Epilogue

11 2 0
                                    

5 years later...

Nasa isang bahay bakasyunan sa Laguna ang buong pamilya ni Aiyana at Liam para maghanda sa kaarawan ng kanilang unico hijo na si Aidan Louis..

Naghahanda na ang buong pamilya, kanya kanyang toka ang bawat  miyembro...

"Biruin mo yan limang taon na si Aidan para kailan lang sobrang excited tayo nung nalaman natin na buntis na si Aiyana sa kanilang panganay ni Liam ngayon, napakakulit na!" sambit ni Lea kay Lanie habang nagluluto ng isang putahe handa sa birthday ng kanilang apo

"Di rin ako makapaniwala na limang taon na tayong lola kay Aidan, grabe kay bilis ng panahon!" sambit naman ni Lanie kay Lea

Habang busy ang mga lola ni Aidan sa pagluluto, nag-aayos naman ng set up sa party room si Claire kasama ang mga colleges ni Aiyana na si Nadine, Colleen at ang mga kababata nito na si Leila at Cayla na pawang may kanya kanyang pamilya na rin..

"Talaga ang tita Claire, very hands on sa set up ng party room para sa kanyang pamangkin, ikaw na ang the best tita ninang!" kantsaw ni Nadine kay Claire

"Kailangan eh, alam mo naman love na love ko yung pamangkin kong yun kahit na puro kalmot at sabunot ang napala ko sa batang yun!" masayang sambit ni Claire habang abala sa mga final touch up ng party room

"Ganun talaga pag bata, masanay ka na, tsaka ikaw rin naman ang dakilang titang ina sa batang yun kapag parehong nasa trabaho si Liam at Aiyana!" si Colleen naman ang nagsalita habang natulong rin sa pag-aayos sa party room..

"Masasanay rin ako, tsaka malapit ko na naman ibalik si Aidan sa mga magulang nya dahil malapit na rin naman akong ikasal eh!" pagmamalaki ni Claire

"Oo nga naman! congrats sayo at kay Lennard ah!" si Leila naman

"Salamat! Tignan mo nga naman fours lang kami ni Lennard niyaya na nya agad ako magpakasal!" sambit ni Claire

"Ganun talaga pag mahal ka ng guy, di na pinatatagal pa!" sambit naman ni Cayla

Patuloy na nag-aasar ang mga girls sa loob ng party room...

Meanwhile...

Tahimik na nakatanaw si Liam sa kanyang mag-ina na masayang naghahabulan sa tabing dagat..

"Nasasanay na ba?" napatingin si Liam sa kanyang likuran dahil nandun ang kanyang ama

"Dad? Kayo po pala?" sambit ni Liam, tinabihan ni Leo si Liam sa bench habang pinagmamasdan si Aiyana at Aidan

"How's being a husband and a dad to Aiyana at Aidan?" simpleng tanong ni Leo a kanyang panganay

"Okay naman po dad, pareho naman po kaming hands on ni Aiyana kay Aidan, pero madalas naiiwan namin sya kay Claire gawa ng duty namin laging magkasabay!" sambit ni Liam sa kanyang ama

"Okay lang yun anak, dumadaan talaga sa point na kailangan ipaalaga mo muna ang anak mo para makapagtrabaho kayo pareho ni Aiyana, pero atleast kahit papaano kapag off duty naman kayo nabibigyan nyo ng time pareho ang anak nyo!" payo ni Leo kay Liam

"Ang bilis nga ng panahon dad, limang taon na ngayon si Aidan, para kailan lang excited pa kayo nila mama at tita Lea nung nalaman nyong buntis na si Aiyana sa panganay namin, ang una nyong apo!" masayang sambit ni Liam kay Leo

"Mabilis talaga ang panahon anak, kami naman ngayon ang lolo at lola at kayo naman ngayon ay mga magulang na!" sambit ni Leo kay Liam

"Thanks dad sa lahat ng payo at pag-aalaga!" pasasalamat ni Liam sa dad nya

"No worries anak! Its our responsibility to teach good things to our child and that is I want you to do for Aidan, para lumaki siyang may takot sa Diyos at masunuring bata!" sambit ni Leo kay Liam

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now