6: It's Her!

18 1 0
                                    

"BAKIT nga pala wala akong nakikita na kamag- anak ni Sir Ran dito, Jepoy? Mag- isa na lang ba siya? No relatives?" Tanong ni Ashey sa isa sa mga katrabaho sa coffee shop. S'yempre pa, dapat na siyang magtanong- tanong para malaman na niya kung nasa'n ang mga Nuevo.

"Dati si Mang Dolfo, isa sa mga tauhan niya rito. Pero sa pagkakaalam ko hindi naman 'yon ang kamag- anak ni bossing. 'Yong asawa ni Mang Dolfo ang tyahin ni bossing. Patay na raw ang asawa no'n. Bukod do'n sa kamag-anak ni bossing na 'yon, na hindi rin naman namin nakilala, wala ng napunta rito na kamag- anak ni boss. Pati ang anak ni Mang Dolfo, patay na. Nagpakamatay. Nagalit nga si boss kay Mang Dolfo at hindi man lang binurol ang anak. Hindi napuntahan si bossing."

"H-indi binurol? E, ano? Nilibing na lang?" Kinilabutan yata si Ashey sa nalaman. Ewan niya. Ang creepy lang na inilibing din ng tatay nito si Therese. Ba't ang normal naman yata na maglibing ng patay ng tatay nito?

"Oo. Inilibing niya na lang basta. Sa likod ng bahay niya. Si Mang Dolfo kasi, may pagka- weirdo 'yon talaga. Hindi na kami nagtaka na gano'n ang ginawa niya. Ang sabi niya kay bossing, hindi rin naman daw tatanggapin sa simbahan ang bata at nagpakamatay," dagdag pa ni Jepoy.

"Hindi naman sa hindi tatanggapin yata? Binabasbasan naman din ng pari." Hindi sigurado si Ashey sa hindi tatanggapin sa simbahan. Pero sure siya na binabasbasan at dinadasalan naman din ng pari ang mga nagpakamatay na katoliko. Ang pagkakaalam naman niya ay katoliko ang estudyante niya. Besides, ang school na tinuturuan niya ay Catholic School.

Kibit- balikat lang ang tinugon ng katrabaho niyang si Jepoy sa kaniya. "Nagpapadasal naman si bossing sa kaluluwa ng bata. Hanggang do'n na lang. Wala naman ng nagawa si bossing sa desisyon ni Mang Dolfo."

"Well, glad to know."

"Taga saan ba rito si Mang Dolfo?" Naalala niyang itanong.

Natigil ang pagtsitsismisan nila ni Jepoy nang may pumasok na dalawang customer. Hindi na nasagot tuloy ni Jepoy ang tanong niya. Isang sopistikada na babae na nasa late early 40's siguro, at binatilyo na sa tantya ni Ashey ay kinse anyos lang, ang kadarating lang na customers. Napuna kaagad ni Ashey na malikot ang mga mata ng bagets, may suot na mataas ang grado na salamin sa mata. May sukbit na DSLR camera sa leeg. Mukhang mag-ina ang dalawa dahil magkawangis. 'Pag ganitong oras ang patay-oras kung tawagin nila sa coffee shop. Paisa-isa na lang ang pumapasok na customer. Kaya silang tatlo na lang ng dalawang bagong pasok na customers ang naiwan. Si Jepoy ang magse- serve ng order at nag- break time kasi si Erwin.

"Miss, dripp coffee latté, please." May magiliw na ngiti na order sa kaniya ng sopistikadang ginang.

"Coming mam," nakangiting tugon din naman niya.

"Ang tigas ng ulo mong bata ka. Pagod na 'ko sa adventure na sinasabi mo ah," pinagagalitan ng ginang ang bata at naririnig 'yon ni Ashey mula sa inuupuan niyang counter. Ang bata ay tahimik lang. Nililikot pa rin nito ang mga mata sa paligid habang patuloy na pinagagalitan ng kasama.

Maya-maya pa ay nagtama ang mga mata nila ng binatilyo..

"It's you!" Sabi nito kay Ashey bigla. Nanlaki ang mata ng binatilyo sa kaniya, tinuro pa siya ng hintuturo. "Mommy, it's her!" Sabi nito sa kasama. Tumingin sa kaniya ang ginang at ngumiti lang na parang nahihiya at humihingi ng pasens'ya sa kaniya. Isa lang ang sigurado ni Ashey, hindi na bago sa ginang ang kinikilos mg anak nito.

Si Ashey naman ay napakunot-noo. Hindi niya alam ang ire- react, lalo na at lumabas na si Jepoy, dala ang order ng customers. Lalo na nang marinig niya ang sumunod na sinabi ng binatilyo..

"It's her! I knew it! Patay na siya! Ghost ka na!"

"Ssshh, Xian, where is your manners?!" Pinagalitan naman ng babae ang anak nga nito, base sa pagkakatawag ng binatilyo na mommy rito kanina.

[COMPLETED] THIS GHOST IS IN LOVE WITH YOU Where stories live. Discover now