Chapter 14

9 2 0
                                    

Ilang linggo ng sumubok si Liam hanapin si Aiyana ngunit sya a umuuwing bigo, hindi na sya magawang kausapin ng ina ni Aiyana dahil sa nangyari, isang buwan na ang nakakalipas, lagi na lang nauwing lasing si Liam, labis ng nababahala ang mga magulang nito sa inaasal ni Liam..

Dela Cruz Residences...

"Liam Oliver Dela Cruz!! Ano ba ang gusto mo sa buhay mo bata ka? Lagi kang late pumasok sa trabaho mo!? Tapos uuwi kang lasing!!? Liam!!" puro sermon na ang pinapakain ng daddy ni Liam sa kanya, pero parang wala syang naririnig, tulala na lang lagi siya kung minsan naiyak na lang

"Anak, bakit ka ba ganyan? Di ka naman ganyan eh, Liam anak!!" sobra na ang pag-aalala ni Lanie sa kanyang panganay

"Ma!! Dad!! Isang buwan na ang nakakalipas!! Wala talagang  kwenta yang mga imbestigador na yan!! " sobrang dismayado na si Liam sa mga nangyayari dahil hanggang ngayon di pa rin niya makita si Aiyana

"Liam, anong gusto mo!? Ganyan ka na lang habang buhay!! Mamumukmok hanggang sa gusto mo!?" sambit sa kanya ng dad nya

"Anong gusto nyong gawin ko dad!? Magsaya habang mas lalo akong kinamumuhian ng mama ni Aiyana!? Yun ba ang gusto nyo dad!? Na sinira ko ang tiwala nya na aalagaan at poprotektahan ang anak nya pero sa pagkalipas ng pitong taon mawawala rin ito sa kanya!!? No dad!! Di ako magiging masaya hangga't di ko sya naibabalik sa mama nya at sa akin! Kahit ilang aksidente pa ang kaharapin ko, I will never stop searching for her!!" tumayo si Liam at nag walk out sa parents nya

Di na magawang pigilan ni Leo ang anak, isang buwan na syang ganyan simula nung aksidente..

Mabilis na nagpatakbo ng sasakyan si Liam hanggang sa nakarating siya sa tapat ng bahay ng babaeng kanyang tinatangi..

Muling tumulo ang luha nya ng maalala nya ang mga memories nila ni Aiyana sa tuwing hinahatid sundo nya ito sa trabaho..

Napatigil sa pagluha ng may kumatok sa bintana ng sasakyan, binabaan nya ito ng bintana, si Lola Alicia..

"Lola, kayo po pala, pasensya na po napadaan lang po ako, aalis na rin po ako at--" di na pinatapos ni Lola Alicia sa pagsasalita si Liam

"Gusto mo bang pumasok muna sa loob iho? Wala naman si Lea ngayon, bumisita sa mga kapatid nya sa probinsya namin, para magpalipas ng sama ng loob, ako lang nandito iho, halika pumasok ka muna!" yaya ni Lola Alicia kay Liam, bumaba na si Liam sa sasakyan at sumunod sa matanda papasok sa bahay

Flores Residence..

Pinaupo muna ni Lola Alicia sa sofa si Liam habang kumukuha ito ng inumin para sa bisita..

Matapos ni umupo na si Lola Alicia sa tabi ni Liam, dahil alam nito na mabigat pa rin ang pinagdadaanan nito..

"Kumusta ka na iho? Isang buwan na ang lumilipas ng hindi ka napaparito para dumalaw?" sambit ni Lola Alicia

"Eto po lola, pilit na kinakaya ang bawat araw na sa tuwing gigising ako sa umaga bubungad sa akin ang pangyayaring di ko kailanman makakalimutan, ang pangyayaring na ako ang naging dahilan ng biglaang pagkawala ng apo nyo, pasensya na po talaga lola, kasalanan ko po ito eh! Di ko sya naprotektahan" muling tumulo ang luha ni Liam sa harap ng lola ng kanyang fiance

