Chapter 3

7 2 0
                                    

Matapos magsisigaw ni Liam dahil finally pumayag na si Aiyana na magpaligaw sa kanya..

"Liam, pwede wag OA?" biglang tumingin si Liam kay Aiyana, hinawakan nya ang mga kamay ng dalaga at tinignan nya ito sa mata

"Aiyana, thank you sa chance, promise ko sayo na seryoso ako sa intensyon ko sayo, I won't let you down at papatunayan ko sayo na karapat dapat rin ako sa pagmamahal mo.." ngiting sabi ni Liam

"Alam mo ikaw! Ang drama mo!" say ni Aiyana sabay hampas ng very light sa pisngi ni Liam

"Sabi ko na nga ba kailangan ko lang talaga i-risk ang buhay ko para mapapayag ka.." natatawang sabi ni Liam

"Ang lakas ng tama mo ah! Kahit na pumayag na akong magpaligaw sayo, madami dami ka pang exams na pagdadaanan no?" pagkaklaro ni Aiyana kay Liam

"Sus!! Sisiw lang yan kahit pagsibakin mo pa ako ng kahoy kaya yan!" taas kilay na sabi ni Liam

"Talaga lang ah? Tignan lang natin Mr. Liam Oliver Dela Cruz" this time si Aiyana naman ang nagtaas kilay sabay irap kay Liam

"Alam mo ang taray mo" biro ni Liam

"Kaya goodluck!" say ni Aiyana

Napaisip si Liam...

"Alam ko na ang gamot dyan sa katarayan mo eh?" say ni Liam sabay tingin sa taas

"At ano naman yan?" takang tanong ni Aiyana ng bigla na lang syang halikan sa pisngi ni Liam sabay takbo palayo dahil alam na ang susunod na mangyayari

"LIAM OLIVER DELA CRUZ!!!!!" sigaw ni Aiyana habang patuloy na hinahabol si Liam pababa ng third floor..

Paglipas ng tatlong buwan..

Kahit na parang aso't pusa ang ligawan nila Liam at Aiyana, naging maayos naman at talagang pinatuyan ni Liam na serious sya kay Aiyana na kahit ilang beses syang nahahampas nito dahil sa mga pasorpresang ganap nito sa kanyang panliligaw, dumating na ang araw ng pagtatapos

Graduation Hall..

Nasa labas na ng hallway ang mga estudyante nakapila suot ang kanilang togang itim, busy ng magpicturan si Leila at Cayla na kapwa gagraduate ng Engineer at si Aiyana naman ay Suma Cum Laude sa kanyang course...

Palinga linga si Aiyana tila may hinahanap..

"Girl? Kanina ka pa palinga linga dyan? Sino bang hanap mo?" takang tanong ni Leila kay Aiyana

"Lei, alaman na kung sino! Malamang hinahanap nyan si Liam ang kanyang masugid na manliligaw!" kinilig si Cayla ng banggitin iyon

"Mukhang fall na fall na tong friend natin sa Cum Laude ng course nila no? Biruin mo yun sa kabila ng pagiging pasaway ni Liam, biglang tumino at knowing him may utak naman talaga ang mokong na yun, napatino lang ni Aiyana dahil ayaw nya sa pasaway di ba girl?" si Leila naman ngayon ang nang-aasar kay Aiyana

"Magsitigil na nga kayo, malapit ng magstart ang graduation march eh" change topic ni Aiyana ng biglang may nagtakip ng mata nya

"Anak ng tokwa naman oo? sino naman tong ungas na to naglagay ng kamay sa mata ko?" tanong ni Aiyana, napangiti na lang sila Leila at Cayla..

"Hulalaan mo?" boses ng lalaki ang naririnig ni Aiyana

"Liam Oliver Dela Cruz, tanggalin mo mga kamay mo sa mata ko isa--" di na pinatapos ni Liam si Aiyana at agad nitong tinanggal ang kamay nya sa mga mata ni Aiyana

"Okay, surrender na ako okay?" say naman ni Liam, humarap si Aiyana kay Liam na pormang porma para sa graduation rights

"Good Boy Liam!" sabay ngiti ni Aiyana sa kanya

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now