Chapter 12

7 2 0
                                    

Nanatili sa pwesto niya ang misteryosong tao nakatanaw sa kinalalagyan nila Aiyana at Liam na masayang masaya sa proposal ni Liam kay Aiyana...

"Bagong kabanata, bagong pagsubok ang susubok sa tatag ng dalawang taong nagmamahalan!" nakakatakot na ngiti ang iginawad ng misteryosong nilalang nakamasid sa dalawa

Samantala, may inihandamg pagkain si Liam para sa kanilang dalawa ni Aiyana matapos ang nakakakilig na proposal ni Liam sa kanyang tinatangi, ang kanyang nag-iisang prinsesa..

Nakaupo ang dalawa sa damuhan habang nakain at pinagmamasdan ang paglubog ng araw..

"Happy?" tanong ni Liam sa kanyang fiance

"The happiest moment with you!" ngiting sabi ni Aiyana habang nahigop ng juice

"Sinimplehan ko lang talaga ang lahat ng ito, because it is not about kung gaano kagarbo ang proposal scene but is what your real intestion and that is to ask the girl you want to be with forever, kaya dito ko naisipan gawin, sa ating safe place, isang tahimik at payapang lugar kung saan tayo lang nakakaalam!" kwento ni Liam kay Aiyana while he is busy eating his sandwich

"Never beating the kabaduyan era ng lolo at daddy ko ganon! Gaya gaya ka sa style nila daddy Anton at Lolo Julio eh!!" natatawang sambit ni Aiyana sa kanyang fiance

"Well, parang ganun na nga pero saan ka kung ano pa yung baduy gawin yun pa ang sincere at romantic way para yayain ang babaeng pinakamamahal mo magpakasal di ba?" Liam said to Aiyana

"Sabi ko nga! Infairness napaiyak mo ako sa proposal mong yun ah, galing mo don!" sabay apir ni Aiyana kay Liam

"Well, that's Liam Oliver Dela Cruz way of proposing to his girl, but I'm glad you accepted it! Thank you!!" Liam said sweetly to his fiance

"Yabang!! Well, alam ko naman na ayaw mo na akong pakawalan eh kaya nagpropose ka na after 7 years, talagang love na love mo talaga ako at gusto mo na akong masolo ng walang kondisyon!" this time si Aiyana naman ang nang-aasrlar kay Liam, natawan na lang sila ng tawanan sa mga binabatong asaran nila sa isa't isa..

Lumipas ang oras at tuluyan ng namaalam ang umaga at namutawi na ang dilim sa paligid, napagpasyahan na nila Aiyana at Liam na umuwi na para masabi ang magandang balita...

Habang nasa daan....

"Best day ever!" pasimpleng hinawakan ni Liam ang kamay ng kanyang fiance na si Aiyana habang nagmamaneho pauwi

"Makasigaw ka naman akala mo nanalo ka sa lotto! Kanina ka pa ah!!" ngiting sabi ni Aiyana

"Sino ba naman hindi sasaya dahil finally after seven years na asaran natin este lambingan natin, eto na, road to forever na ito, kahit baduy alam kong kinilig ka ayiieh!!" sabay halik sa kamay ni Aiyana na ikinapula ng pisngi ng dalaga

"Ang cheezy! tumingin ka na nga sa minamaneho mo mamaya nyan maaksidente pa tayo nyan, nakalimutan kong engage na ako sayo eh!" biro ni Aiyana

"Wag naman ganyan Yana ko! Wag panira ng moment tong fiance ko naman.." nag pout si Liam sa harap ng fiance nya, natawa na lang si Aiyana sa itsura nito

"Sige na nga titigil na akong --" di na natuloy ni Liam ang sasabihin dahil..

"LIAM MAY TRUCK!!!!" sumigaw si Aiyana dahil may nawala ng preno na truck, kinabig ni Liam ang manibela para maiwasan ang truck ngunit dumausdos ang sasakyan nila at bumangga sa isang puno

*Ambulance Siren*

At the Hospital...

"Yana?" tila nanaginip si Liam at hinahanap si Aiyana

"Kuya Liam, gising nanaginip ka.." niyugyog ni Claire ang balikat ng kuya nya para magising

"Yana!!!" balikwas si Liam sa kanyang higaan ng biglang "Aray!" hinawakan nya bigla ang kanyang ulong may benda

"Kuya Liam nasa ospital ka naaksidente ka, buti na lang at may nakakita sayo at tumawag agad ng rescue!" pag-aalalang sabi ni Claire sa kanyang kuya ng biglang pumasok ang parents ni Liam

"Anak, buti naman at gising ka na!" masayang sambit ng mommy ni Liam at Claire

"Anak ano bang nangyari at naaksidente ka?" tanong naman ng daddy nila

"Ma? Dad? Si Yana po?" tanong bigla ni Liam

"Anak, wala si Yana don sa accident site nung makita ka ng mga taong tumulong sayo don" sambit ng mommy ni Liam sa kanya

"Po!!? Kasama ko si Yana ma!? kasama ko sya! Masaya pa kaming nagtatawan at nagkukwentuhan after kong magpropose sa kanya!!" pilit na ipinaiintindi ni Liam sa parents nya na kasama nya si Aiyana nung oras ng aksidente

"Anak, wala si Yana don, ikaw lang ang nandun" sambit muli ng mama nya

"Hindi!!! Nasaan si Yana? Ma!!! Dad!! Sabihin nyo sa akin nasaan si Yana!!" naiiyak na si Liam

"Kuya huminahon ka, wala nga si Ate Yana sa site.." sambit ni Claire

"HINDI!!!!!" tuluyan ng bumuhos ang luha ni Liam

"YANA!!!!!!!!!! NASAAN KA NA!!!!" pagwawala ni Liam habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata sa biglaang pagkawala ng kanyang babaeng papakasalan

"Anak!! Huminahon ka, patuloy pa rin ang ibestigasyon sa accident site, nung dumating ang ambulansya doon ikaw lang ang natagpuan nilang walang malay.." sambit ni Lanie, mommy ni Liam at Claire

Hindi pa rin mapakali si Liam sa kanyang higaan..

"Paano nangyari na bigla na lang nawala si Aiyana ng ganun ganun lang!? Di ako papayag!! Babalikan ko yung lugar!!!" pilit na tinatanggal ni Liam ang suwerong nakakabit sa kanya

"Kuya!! Please huminahon ka!! Makakasama pa sayo kapag pumunta ka don ng ganyang sitwasyon mo! Magpagaling ka muna" pagmamakaawa ni Claire sa kanyang kuya Liam

"Claire, maniwala ka sa akin, kasama ko si Aiyana, pauwi na nga kami after nyang tanggapin ang proposal ko sa kanya, masaya pa nga kami ng pauwi kami para sabihin sa inyo ang good news pero eto ang nangyari, pero maniwala ka Claire, kasama ko sya!!" pilit ipinaiintindi ni Liam kay Claire na kasama nya si Aiyana ng mangyari ang aksidente

Habang nag-uusap si Claire at Liam, dumating ang mama at lola ni Aiyana sa hospital...

"Liam Oliver!!! Nasaan ang anak ko!!!" galit na galit na sambit ng ina ni Aiyana

"Tita, si Aiyana po--" di masabi ni Liam ang totoo ng magsalita si Lanie, mama ni Liam

"Lea, I'm sorry, wala si Aiyana sa accident site, si Liam lang nakita ng mga rescue na nandun.." paliwanag ni Lea

"Ano!? Liam ipinagpaalam mo sa akin ang anak ko na pupunta lang kayo sa lugar kung ka nya sinagot, tapos ngayon, ang masasabi nyo lang na wala si Aiyana sa nangyaring disgrasya!?" di na mapigilan ni Lea ang sarili dahil sa galit at pag-aalala

"Lea, huminahon ka!" sambit ni Lola Alicia

"Pangako po Tita, hahanapin ko po agad si Aiyana.." sambit ni Liam

"Liam, ipinagkatiwala ko sayo ang anak ko ng pitong taon, tapos ngayon, matapos ng nangyari bigla na lang syang nawala na parang bula!!? Paano mo mapapaliwanag sa akin ang ganon hah!!?" galit pa rin ang nangingibabaw kay Lea, sumabat na si ang daddy ni Liam

"Hindi naman yata tama na isisi mo lahat sa anak ko ang nangyari, tsaka hindi naman nya ginusto ang nangyari sa kanila ng anak mo!!" sagot ni Leo, daddy ni Liam at Claire

"Leo, huminahon ka, baka ikaw naman ang mapano nyan!" sambit ni Lanie sa asawa

Nagpatuloy ang diskusyunan ng magkabilang panig ng --

"TAMA NA!!! PWEDE BA!!? KASALANAN KO TO LAHAT, KASALAN KO KUNG BAKIT NAWAWALA NGAYON SI AIYANA!! KAYA PWEDE BANG TUMIGIL NA KAYO!!" sumigaw na si Liam  para tumigil sa diskusyunan ang parents nito at ng mama ni Aiyana

Dahil sa nangyari, walang ibang sinisi si Liam kung di ang sarili, di nya ginusto ang nangyari, sobrang sakit para sa kanya na bigla na lang nawala ang babaeng pinakamamahal nya..

===================================

Next: Chapter 13

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now