26: The Monster

7 0 0
                                    


"WHAT can I can do for you, Adan James Martinez?"

Mariin na kinuyom ni Adan ang mga kamao. Gusto sana niyang mariin din na ipikit ang kaniyang mga mata tulad noon. Sa tuwing naririnig niya pa lamang ang tinig ng halimaw na ito--- pumipikit na siya at nagtutulog- tulugan. Pero tapos na ang mga araw na 'yon. Iba na ngayon. At saka, narito na siya. Kaharap niya na ngayon ang halimaw. Wala nang urungan 'to.

Ang halimaw ay naka- upo sa swivel chair na nasa likod ng mesa sa opisina nito na kung pagmamasdan, akala mo ay kagalang-galang. Ang katibayan ng titulo sa pagkatao nito ay naka- hilera sa bawat sulok ng kuwartong 'yon na nagsisilbing opisina nito sa bahay...

Kanilang bahay...

Si Adam James Martinez ay isang halimaw...

Sa isip, sa puso at sa gawa.

Ito ay kaniyang ama.

"Hindi ka pa ba kinakain ng konsens'ya mo?" Matapang na kastigo niya sa sariling ama.

Ito ang puno't- dulo ng lahat. Ito ang rason ng pagkamatay ni Tricia at sa kamatayan ng mga kaklase niya. Ito ang nararapat na mamatay. Pati sila ay nadadamay sa kawalanghiyaan nito.

The monster laughed. Tila hindi alintana ang bigat ng sinabi niya. Pero tumalim ang tingin sa kaniya pagkuwan, "Gago kang talaga. Pinipilit mo na naman sa'kin 'yang tinatakbo niyang pulpol na utak mo!"

"Just like yours," pakutya niyang turan sa ama.

"Ulol!" Tumayo si Adam, sa isang iglap ay nasa harap na niya ang kaniyang ama at hawak na siya sa kuwelyo ng damit niya, "Ako nga ay tigilan mo ha, anak lang kita. Huwag mo kong pilitin na isunod kita sa mga kaibigan mo," mariin at matalim ang pagkakasabi niyon ni Adam sa anak. Tila hindi nga ito mangingimi na gawin 'yon.

Adan chuckled, "Suit yourself. Unahan mo na, Siya. Tutal naman ay papunta na rin ako sa kamatayan. Kamatayan na nakaambang sa'kin sa murang edad ko na 'to, at 'yon ay dahil sa'yo. Nagtataka nga ako kung bakit mo pa 'ko binuhay. Binuhay mo 'ko para patayin ba? Dahil sa nakikita ko, nabubuhay ka lang para pumatay."

"Putang ina ka, Wala akong pinatay! Alam mo sa sarili mo 'yan."

Hah! Ang tigas ng mukha nito na sabihin 'yon sa harap niya. Kahit alam naman nito na tila sa isang kurap, lima na agad ang pinatay nito. Nakakasulasok ang pagkatao nito. Umaalingasaw ang baho na pilit tinatakpan lang ng titulo. Nakakasulasok ang katotohanan na ang lalaking 'to na isa sa maituturing niya na demonyong nabubuhay sa mundo ay tatay niya.

"Mas alam mo sa sarili mo na limang buhay kaagad ang pinatay mo!" Galit niyang asik sa ama. Saka niya 'to tinignan nang mataman, "Mamamatay na rin ako... tayo. Kaya ako narito sa harap mo ngayon para ipaalala sa'yo na baka hindi pa huli. Baka may pag- asa pa. Baka maaari ka pa na humingi nang tawad, Dad."

Iniiyakan na niya ang ama. Nakakaiyak lang na kahit anong sama nito, hindi maitatanggi na may pakialam pa rin siya rito dahil baligtarin man ang mundo, tatay niya ang halimaw na 'to...

"HINDI po ako ang tumulak kay Adan, Nay, si Tatianna po 'yon," umiiling na sabi ng anim na taon gulang na si Therese sa kaniyang ina.

"Therese, ano ba ang nangyari?"

"Naglalaro lang po kami kanina, nag-away sila ni Adan. Tapos po tinulak niya si Adan sa bangin. Iyon po talaga ang totoo, Nay."

Bumuntonghininga si Almira. Alam niyang nagsisinungaling ang anak. Basta alam niya dahil ina siya at anak niya 'to.

"Ku--musta po si Adan, Nay?" Nakayukong tanong ni Therese. Nagsisimula na siyang umiyak.

"Hindi ko pa alam, anak." Nayakap ni Almira ang anak. Naiyak na rin siya. Hindi niya kasi alam kung ano ang kasunod na mangyayari sa naganap na pagkaka- aksidente ni Adan, na anak ng amo niya.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon