42: The Beginning of Our Ending

10 2 0
                                    

"AKO NGA pala si Adi, ikaw?"

Hindi nagsalita ang bata. Nanatili rin na malungkot ang mga mata nito kahit nilapitan na niya nang mapuna niya na hindi ito nakikipaglaro sa mga batang naroon.

Sa ikatlong araw niya sa ampunan na 'yon ay hindi mapigilan ni Adi na mapuna ang bata. Tila siya ay malungkot at paanong hindi, palagi na lang siyang mag- isa e. Para kay Adi, ang pag- iisa ang pinakamalungkot sa lahat kung magpapakain ka sa kalungkutan na 'yon.

"Hey, bata, magsalita ka naman," udyok niya pa rito.

Nang hindi siya tugunin nito ay kinapa ni Adi kung may candy pa ba siya sa kaniyang bulsa. Ah, may isa pa nga!

"Eto oh, sa'yo na lang."

Tinignan lang 'yon ng batang babae. Sa tagal nga niyang tinitigan ay inakala ni Adi na hindi na nito kukunin.

"Ashey."

Ang ngiti na hinihintay ni Adi mula kay Ashey ay nakita niya kaagad nang kunin nito mula sa kaniya ang candy. Wala palang ngipin sa harap ang bata. Pero sabi na nga ba niya ay ang cute niya!

Naisipan ni Randall na biruin ang bata na walang ngipin sa harap, binawi niya ang candy rito bago pa tuluyan niyang maisubo 'yon.

"Hoy! Sabi mo sa'kin na 'yan?!"

"Habol, Ashey! Hinahabol dapat ang gusto. Ang magpapasaya sa'yo..."

BAKIT NAMAN nawalan na yata ng Pringles ang SM Supermarket na napuntahan ni Ashey? Nakakaiyak naman kung ganoon. 'Yon lang ang karamay niya sa tuwing nakaharap siya sa computer at nagtatrabaho. Sa tuwing nakaharap siya sa lesson plan.

Matiyaga niyang inikutan ang hilera ng mga chips at baka may naligaw pa. Kahit isa...

"Yon!" Parang nakakita ng ginto si Ashey sa kumpol ng mga chips nang matanaw niya sa ibabaw ang nag- iisang Pringles!

"He--Hey!"

Ngunit bago pa niya 'yon maabot ay may nauna nang kamay na kumuha niyon.

Galing ang kamay na 'yon sa lalaking nalingunan niya...

"That's already mine, Mister."

"Nah, wala ka namang pirma rito," pilosopong tugon sa kaniya ng lalaki.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo--"

"Me too." Nginisian pa siya ng lalaking 'to na tila nakakaloko!

Umakyat yata ang dugo ni Ashey sa ulo niya. Kaya naisipan niyang agawin ang Pringles dito. Kasehodang habulin siya nito sa loob ng SM Supermarket!

"Hinahabol dapat ang gusto. Ang magpapasaya sa'yo..." Ewan ba ni Ashey kung bakit bigla niyang narinig ang mga sinabing 'yon ni Adi.

Habang hinahabol ng lalaki ang Pringles mula sa kaniya...

KUNG HINDI siya nagkakamali, tao ang natatanawan niyang nakahandusay sa pampang.

Nakaugalian na niya na mag- tsaa pagkagising sa umaga sa terasa na nakatanaw sa malawak na karagatan na 'yon ng Isla Mendiola na pag- aari ng kaniyang pamilya. Hayun nga at eksaktong nilagok niya ang baso ng kaniyang tsaa, natanaw niya na may nakahandusay sa pampang.

Sana lang ay buhay pa 'to. Baka dahil sa lakas ng ulan kahapon at kagabi kaya mukhang nadisgrasya ang lalaki-- oo, lalaki nga. Nalapitan na niya 'to. Nalapitan at ngayon ay kunot na kunot ang kaniyang noo na kinikilala niya na 'to...

Lalaking nakadapa. Teka... bakit.. hubo't hubad 'to?!

SUMIGID ang masidhing kirot na nagmumula sa kaniyang ulo nang gumalaw siya matapos niyang magmulat ng mga mata sa hindi pamilyar na lugar.

