Chapter 56

10 2 0
                                    

*Bang*

Nagulat sila kung sino ang tinamaan ni Mateo...

"Lo!!!" sigaw ni Liam at nilapitan si Lolo Generoso na sinangga ang bala tatama kay Liam

"Generoso!!!" lumapit si Lola Amelia kay Lolo Generoso na napahiga sa lupa dahil sa tama ng baril sa kanyang tagiliran

Nilapitan nila Liam at Aiyana si Lolo Generoso..

"Mga Apo!! Pagkakataon nyo ng pumasok sa lagusan, dalian nyo na!!" mahinang sambit ni Lolo Generoso habang kalong kalong sya ni Lola Amelia na naluha

"Pero lo, paano po kayo?" naiyak na sambit ni Liam sa kanyang lolo

"Kaya ko to apo, dalian nyo bago magsara ang lagusan dalian nyo na!" sambit ni Lolo Generoso

"Dalian nyo na mga apo, ako na bahala kay Generoso!" sambit ni Lola Amelia

Tumingin ng masama si Liam kay Mateo..

"Talagang maraming mamamatay kapag ipinilit niyo ang gusto nyong bumalik sa kasalukuyan!?" panakot ni Mateo kay Aiyana at Liam

Nakita ni Liam ang isang baril sa bulsa ng kanyang lolo Generoso at binunot nya ito at itinutok kay Mateo..

"Liam.." natatakot sambit ni Aiyana ng makita nya ang nag-aapoy na galit sa mga mata ni Liam

"Walanghiya ka Mateo!!! Ang walang kasalanan pa ang dinamay mo hayop ka!!" galit na galit si Liam na isinigaw sa pagmumukha ni Mateo

"Hindi mo kaya yan Liam!! Mahina ka, dahil madali ko sayo nakuha si Aiyana nung aksidente dahil mahina ka!! Oo Liam nandoon ako nakamashid sa lugar kung saan ka nagpropose kay Aiyana kaya madali ko siyang nakuha sayo at naidala rito!! Kaya mahina ka!!" nakakalokong tawa ni Mateo at pagmamaliit kay Liam na lalong ikinagalit ni Liam

"Hayop ka!!! Sinira mo ang buhay ni Aiyana at ang buhay ko, ngayon pati ang lolo ko dinamay mo, hindi ka na kailanman makakatawid sa lagusang ito!!" pinaputukan ni Liam si Mateo ng maraming bala na ikinatumba nito, binitiwan ni Liam at nagmadali na silang pumasok sa lagusan ng --

*Bang*

Tinamaan si Liam sa balikat ng bala matapos paputukan ng isang guwardiya sibil na nakasunod kila Mateo..

"Liam!!!" hinawakan ni Aiyana ang kamay ni Liam dahil nanghihina na ito dahil sa dami ng dugo na nawawala sa kanya at nagmadali na silang pumasok sa lagusan na unti unti ng nagsasara ang lagusan hanggang sa --

"Liam!!"

"Liam!!"

"Liam!!"

Unti unting iminulat ni Liam ang kanyang mga mata ng maulit niyang naririnig ang mga tumawag sa kanyang pangalan..

"Kuya Liam?" unang nakita ng kanyang mga mata ay ang nakakabatang kapatid nyang si Claire

"Claire?" mahinang sabi ni Liam

"Kuya, kumusta ka na?" pag-aalalang tanong ni Claire..

"Anong nangyari? Nasaan ako?" tanong ni Liam, inayos ni Liam ang upo nya

"Aray!" sabay hawak ni Liam sa kaliwang balikat nyang may benda

"Kuya, dahan dahan lang!" sambit ni Claire kay Liam

"Nasaan ba tayo? Si Aiyana?" hinanap agad ni Liam si Aiyana

"Kuya easy! Nasa ospital tayo okay!? Natagpuan ka ng mga mangangahoy sa gubat may tama ng bala sa kaliwang balikat mo!" pagpapakalma ni Claire kay Liam ng pumasok ang parents ni Liam

"Anak! Salamat at nagising ka na!" nilapitan ni Lanie si Liam

"Saan ka ba nanggaling anak? Halos apat na araw kang walang paramdam, ni tumawag man lang para malaman namin kung nasaan ka?" pag-aalalang tanon ni Leo sa anak, di pa rin mapakali si Liam

"Nasaan si Aiyana?" tanong muli ni Liam

Nakatahimik lang si Claire at ang parents nila ni Liam..

