33: Miracle

11 0 0
                                    


SABI nga ni Azraelle, gawin nila ang nararapat. Iyon ay ang ilibing ang bangkay ni Ashey. Gawin nila ang nararapat at ipagpatuloy ang nasimulan ni Ashey sa pahiram sa kaniya na ikalawang buhay. Na hintayin na lang nila kung kailan babawiin sa kaniya. Dahil ganoon din naman si Azraelle--- naghihintay sa pagbabalik niyang muli sa dating siya.

Naisip din nila pare- pareho na baka nga isa rin sa bigay ng Diyos na biyaya ang mga hindi pa nila maipaliwanag na nangyayari sa kanila ngayon. Hindi nga ba at kung hindi naman namatay si Ashey, hindi siya mapupunta sa Santillan Farm? Iyon ay tila inilaan para sa kanila ni Randall. Para sa pagtatagpo nila. Ang desisyon ni Azraelle na pabalikin siya sa mundo ng mga buhay ay naging daan para makamtan ni Ashey ang pag- ibig na hindi niya man lang naramdaman kahit sa sariling pamilya niya sa unang buhay niya.

May paliwanag sa lahat ng ito, alam nila. May rason. Pero tama naman si Azraelle, mahalaga pa ba 'yon? Kung alam nila na pare- pareho na sooner, lilisanin din naman ni Ashey ang mundo ng mga buhay, why not living as if it's last? Sa piling ni Randall...

"Teka, na- stress ako bigla, bangkay mo 'yong gamit no'ng bagets? So, paano na?" tanong ni Aina na pumutol sa mga iniisip ni Ashey.

"Oo nga po, Teacher Ashey, ghost ka na po pala?" Si Adan naman ang nagtanong. Habang nagsisindi ito ng kandila sa kung saang spot na naglaho si Therese kanina.

"Narito pa naman ang killer, bakit hindi natin siya tanungin?" Naka- crossed arms pa si Xian nang sabihin 'yon.

Oo nga naman. Naroon pa si Adolfo.

Natuon ang paningin nilang lahat dito...

"Nasa ospital pa ang bangkay mo. Humihinga ka pa sa tulong ng mga aparato. Lumalaban. Kaya nga noong makita kita sa address na binigay ni Randall na puntahan ko raw para magkita kami, nagulat ako na naroon ka at humihinga. Patawarin mo ako. Matapos kitang patayin, inihulog kita sa ilog ngunit nakonsensya ako kaagad kaya nilangoy kong muli ang ilog para kunin do'n ang bangkay mo. Binalak ko na ilibing ka na lang, pero napuna ko na humihinga ka pa. Kaya agad na tinakbo kita sa ospital."

"At pera rin niya ang inuubos niya para sa katawan mo na patuloy na lumalaban. Baliw siyang tunay, hindi ba? Matapos pumatay, hayun at nginatngat ng konsensya. Tinutulungan ko siya para sa pagpapagamot sa'yo dahil mas lamang ang pera ko sa kaniya. Sa ganoong paraan ko lang din mababayaran ang mga naging kasalanan ko sa kapatid ko. Nagkasira kami nang dahil kay Almira," dagdag na saad ni Arnulfo sa sinabi ni Adolfo.

Suminghap sina Aina, Adan, Liam at Malena. Si Ashey ay napakunot-noo. Ganoon din sina Azraelle at Randall.  Tanging si Xian at Arnulfo lang ang smug ang expression sa narinig.

"Muli alam kong hindi ko na mababawi pa, humihingi ako ng tawad sa nagawa ko sa'yo."

Parang may kung anong bagay ang lumapirot sa puso ni Ashey. Dama naman niya na sinsero si Adolfo sa paghingi ng tawad.

"Dapat niyo rin muna na linawin kay Ashey kung bakit niyo siya sinisisi sa suicide na ginawa ni Therese," Azraelle speak out what's on Ashey's mind.