"Aaaah!" Hindi niya napigilan na humiyaw sa sakit.

  Humahangos na nilapitan siya ng kung sino...

"Mister, are you okay? Can you see me? Can you hear me?..."

Malabo. Blurred.

"Mister?..." Halatang hindi malaman ng babae ang gagawin. "Okay, ganito na lang, higa ka lang d'yan at hintay natin ang pinatawag kong doktor, okay?"

Pinilit niyang maaninag ang babae...

"Hey, Mister?" Pumitik- pitik pa 'to sa harap niya.

"A--Ashey...?"

"H--Huh? Paano mo nalaman ang pangalan ko?..."

MULING SINARADO NI AZRAELLE ang pandinig. Aalis na siya sa lugar na 'yon. Nasiguro na naman niyang okay na si Randall kaya wala na siyang pakay ro'n.

Ah, muli ay isa lang ang pumapasok sa isip niya-- ang buhay ng tao ay sadyang nakakamangha at punong-puno 'yon ng surpresa.

Sina Ashey at Randall ang patunay niyon.

"Dalangin ko ang kaligayahan mo, Randall Santillan. Sana sa muling pagkikita natin ay makilala mo pa ako," bulong sa hangin ni Azraelle habang tuluyan na niyang inilabas ang kaniyang pakpak upang maghanda na sa mahaba- habang paglipad.

Gustuhin man niya na isama sa paglipad si Randall Santillan matapos ang aksidente na inakala niyang hindi na bubuhay rito ay hindi maaari. Dahil ang nangyaring 'to ay ang nakatakda para rito na mangyari. Hindi nararapat na pakialaman. Katulad na lang ng mga pangyayari sa nakaraan kung saan matapang na hinarap at tinanggap ni Ashey ang kapupuntahan.

Surprises, love, faith and hope. Kung paanong ang mga salita na 'yan ay napagsasabay- sabay ng mga mortal na i-acquire ay isang malaking nakakamanghang palaisipan sa anghel na tulad ni Azraelle.

Tao ang pinakamasuwerteng nilalang ng Diyos, walang duda. Dahil nasa sa mga tao ang choice kung paano sila magiging driver sa sarili nilang buhay. Kung paano nila patatakbuhin ang buhay nila habang nananatili sila sa lupa. Sila ang may kontrol sa mga sarili nilang buhay at damdamin. Nasa sa kanila kung ano ang gagawin nila habang nananatili sila sa lupa. Sila ang may kontrol sa pagbalanse ng kanilang mga sarili.

At kung paanong tinatapos ng Diyos ang paghihirap ng lahat ng mga mortal sa pagbawi niya sa buhay ng isang tao ay hindi makakalimutan ni Azraelle. Dahil bumaha man ng pighati at luha sa pagkawala ng isang minamahal, panigurado naman na may plano ang Diyos sa pagtatapos ng isang kabanata sa buhay ng tao. Narinig niya nga minsan sa pinanonood niya, kapag daw hindi nagtapos na masaya ang isang kuwento, sigurado raw na may karugtong pa 'yon. Hindi pa raw roon nagtatapos dahil ang lahat ay deserve ng happy ending.

Buhay ang pinakamahalagang regalo ng Itaas sa mga mortal, kahit pa hiram lang 'yon. Dapat lang na alam ng tao kung papaanong magagawa 'yon ng makabuluhan at makulay habang hindi pa binabawi sa kanila. Dapat din na isapuso ng mga mortal na hiram lamang 'yon dahil sa dulo-- sa finals, sabi nga ng mga tao, sila- sila rin ang magkikita. Mauna-una lang. 

Tulad ni Ashey na nauna na.

Azraelle smirked. Saka siya tumingala sa malawak na kalangitan bago niya tuluyan na itapak sa semento ang mga paa niya mula sa paglipad.

"Ma-mi-miss kita, Human. Sana ay masaya ka riyan sa kabilang buhay. Sa pangalawa mong buhay."

                                  ~Wakas~

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Onde histórias criam vida. Descubra agora