37: I'm Into You

5 1 0
                                    


FLASHBACK, Ito 'yong pakiramdam na para kang nasa loob ng sinehan at nanonood ka sa malaking screen. Kaya lang ay hindi naman mga artista ang bida at mga karakter sa napapanood mo.

Ikaw at ang buhay mo, mismo.

Mula't-simula, walang laktaw. Walang commercial.

Malinaw na napapanood ngayon ni Ashey kung paano niya ba binuo 'yon nang mag- isa. Kung paanong nangyari na bakit ba walang choice sa mundo ang pagpili man lang ng magiging ama at ina.

Hanggang sa araw na iwan siya ng nanay niya sa ampunan at mga madre na ang nag- alaga sa kaniya. Mga madre na walang sawa silang tinuturuan ng mga dasal. Dasal na kinabisado na ni Ashey sa araw-araw para lang makapagpakitang- gilas sa harap at nang masarap naman ang maging pagkain niya mamaya.

Ang ampunan na siyang naging bahay at humubog sa kaniyang pagkatao. Ang ampunan kung saan naramdaman ni Ashey na iba siya sa mga batang naroon dahil nilalayuan siya ng mga ito. Sinusuka. Ayaw makalaro at sinasabihan siyang baliw. Pati ang araw na isa- isang nang nawala ang mga bata sa ampunan na 'yon dahil may nagkagusto na sa kanila at iniuwi sila. Siya na lang ang naiwan. Wala kasing may gusto sa kaniya. Walang tao na gustong ampunin siya.

Dumating si Adi at ito lang sa lahat ng tao na na- meet niya ang naglakas- loob na kausapin siya at kalaruin. Kaya lang ay panandalian lang pala 'yon. Saglit lang din ito sa ampunan. Maigi nang takasan na lang ang ampunan na 'to. Susundan niya si Adi. Hahanapin niya sa labas ng bakuran ng ampunan na 'yon.

Ah, pati pala ang ginawa niyang pagtakas sa ampunan ay ipapakita sa kaniya ng malaking screen na 'yon. Pagtakas at pagsabak sa hamon ng buhay mag- isa, hanggang sa makamit niya ang nais na maging guro. Magkaroon ng mga estudyante na tumayong pamilya niya sa mundo na puro pait at poot lang ang nakamit niya't nanahan sa kaniya.

Ang araw ng mga guro... kung saan niya unang beses na naramdaman na may pamilya siya. At 'yon ay ang mga estudyante niya.

Ang pagka- irita niya sa estudyante niyang si Therese dahil nakikita niya ang sarili niya rito. Mahina at hinahayaan na apihin lang ng mga tao sa paligid.

Ang hindi miminsan na paghahanap niya sa kalinga ng mga magulang. Sa tuwing nagkakasakit siya at sarili lang niya ang inaasahan niya.

Hanggang sa dumating ang araw na pinatay siya...

Ang pagpunta niya sa Santillan Farm para sa isang misyon...

Ang pagkakaroon niya ng purpose sa pahiram na buhay sa kaniya...

Sa araw na naranasan niyang may magmahal at magpahalaga sa existence niya through Randall...

"SAAN tayo pupunta?"

"Basta. This is a surprise, o, dahan- dahan lang."

  Humagikgik si Ashey. Hawak siya ni Randall sa kaliwa niyang braso habang inaakay siya sa kung saan na parte ng Santillan Farm. Oo, sa farm lang din. Hindi naman kasi sila sumakay ng kotse. Piniringan siya ni Randall at inakay, saka sila naglakad lang.

Wala siyang ibang naririnig habang nakapiring kung hindi ang manaka-manakang tawa ni Randall at mga huni ng mga insektong panggabi. Dahil almost 7PM na. At dahil almost 7PM na nga, saan naman kaya siya dadalhin ni Randall?

Makalipas ang hindi na nabilang ni Ashey na segundo, sa wakas ay iniupo siya ni Randall sa kung saan. Nagulat pa siya sa lamig na naramdaman na dinulot ng upuan dahil nakasuot lang siya ng denim short. Nagkatawanan sila.

"Okay, don't open your eyes when I don't told you so."

Ashey chuckled, "Okay, okay."

  Naramdaman na lang ni Ashey na inaalis na ni Randall ang nakapiring na tela sa mga mata niya.