"Sinisisi ko ang ama niya. Na siyang inakala ko na puno't- dulo sa pagkitil ni Therese ng sarili niyang buhay."

"Hindi niyo po maririnig sa'kin ang mga katagang patawad, para sa ama ko. Mabuti pa nga ho kayo nalaman niyo na tatay ko pala siya," hindi maitatanggi ang pait na turan ni Ashey.

"Nalaman ko noong araw na nagpunta ako sa school at naroon ang tatay mo. Hinarap ko siya at kung hindi lang siya de- bodyguards, napatay ko na siyang talaga. Sinabi niya sa'kin na naroon siya at hinahanap ka niya. Na handa siyang magbayad para mahanap ka. Gago ang ama mo, tinuturing niyang balewala lang ang mga kahayupan na nagawa niya."

"Hi--Hinahanap?" Ngayon lang nalaman ni Ashey 'yon.

"Oo. Malaki raw ang pagkukulang niya sa'yo. Sabi ko, nababagay lang sa kaniya ang mawalan ng anak dahil gago siya."

Nayakap ni Ashey ang sarili. Kinapa niya ang sarili sa nalaman. Ngunit wala siyang maramdaman. Kung kasalanan sa Diyos na wala siyang ni katiting na maramdaman na affection sa mga magulang, so be it. Pero naisip niya rin bigla ang mga pinagdaanan ng estudyante niyang si Therese... mas okay na sa kaniya na hindi nakilala at hindi nakasama ang mga magulang kaysa naman sa kaniya ibigay ang mga pinagdaanan nito. Hindi siya hinayaan ng Diyos na mas malugmok pa. Mabuti pa rin ito sa kaniya. Idagdag pa na mukhang tama nga si Randall-- may pag- asa pa at nasa ospital pa rin ang katawan niya at patuloy na lumalaban. Alam ni Ashey na may proseso ang pagpapatawad. Hindi 'yon ganoon kadaling ibigay. Ngunit ngayon na tinitimbang niya ang mga bagay-bagay, mukhang kailangan na niyang madaliin ang pagbibigay ng kapatawaran sa mga magulang at kay Adolfo, dahil nakakahiya naman sa Diyos na unti-unting binibigyan sila ng signal upang umasa na may pag- asa pa.

"Okay, so, what now?" Xian interrupted the sudden imminent sadness of atmosphere.

"Guys, uuwi na kami," ani Liam.

"Sure, salamat. Salamat, Aina." Nakipag- shake hands si Randall sa espesyal na dalaga.

"No problem. Hahayo na kami at marami pa kaming kuracha. Adios!"

"Sasabay na 'ko sa kanila, bye. Azraelle?"

Nang tanguan ni Azraelle si Malena ay agad naman na lumakad na ang tatlo.

"Si Malena 'yon?" Pabulong na tanong ni Xian kay Azraelle. Na tinanguan lang ng huli, "Ang ganda!"

Binalewala lang ni Azraelle si Xian. Alam niya naman na maganda si Malena, noon pang una niya itong makita-- ngali-ngali niyang sabihin dito. Pinasya niyang lapitan na lang si Ashey. She needs him right now.

"Psalm 31:9; Be merciful to me, Lord, for I am in distress; my eyes grow weak with sorrow, my soul and body with grief. But I trust in you, Lord; I say, you are my God," Azraelle paused after whispering that to Ashey, "Pareho ba tayo ng dinarasal sa mga oras na 'to?"

Napangiti ng tipid si Ashey, "Oh, Azraelle."

Nang yakapin siya sa bewang ni Ashey, Azraelle just tapped Ashey's shoulder, "Kaya mo 'to. Huwag na huwag kang mawawalan ng pag- asa."

"Hey!" Angal ni Randall na hinila si Ashey palayo kay Azraelle.

Hmn, isa rin sa mga nakakamangha na ugali ng tao ang pagiging possesive sa taong mahal nila.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU حيث تعيش القصص. اكتشف الآن