Chapter 23

8 2 0
                                    

Nagpatuloy sa paglalakad sa kagubatan ng Santa Cecilia si Liam habang pasan pasan si Aliya na natapilok ang kanang paa..

"Malayo pa ba?" reklamo ni Aliya

"Malapit na tayo pwede tahimik ka na lang dyan!" sermon ni Liam kay Aliya

"Di ko ba alam bakit ba sumama pa ako sayo eh!" naiiritang sabi ni Aliya

"Ano ba? Pwede bang wag kang malikot dyan, baka gumulong tayo pareho eh kapag di ka tumigil kakamaktol mo dyan sa likod ko!" this time si Liam na nagreklamo

"Ano bang kamalasan tong pinasok ko!?" di na talaga tumigil kakareklamo si Aliya

"Nakikita ko na ang bahay ng lolo Generoso ko kaya ikaw, tumigil ka na kakalikot dyan, pasalamat ka di ka gaano kabigat pasanin noh!!" sambit ni Liam

Ilang minuto pa ang lumipas, nakarating na sila Liam at Aliya sa munting kubo ni Lolo Generoso, napansin agad sila ng matanda at nilapitan sila

"Apo, anong nangyari sa kanya?" takang tanong ni Lolo Generoso

"Lo, marunong po ba kayo maghilot?" tanong ni Liam kay Lolo Generoso, nakapasan pa rin sa kanya si Aliya

"Oo apo! Natapilok ba ang binibini?" tanong ni Lolo Generoso

"Opo eh, habang papaakyat po kami papunta rito!" sambit ni Liam sa matanda

"Bueno, ipasok mo na muna ang binibini ng mahilot ang kanyang paa!" dahan dahan pumasok si Liam pasan pasan si Aliya

Dahan dahan iniupo ni Liam sa papag si Aliya...

"Dahan dahan naman!" sambit ni Aliya

"Eto na po oh!!" say naman ni Liam

Tinignan ng matanda ang kanan paa ni Aliya..

"Mabuti na lang apo at naidala mo sya agad rito, makakaya pa ito ng hilot!" sinimulan na ng matanda hilutin ang paa ni Aliya

"Masyado po kasing magaslaw kaya ayan po napapalala nya!" say ni Liam, tinitigan sya ng matalim ni Aliya

"Oh baka saan pa mapunta yang gingawa nyong dalawa!" saway ng matanda kay Aliya at Liam

Natapos na rin ni Lolo Generoso ang paghilot sa paa ni Aliya

"Salamat po!" sambit ni Aliya sa matanda

"Wala yun iha, buti na lang at nadala ka dito ni Liam para mahilot ko iyan!" sambit ni Lolo Generoso

"Ano nyo po ba tong si Liam?" takang tanong ni Aliya

"Apo sa talampaka na iha!" sambit ni Lolo Generoso, nanlaki ang mata ni Aliya

"Po!!? Apo sa talampakan, paano po nangyari yun? Hindi po halata sa inyong edad na apo sa talampakan nyo po itong isang ito!" sambit ni Aliya kay Lolo Generoso

"Hindi talaga iha, dahil hindi naman ito ang mundo ni Liam, nanggaling sya sa makabagong mundo!" kwento ni Lolo Generoso

"Makabagong mundo?" takang tanong ni Aliya ng magsalita si Liam

"Okay na ba yang paa mo?" chnage topic ni Liam

"Medyo!" sagot ni Aliya

"Tutal naman nandito na tayo, sulitin mo na ang lamiyerda mo, tara sa labas?" sabay offer ni Liam ng kamay nya kay Aliya

"Anong meron sa labas?" takang tanong ni Aliya

"Gusto mo di ba makita ang tunay na ganda ng Santa Cecilia? Tara?" say ni Liam

Hinawakan na ni Aliya ang kamay ni Liam at dahan dahan na tumayo..

"Aray!" medyo inda ni Aliya

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now