14: Truth Cum Out

8 1 0
                                    


"ANO 'YAN? Bakit ka nag- empake?"

    "Papalayasin mo na rin naman ako hindi ba?" Oo na, advance na si Ashey, kung advance.

    Inempake rin naman niya ang mga gamit niya dahil luluwas siyang Manila at pupunta siya sa burol ng estudyante niya. Naisip lang niya na mag- drama kay Randall at baka umubra. Kung ganoon kasi na alam na nito ang bahay niya, ang kasunod na no'n ay ang pagkakaalam nito na ghost na siya. Maitatago pa ba niya 'yon? Para kasing hindi na. Hayun nga, pag- uwi ni Randall, nakita nito agad ang mga bags niya at napatanga sa mga 'yon.

   "Papa... layasin? Why?"

   "Randall, alam kong alam mo na."

   "Ang alin?" May hinugot si Randall sa bulsa, "Ito ba?" Iniabot kay Ashey ang isang dyaryo. Kinuha at binasa naman 'yon ng huli.

    Naka- feature siya sa missing section ng dyaryo. Gobyerno-- SSS specifically ang naglathala sa kaniya sa missing section ng newspaper dahil ang benefits niya ay mapupunta sa charity kung hindi na siya active na hulugan 'yon and such. Nag- iisa lang naman kasi ang benefeciary niya, ang ampunan kung saan siya nagka- isip, saan pa ba.

    "Gusto ko sanang itanong sa'yo kung ano ang kuwento mo, Ashey Brown. Pero nang timbangin ko ang lahat ng tanong, isa lang ang mas nangibabaw sa'kin-- bakit ka nag- iisa?" Randall said those words with a hint of sincerity and a pity.

    Napayuko si Ashey. Hindi niya kayang salubungin ang mga tingin ni Randall. Tingin na may awa. Nang pagdiskitahan ni Ashey ang magkasalikop niyang palad, kinuha 'yon ni Randall at pinagdaop nito ang mga palad nila. Na- touched naman siya. Tila sinasabi ng aksyon na 'yon ng nobyo na hindi siya nito hahayaan na mag- isa na muli.

    "Kung hindi ka pa handa na magsabi sa'kin, naiintindihan ko. Pero nakikiusap ako na sana ipaunawa mo sa'kin kung bakit ka nag- iisa. Kung bakit nag- iisa ang isang tao na nagpatunay sa'kin ng salitang pag- ibig." Mulagat ang mga medyo luhaan nang mga mata ni Ashey sa sinabing 'yon ni Randall.

    Hindi vocal sa pagsasabi ng nararamdaman niya si Randall patungkol sa relasyon nila. Basta ang alam lang niya, masaya siya sa kung ano ba ang meron sila nito. Masaya siya no'ng i- anunsyo ni Randall sa lahat na may relasyon na sila, masaya siya sa mga pinaparamdam ng lalaki sa araw-araw. Mga gesture nito na damang- dama ni Ashey na mahalaga siya. Na finally, may isang tao na nagpahalaga at masasabing boyfriend niya, na hindi niya naranasan sa unang buhay niya. If it's the life na sinasabi ni Azraelle na ni- restrict niya sa sarili niya, oo nga at ang tanga niya para hindi pala i- entertain ang mga bagay na 'yon. But still, naisip niya rin naman na kung hindi ba si Randall ang dumating, magmamahal ba siya? Mamahalin niya ba ang iba?

    Dahil oo, inaamin na niya ngayon na mahal na niya si Randall. Walang rason, basta mahal niya lang, dama niya. Hindi ba at sabi nga nila, 'pag mahal mo ang isang tao dahil 'yon sa mahal mo, period. Hindi na kailangan at hindi mahalaga ang mga dahilan kung ba't mo 'yon naramdaman.

    "Ran--" Randall touched Ashey's chin, then caressed her cheeks.

    "Yes, I love you. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko lang, handa ako na samahan ka at unawain sa mga secrets mo, handa ako sa kung saan at ano pa man ang kapuntahan ng lahat ng lihim mo, na kahit hindi mo pa sabihin sa'kin 'yon at ako lang mag- isa ang makatuklas ay wala akong pakialam. Kung hindi pa love 'to, ewan ko na lang." Makabag- damdamin na deklarasyon ng boss niya sa kaniya.

    She laughed, kasabay ng tuluyan na pagkahulagpos ng mga luha.

    "Tears of joy." Natatawang tinuro niya pa kay Randall ang mga luha. She sobbed while hugging... her man. Yes, kaniya na ito, more officially and effectively today. "I love you too." She wiped her tears. Tinignan niya sa mga mata si Randall. "I'm sorry for loving you. I'm sorry na hinayaan kitang mahalin din ako. Hindi dapat pero hinayaan ko lang na mangyari."

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU حيث تعيش القصص. اكتشف الآن