Chapter 39

5 2 0
                                    

"Ano Mateo!? Masaya ka na nakuha mo ang nais mo!?" matapang na sagot ni Liam kay Mateo kahit na siya ay sugatan at nahihirapan

Lumuhod si Mateo at itiningala ang mukha ni Liam sa kanya..

"Alam mo!? Bilib rin ako sayo, sa lakas ng loob mong pumasok sa panahon to para ano!? Guluhin ang mapayapang buhay ko kasama ng babaeng minamahal ko!" gigil na sambit ni Mateo sa pagmumukha ni Liam

"Na sa tinging ko ay kailanman di ka nagawang mahalin dahil sa buong isang taon nyong pagsasama, minulat mo siya sa kasinungalingan!!!" sagot ni Liam pabalik kay Mateo, agad naman sinampal ni Mateo si Liam

"Hayop ka!! Wala kang karapatang sigawan ako dahil tandaan mo Liam wala ka sa panahon mo, nandito ka sa panahon ko, sa teritoryo ko!!" galit na galit na sambit ni Mateo kay Liam

"Alam mo!! Unang kita ko palang kay Aliya, alam kong siya si Aiyana!!! At di ko alam kung ano ang ginawa mo sa kanya hayop ka kung bakit di nya ako magawang maalala!!" gigil na gigil na rin si Liam at dahan dahan tumayo

"Aba!! At may gana ka pa talaga tumayo sa kabila ng galos na tinamo ah!!" agad na sinuntok ni Mateo si Liam, ngunit hindi ito natumba, bagkus dinura lang nya yung dugo dala ng suntok ni Mateo sa kanyang mukha

"Anong ginawa mo kay Aiyana!!? Hayop ka!!?" agad naman ginantihan ni Liam ng isang suntok si Mateo na ikinaurong nito

Agad naman hinawakan ng mga guwardiya sibil si Liam...

"Kita mo na Liam, hindi mo ako masasaktan dito, dahil ang mga guwardiya sibil ay nasunod sa akin!!" pagmamalaki ni Mateo sa harap ni Liam

Isang nakakatakot na tingin ang ginawad ni Liam kay Mateo..

"Oo nga pala, gusto mo di bang malaman kung anong ginawa ko kay Aiyana, simple lang!! Dahil sa tindi ng natamo nyang head injury dala ng aksidente nyo ay nawalan siya ng alaala sa mga pinagsamahan nyo kaya nung dinala ko siya rito wala na siyang maalala kaya binigyan ko siya ng panibagong pangalan, Maria Aliya Abelino y Flores, asawa ko!!!" pinagmukha ni Mateo kay Liam, lalong nanggigigil si Liam

"Hindi mo siya pag-aari Mateo!!! Hayop ka!! Sinamantala mo ang pagkawala ng alaala nya para sa pansariling interes mo!! " pilit na kumakawala si Liam sa pagkakahawak ng mga guwardiya sibil ngunit di niya magawa

"Marami ka pang di alam Liam, marami pa!!" sambit ni Mateo sabay ngisi

"Mga guwardiya sibil, dalhin yan sa luma naming bodega sa labas at igapos, marami pa akong dapata gawin sa hayop na yan!!" agad na hinila palabas ng mga guwardiya sibil si Liam palabas ng bahay at dinala sa lumang bodega para dun igapos

Sa Silid ni Aliya...

Iyak pa rin ng iyak si Aliya sa kanyang kama ng may narinig siya..

"Bitawan niyo ako mga hayop kayong sunud sunuran sa matapobreng lalaking yon!!"

Agad na sumilip si Aliya sa bintana at laking gulat nya..

"Liam!!!" sigaw ni Aliya ng makita nyang hinihila papuntang bodega si Liam malapit sa may silid ni Aliya

Sa labas ng bodega...

Napansin ni Liam na parang may nasigaw, tumingin siya at nakita nyang si Aliya yung nasigaw sa may bintana na nakakandado..

