ANG NAKATAKDA ay nakatakda, Azraelle, alam mo 'yan," Nakangising turan kay Azraelle ng angel of death din. Pero hindi tulad niya, ito ay anghel na sumusundo ng mga patay na para sa impyerno. Doon dumideretso ang sinusundo nito na kaluluwa.

"Alam natin parehas na maaari pa siyang mailigtas. Napakabata pa niya!"

"Tsk, mukhang may damdamin ka na, Azraelle. Mahirap 'yan. Pag- aralan mo na balansehin ang lahat kung ayaw mo na matulad ka sa mga tao ng tuluyan, payo lang." Iyon lang at naglaho na ito sa paningin ni Azraelle-- bitbit ang kaluluwa ni Fatima Bataller na wala ng buhay at...

Wala ng ulo...

Kuyom ni Azraelle ang sariling kamao. Ni hindi siya sinagot ng kapwa anghel kung sino ang killer ni Fatima Bataller...

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now