Chapter 49

5 2 0
                                    

"Tayo na?"

Natulala si Liam sa ayos ni Aliya ng --

*Poink*

"Ano ba? Tulala ka na naman?" sambit ni Aliya matapos nyang tulakin ang ulo ni Liam para matauhan

"Ang bilis mo naman mag-ayos?" nauutal na sagot ni Liam

"Alangan bagalan ko pa eh mukhang maganda ang panahon ngayon para magpahangin sa tahimik na lugar.." sambit ni Aliya kay Liam

"Bueno, umpisahan nyo ng maglakad ng makaabot kayo don ng bago mag alas otso ng umaga para di pa gasino ang init ng araw.." payo ni Lola Amelia

"Halika na!" hinila na ni Aliya si Liam palabas ng bahay at nag-umpisa na silang maglakad papuntang burol

Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad..

"Aliya?" tawag ni Liam dahil nauuna itong maglakad sa kanya

"Oh?" sagot naman ni Aliya

"Alam mo ba ang pupuntahan natin at ikaw pa ang nauuna?" pilosopong tanong ni Liam kay Aliya

Tumigil si Aliya saglit para mahintay si Liam at

*Poink*

"Aray! Nakakarami ka na ah!" inda ni Liam matapos siyang batukan naman ni Aliya

"Ang sarap mo lang kasing hampasin at batukan ganon, at totoo nga ang sabi sa akin ni Lola Amelia na malakas nga ako!" nginitian lang ni Aliya si Liam at nauna na muling maglakad sa kanya

"Babaeng to talaga oo!" napailing na lang si Liam at sumunod na lang sa paglalakad

Ilang minuto bago mag alas otso ng umaga ay nakaakyat na sila sa burol ng payapa..

"Ang ganda!!" masayang sambit ni Aliya habang pinagmamasdan ang paligid

"Tunay ngang tahimik at payapa sa lugar na ito, tama si Lolo Generoso!" sambit ni Liam sabay lapag ng basket na may pagkain nila

"At malalasap mo pa ang simoy ng hangin dito, ito ang gusto ko katahimikan.." banggit ni Aliya

"Sa kabila ng haba ng ating nilakad ay napakataas pa rin ng enerhiya mo sa pagsisigaw sigaw dyan!" sambit ni Liam kay Aliya

"Kailangan ko para mapakawalan ang lahat ng sama ng loob ko sa habog na nagpanggap na asawa ko, hay!! Di ko man lang namalayan na isang taon na akong pinagmumukhang tanga ng lalaking yon!" sambit ni Aliya kay Liam

"Sabagay! Magandang lugar nga ito para sumigaw.." sambit ni Liam

"Ano ako sira? Sisigaw dito na parang tanga?" sambit ni Aliya

"Sus! Tignan mo to ah!" sambit ni Liam

"Ano?" si Aliya

"SANA BUMALIK NA SA AKIN ANG BABAENG PINAKAMAMAHAL KO!!!" sigaw ni Liam at tila ba ay umalingawngaw ang mga salitang kanyang sinambit

"Ikaw naman!" sambit ni Liam kay Aliya

"ISANG TAON AKONG PINAIKOT NG LALAKING HINDI KO NAMAN MAHAL, NGAYON! DI NA AKO MAKAKAPAYAG NA PAIKUTIN PA NYA AKO!!" si Aliya naman ang sumigaw

"Di ba? Nakakaluwag ng pakiramdam, tsaka wala naman tao rito malaya mong gawin ang gusto mo habang pinagmamasdan ang ganda ng paligid!" taas kilay na sabi ni Liam kay Aliya

"Tunay ka talagang kakaiba!" sambit ni Aliya sabay upo sa nilatag na kumot ni Liam

Umupo na rin si Liam sa tabi ni Aliya at sabay na pinagmasdan ang ganda ng paligid