"Ano ba!? Nasaan sabi si Aiyana!?" naiinis na si Liam

"Si Aiyana?" sambit ni mommy ni Liam na si Lanie

"Ano to? Di naman siguro ako nanaginip na kasama ko si Aiyana ng lumabas ako sa lagusan yun, kasama ko siya!?" say ni Liam sa parents nya at kay Claire

"Anong lagusang pinagsasabi mo anak? Saan lupalop ka ba nanggaling anak at sari sari na ang lumalabas sa bibig mo?" sambit ni Leo kay Liam

"Dad, Ma! Claire, isa lang naman ang tanong ko sa inyo nasaan si Aiyana?" muling tanong ni Liam sa parents nya at sa kapatid nya

Patuloy pa rin nagtatalo ang mag-anak ng dumating si --

"Aiyana!" masayang sambit ni Liam ng makita si Aiyana

"Sinong Aiyana pinagsasabi mo?" sagot ng babaeng nakita nyang pumasok sa kwarto

"Aiyana, pinagloloko mo na naman ba ako, kasi alam mo bumenta na yan eh?" ngising sabi ni Liam

"Liam, ano bang nangyayari sa iyo?" si Lanie

"Ma, eto kasing si Aiyana pina-prank  ako eh!" ngiting sabi ni Liam

Takang taka ang buong pamilya ni Liam sa inaasal at nakikita nito sa paligid..

"Kuya, hindi ka nya pinaprank nurse sya dito sa ospital hindi siya si Aiyana kuya!" paliwanag ni Claire

"Ang kulit mo naman Claire eh! Si Aiyana nga yan! Magkasama kami talagang lumabas sa isang mahiwagang lagusan, totoo yun!" sambit ni Liam, takang taka pa rin ang lahat

"Ma, nababaliw na ata si kuya? Sari sari na ang nakikita at iniisip?" sabay tingin ni Claire sa Mama nya at Daddy nya

"Di ko alam bakit siya biglang nagkaganyan matapos siyang matagpuan ng mga tao sa kakahuyan sa gubat?" napakamot na ng ulo si Leo dahil sa inaasal ng kanyang anak

"Totoo yung sinasabi ko, kaya nawala si Aiyana dahil kinidnap siya nung doktor na si Mateo at dinala sa sinaunang panahon, yung sa panahon ng mga kalolohan natin, nakilala ko pa nga si Lolo Generoso eh!" kwento ni Liam

"Lolo Generoso? You mean yung lolo ng lolo ng lolo natin?" si Claire

"Oo! Siya pa nga ang kumupkop sa akin eh nung nakapasok ako sa panahong yun!" paliwanag ni Liam sa kanilang lahat

"Liam anak? Di ka talaga namin maintindihan? Saan mo ba napupulot ang mga kwento mong yan? Out of this world eh?" weirdong weirdo na si Lanie sa pinagkukwento ni Liam

"Ma maniwala kayo sa akin, eto ipapakita ko sa inyo yung susi ng lagusang pinagsasabi ko!" sambit ni Liam sabay kapa sa kanyang dibdib

"Teka? Nasaan yung kwintas? Nandito lang yun eh!" walang makapa si Liam sa kanyang dibdib, wala ang kwintas na orasan

"Ano bang hinahanap mo kuya?" si Claire

"Yung orasang kwintas ko!" nataranta na si Liam ng biglang --

"Liam? Liam? Huy! Liam, gising ka na!"

===================================

Next: Chapter  57

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now