"Iho, naiintindihan kita! Alam kong di mo ginusto ang nangyari, di lang kayang matanggap ni Lea ang nangyari kaya ikaw ang kanyang sinisisi sa nangyari, kaya minabuti muna nyang umalis muna dito para makalimot at maghilom, mahirap talaga iho na mawalay sa taong lubos mong pinahahalagahan.." sambit ni Lola Alicia kay Liam

"Ang hirap po lola, tapos ang parents ko di nila maintindihan kung bakit ako nagkakaganto, ang hirap isipin na handa ko na syang makasama nang pangmatagalan, nangyari pa ito, ang sakit lola ang malayo kay Aiyana, na di mo alam kung nasaan sya ngayon, kung okay ba sya? kung bujay pa ba sya? Walang nakakaalam kung nasaan sya?" paglalabas ng sama ng loob ni Liam sa lola ni Aiyana

"Apo! Ilabas mo lang yan, kailangan mong ilabas yan, pero alam mo iho nararamdaman kong nasa mabuting kalagayan si Aiyana ngayon!" napatingin si Liam kay Lola Alicia

"Ano pong ibig sabihin nyo lola?" tanong ni Liam kay Lola Alicia, tumingin ang matanda kay Liam at ngumiti ito sa kanya

"Iho ang mundo ay puno ng hiwaga, may mga pangyayaring di mo inaasahan, meron rin mga pangyayari na bigla ka na lang maglalaho, pero di ka mamatay iho, isang mahiwagang portal!" sambit ni Lola Alicia

"Portal? Bakit may portal sa panahong ito?" nawiwirduhan na si Liam kay Lola

"Iho, hindi imposible ang lahat, maaaring di natin makita rito ang hinahanap mo, dahil wala talaga sya dito sa panahon natin, maaaring napunta sya sa ibang panahon.." kwento ni Lola Alicia

"So? Ibig sabihin lola, kung wala dito ang apo nyo?  nasa ibang panahon si Aiyana? Ganun po ba lola ang ibig nyong sabihin?" maraming tanong si Liam kay Lola Alicia

"Maaari apo nasa ibang panahon sya!" sambit ni Lola Alicia

"Lola paano makakapunta sa ibang panahon?" tanong ni Liam kay Lola Alicia

"Delikado iho ang bumalik sa nakaraan.." malungkot na sambit ni Lola Alicia

"Anong delikado don lola? Paano makakarating si Aiyana don lola?" maraming tanong si Liam na gustong masagot ni Lola Alicia

"Si Aiyana ay kabilang sa panahon natin kaya hindi siya basta basta makakatawig ng nakaraan kung walang tumulong sa kanya.." si Lola Alicia

"Eh lola naaksidente kami non, for sure naman walang malay si Aiyana nung mga oras na yun kaya imposibleng tinulungan sya, hindi kaya may dumukot sa kanya nung mga oras na yun at dinala sya sa nakaraan?" palaisipan pa rin kay Liam ang mga kinukwento ni Lola Alicia, pero para sa kanya kung ano man yan gagawin nya lahat para maibalik si Aiyana sa kanila

"Liam Oliver, maaaring dinukot nga sya ng isang taga nakaraan na napadpad sa kasalukuyan, maaaring ring isang taong may matinding galit, may matinding pakay.." paliwanag ni Lola Alicia

"Galit? Wala naman akong natatandaan na may galit sa amin o sa akin?" takang tanong ni Liam

"Iho, galit dala ng selos at paghahangad na makuha kung anong meron ka!" si Lola Alicia

"Ibig po bang sabihin may galit sa akin na di ko nalalaman?" si Liam na medyo nagulat

"Malalaman mo lang yan once natagpuan mo ang aking apo, dahil malakas ang kutob ko na dumukot sa kanya ay kasama nya ngayon sa panahong iyon!" sambit ni Lola Alicia

"Lola!! Gusto kong tumawid sa nakaraan? Paano po ba?" desidido na si Liam na mahanap si Aiyana

"Gaya ng sinabi ko iho delikado ang pagtawid sa nakaraan, isang sakripisyo ang gagawin mong iyan! Maaaring may kapalit o kailangan isakrispisyo!" paalala ni Lola Alicia kay Liam

"Ano po ang kapalit?" tanong ni Liam, kinakabahan na sya

==================================

Next: Chapter  15




Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now