Prologue

56 4 3
                                    

One fine evening...

Si Liam at Aiyana ay pauwi na sa kanila matapos ang matagumpay ng marriage proposal ni Liam sa kanyang  7 years girlfriend na si Aiyana..

"Best day ever!" pasimpleng hinawakan ni Liam ang kamay ng kanyang fiance na si Aiyana habang nagmamaneho pauwi

"Makasigaw ka naman akala mo nanalo ka sa lotto!" ngiting sabi ni Aiyana

"Sino ba naman hindi sasaya dahil finally after seven years na asaran natin este lambingan natin, eto na, road to forever na ito" sabay halik sa kamay ni Aiyana na ikinapula ng pisngi ng dalaga

"Ang cheezy! tumingin ka na nga sa minamaneho mo mamaya nyan maaksidente pa tayo nyan, nakalimutan kong engage na ako sayo eh!" biro ni Aiyana

"Wag naman ganyan Yana! Wag panira ng moment tong fiance ko naman.." nag pout si Liam sa harap ng fiance nya, natawa na lang si Aiyana sa itsura nito

"Sige na nga titigil na akong --" di na natuloy ni Liam ang sasabihin dahil..

"LIAM MAY TRUCK!!!!" sumigaw si Aiyana dahil may nawala ng preno na truck, kinabig ni Liam ang manibela para maiwasan ang truck ngunit dumausdos ang sasakyan nila at bumangga sa isang puno

*Ambulance Siren*

At the Hospital...

"Yana?" tila nanaginip si Liam at hinahanap si Aiyana

"Kuya Liam, gising nanaginip ka.." niyugyog ni Claire ang balikat ng kuya nya para magising

"Yana!!!" balikwas si Liam sa kanyang higaan ng biglang "Aray!" hinawakan nya bigla ang kanyang ulong may benda

"Kuya Liam nasa ospital ka naaksidente ka, buti na lang at may nakakita sayo at tumawag agad ng rescue!" pag-aalalang sabi ni Claire sa kanyang kuya ng biglang pumasok ang parents ni Liam

"Anak, buti naman at gising ka na!" masayang sambit ng mommy ni Liam at Claire

"Anak ano bang nangyari at naaksidente ka?" tanong naman ng daddy nila

"Ma? Dad? Si Yana po?" tanong bigla ni Liam

"Anak, wala si Yana don sa accident site nung makita ka ng mga taong tumulong sayo don" sambit ng mommy ni Liam sa kanya

"Po!!? Kasama ko si Yana ma!? kasama ko sya! Masaya pa kaming nagtatawan at nagkukwentuhan after kong magpropose sa kanya!!" pilit na ipinaiintindi ni Liam sa parents nya na kasama nya si Aiyana nung oras ng aksidente

"Anak, wala si Yana don, ikaw lang ang nandun" sambit muli ng mama nya

"Hindi!!! Nasaan si Yana? Ma!!! Dad!! Sabihin nyo sa akin nasaan si Yana!!" naiiyak na si Liam

"Kuya huminahon ka, wala nga si Ate Yana sa site.." sambit ni Claire

"HINDI!!!!!" tuluyan ng bumuhos ang luha ni Liam

"YANA!!!!!!!!!! NASAAN KA NA!!!!" pagwawala ni Liam habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata sa biglaang pagkawala ng kanyang babaeng papakasalan

================================

-Hazel_KYJ-

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now