"Aliya!!!" naluluhang sambit ni Liam

"Huwag ka ngang magpumiglas pa!!" tinadyakan ng isang guwardiya si Liam na ikinawala ng malay nito

Sa Silid ni Aliya...

"Liam!!! Mga hayop kayo!!! Pakawalan nyo siya!!" sigaw pa rin ng sigaw si Aliya dahil nakita nyang nawalan ng malay si Liam dahil sa tadyak ng isang guwardiya sibil

Balik sa Bodega..

Tuluyan ng naigapos ng mga guwardiya sibil si Liam sa loob ng bodega at sinaraduhan ito..

Bumalik ang mga guwardiya sa loob..

"Senyor! naigapos na po namin ang prisonero sa iyong bodega!" ulat ng isang guwardiya sibil

"Bueno! Nais kong makita ng aking pasaway na asawa kung ano ang gagawin ko sa lalaking yan!!" sambit ni Mateo sa guwardiya sibil

"Tapos na po ang aming gawain, mauuna na po kaming umalis senyor!" sambit ng isang guwardiya sibil

"Sige, makakaalis na kayo, muchas gracias sa pagbalik sa akin asawa rito!" pasasalamat ng senyor

"Walang anuman senyor Abelino!" sambit ng pinuno ng guwardiya sibil at umalis na rin sila

Nagpasya ang senyor Mateo na bisitahin ang kanyang asawa sa kanyang silid...

Sa Silid ni Aliya...

Walang magawa si Aliya kung di ang umiyak dahil sa nakita nyang sitwasyon ni Liam ng dahil sa kanya...

Biglang pumasok si Mateo sa silid nito..

"Aking minamahal na -- " bago pa matapos ni Mateo ang kanyang sasabihin ay ginawaran siya ng isang malutong na sampal mula kay kay Aliya

"Wag mo akong matawag tawag na mahal dahil ang isang tulad mo ay di karapat dapat mahalin!!" nanginginig na sambit ni Aliya sa pagmumukha ni Mateo

Biglang hinawakan ni Mateo ang parehong  kamay ni Aliya..

"Bakit Aliya!? Sino ang mahal mo!? Yung lalaking yun na iilang araw mo palang nakilala!!? Ganun ba!!" galit na sumbat ni Mateo kay Aliya

"Kaibigan ko si Liam!! Siya lang ang nagtrato sa akin na kung ano ako bilang babae, hinayaan nya akong maging ako!! Di katulad mo na kinokontrol ang buhay ko!!" sagot ni Aliya kay Mateo

"Ako lang ang dapat mong pag-alayan ng atensyon Aliya!!! Ako lang dahil ako ang asawa mo, naiintindihan mo ba yun!! Hah!!" hinawakan ni Mateo sa mukha si Aliya para tignan siya sa mata..

"Buong isang taon kong di na naramdaman na asawa talaga kita!!! Kung asawa nga ba talaga kitang hayop ka!!!" matapang na sagot ni Aliya kay Mateo

"Dahil sa lalaking yun!! Nagawa mo na akong sagutin ng ganyan!!" sabay itinira ni Mateo si Aliya sa kanyang kama

"Kulang pa ang mga salitang yan sa kahayupan ginawa mo kay Elena!!!!" sumbat ni Aliya kay Mateo at napatigil ang senyor

"Papaano mo--" bago pa makapagsalita muli si Mateo

"Hindi na mahalaga kung papaano ko nalaman!! Hayop ka!! Ka-inosenteng tao ni Elena pinatay mo!!! Walanghiya ka!" napaatras si Mateo sa mga winika ni Aliya sa kanya

"Kung yan ang tingin mo sa akin, bueno!! Ipapakita ko sayo kung papaano ko pahirapan ang lalaking nagbigay ng lakas ng loob sayong maging ganyan!! Makikita mo!!" huling sambit ni Mateo at kinandado nya muli ang silid ni Aliya..

Ramdam ni Aliya ang takot sa kabila ng tapang na ipinakita niya kay Mateo, ngunit nangangamba siya sa pwedeng gawin ni Mateo kay Liam..

====================================

Next: Chapter 40

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now