"Aliya?" tawag pansin ni Liam

"Bakit?" tanong ni Aliya sabay harap kay Liam

"Totoo bang hindi mo talaga minahal si Mateo?" takang tanong ni Liam kay Aliya

"Totoo nyan, sa buong isang taon kong pananatili sa bahay na yun kasama siya, di ko talaga alam pero, oo kinilala ko siga bilang asawa ko pero simula nung nanaginip na ako ng para bang nasa ibang panahon o lugar ako, nag-umpisa na akong magtaka kung bakit yun ang mga pumapasok sa isip ko, tsaka kailanman di ko rin naman naramdaman sa kanya na mahal nya ako at ako di ko rin talaga naramdaman na masaya akong kasama sya!" di namalayan ni Aliya na naluha na pala siya at napansin agad siya ni Liam

"Masyado ka palang iyakin!" sabay pahid ni Liam ng luha ni Aliya

"Ngayon lang ng malaman kong niloloko ako ni Mateo, walang hiyang lalaking yun!" sambit ni Aliya sabay punas ng luha sa kanyang mga mata

"Mabuti pa ay kumain na muna tayo!" sambit ni Liam sabay abot ng tinapay kay Aliya

Matapos nilang kumain, nagmuni muni muna sila at bigla inilabas ni Aliya ang singsing at tinitigan ito..

"Mukhang seryoso kang tinititigan yang singsing?" tanong ni Liam kay Aliya

"Pakiramdam ko kasi mahalaga tong singsing na ito sa akin, di ko alam kung bakit pero ramdam kong importante sya sa akin.." sagot ni Aliya kay Liam

"Kasi sayo talaga yang singsing na iyan, nakita raw ni Elena suot suot mo yang singsing na yan nung dinala ka ni Mateo sa bahay nya" kwento ni Liam, tumingin sa kanya si Aliya

"Talaga?" tanong ni Aliya kay Liam

"Yun ang kwento ni Patricio suot suot mo daw yan nung dinala kang duguan ni Mateo sa bahay nya at palagay ko ay nakita ka rin ni Lolo Generoso dahil nung nakaraang taon nakita ni Lolo Generoso si Mateo na lumabas sa isang mahiwagang lagusan habang bitbit ang isang walang malay na dalaga na palagay ko ay ikaw yun, yun amg kwento sa akin ni Lolo!" sambit ni Liam kay Aliya

"Duguan ako nung dinala ni Mateo sa kanila?" tanong ni Aliya

"Yun ang kwento ni Patricio maging si Lolo Generoso!" sagot naman ni Liam

"Mukhang nagtatagpi tagpi na ang mga pangyayari.." sabay tingin muli ni Aliya sa singsing na hawak hawak nya

"Gusto mo bang suotin?" sambit ni Liam, tumingin muli si Aliya kay Liam

"Oh!" sabay bigay ni Aliya kay Liam ng singsing

"Bakit mo ibibigay sa akin?" takang tanong ni Liam

"Ikaw magsuot sa akin ng singsing na yan!" sambit ni Aliya, nagulat si Liam sa sinabi nito

"Sigurado ka?" tanong muli ni Liam

"Ayaw mo?" banta ni Aliya

"Ay hindi eto na nga po, amin na yang kamay mo!" kinuha ni Liam ang kaliwang kamay ni Aliya at dahan dahang isinuot ang singsing sa ring finger nito

"Oh ayan!! Kasyang kasya sayo di ba? sinukat oh!" sambit ni Liam habang pinagmamasdan ang singsing habang suot suot ni Aliya

Pinagmasdan rin ito ni Aliya habang suot nya ang singsing na ito

"Ang ganda nga ng singsing na ito at mukhang mamahalin!" sambit ni Aliya ngunit --

"Aliya bakit?" pag-aalalang tanong ni Liam at bigla na lang hinawakan ni Aliya ang ulo nya

"Aray!! Ang sakit!!" inda ni Aliya habang hawak hawak ang ulo nya

"Aliya!" sabay hawak ni Liam sa dalawang balikat ni Aliya para hindi ito matumba

Bigla na lang nawalan ng malay si Aliya..

"Aliya!!"

===================================

Next: Chapter 50

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now