"I will count, be ready..."

"Hay, Santillan, ano ba namang kalokohan 'to?"

"Hey, just say okay!" Natatawa na naman na saway ni Randall sa pagka- KJ niya.

"Okay!"

"1... 2.... and 3..."

  Unti- unting minulat ni Ashey ang mga mata. Malabo no'ng una dahil galing sa dilim ang paningin, hanggang sa pagkurap- kurap ay nasanay na rin 'yon...

Wow...

Kung matagal ka na narito sa Santillan Farm, mamamangha ka sa ganda ng lugar. Sa natural na ganda ng kalikasan na nadagdagan lang dahil sa halata naman na na- maintain at talagang inaalagaan ng owner ng farm ang kabuuan lugar ng farm.

Pero iba pa rin pala 'pag naayusan ang Santillan Farm para sa isang okasyon.

Okasyon na nagugustuhan ng kaniyang puso...

"Do you like it?"

"I--I'm speechless."

She is. Really.

Speechless at hayun na ang hindi maawat na pag- iinit ng sulok ng mga mata.

Ang ganda ng paligid. Napapaligiran ang partikular na spot na 'yon ng mga ilaw na hindi mahirap na hulaan na sadyang inayusan at may isang mesa at dalawang upuan sa gitna niyon na para sa kanila ni Randall.

Tanging bulaklak at wine ang nasa mesa. Mesang natatakpan ng madulas na puting mantel. Ang paligid ay tila dinisenyuhan nang dahil sa mga coffee beans na ngayon lang nakita ni Ashey sa ganoong oras at sa ganoong ayos na para itong inadya talaga para sa mga maliliit na ilaw na nakita niyang dineliver sa office ni Randall last, last day. Akala niya ay christmas lights nga 'yon. Hindi pala at mas malalaki nag bombilysa niyon sa christmas lights.

Speaking of, oo, malapit na kasi ang Christmas.

"Hmn..."

"Yah-- yah, I'm sorry, Ran. I just..." Hindi na napigilan ni Ashey na pahirin ang namumuong luha.

Muli silang nagkatawanan ng mahina.

"Parehas natin na hindi inaasahan 'to. We fell in love at a time when we were both learning how to live. Ako, hinahanap ang sariling purpose at worth---"

"Sa pambababae? Hah! Ikaw lang yata ang ganyan, Santillan," biro ni Ashey sa boyfriend.

"E, ako lang naman ang g'wapo kasi rito. Ako ang owner e."

They giggled while looking intently to each other.

"Ashey, I'm serious here. Don't laugh at me cause you don't know how much I'm nervous right now."

"Talaga ba? Santillan?"

Randall chuckled, "Talagang talaga," birong tugon niya kay Ashey.

"Naku!"

"Hey, get serious. ehem, ehem..."

  Parang kiniliti lang lalo si Ashey sa pag- clear ni Randall sa lalamunan bago ipagpatuloy nito ang speech...

"You came into my life when I’m full of doubts and searching for a purpose to live and love. The love that I didn’t know the existence if it’s not with you. I do wanna marry you..."

Sa buong buhay ni Ashey, hindi niya talaga naisip na darating ang araw na may mag- po- propose na lalaki sa kaniya. Kaya siguro hindi niya maipaliwanag ang nakaka- overwhelm na pakiramdam na dumadaloy na sa sistema niya sa mga sandaling 'yon. Lalo na nang ilabas na ni Randall ang singsing na nasa bulsa niya at lumuhod na ito sa harap niya...

"And I wanna know If, do you?"

"Oh, Randall!" Maluha- luha na kinabig niya si Randall bilang tugon.

Binalewala niya ang singsing. Na kung makikita lang niya sana kung paanong naiiyak na rin na pilit tumatawa si Randall sa kasalukuyan...

"I love you, Ashey Emerald Brown. Again---"

"Yes! I do! I really do!"

  'Yon lang naman ang hinihintay ni Randall. Si Ashey pa mismo ang nagsuot ng singsing sa sarili.

Tumatawa na binuhat niya si Ashey at isinayaw niya sa ere.

Sa gitna ng partikular na spot na 'yon.

Same spot kung saan niya binuhat nang ganito rin si Ashey noon...

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now