Chapter 59

11 2 0
                                    

Morning..

10am in the morning...

Bumalik sa kwarto si Aiyana matapos bayaran ang hospital bills ni Liam, pagpasok nya ay tanggal na ang suwero at nakagayak na si Liam..

"Excited umuwi yarn?" ngiting sambit ni Aiyana kay Liam

"Naman! Its been five days in the present time na nawalay ako sa parents ko at sa sister ko, its time to reconcile with them!" masayang sambit ni Liam kay Aiyana

"Well, it is also time for me to get back to my mom and lola Alicia, kung limang araw sayo, mas matagal sa akin isang buwan mahigit!" paliwanag ni Aiyana

Nilapitan ni Liam si Aiyana and hold her hand and look at her eyes..

"Together, we will explain everything to them okay? Di naman pwedeng pabayaan kita mag explain, we will both explain to them what really happen and I know they will understand, okay?" assurance ni Liam kay Aiyana

"Talagang ayaw mo na talagamg humiwalay sa akin no? Pati pag-eexplain kailan sabay tayo? Ganon?" natatawang sambit ni Aiyana kay Liam, Liam just chuckled and hug Aiyana

"Talagang talaga!" sambit ni Liam habang yakap yakap si Aiyana

"Asus! Tara na nga umuwi!" sabay kalas ni Aiyana sa yakap

"Lets go and face reality once again!" sabay na lumabas si Liam at Aiyana sa kwarto hand in hand

Meanwhile...

Abala sa pag-aayos ng bahay si Lea, di nya malamam kung bakit naisipan nyang mag-ayos ng bahay habang nagluluto naman ng pananghalian si Lola Alicia ng biglang may nag doorbell..

Binuksan agad ni Lea ang pinto at laking gulat nya ito ay walang iba kung di si --

"Aiyana? Anak?" sambit ni Lea na gulat na gulat

"Ma, nandito na ako, buhay po ako!" naluluhang sambit ni Aiyana sa kanyang ina ng sumabata si Liam sa likuran ni Aiyana

"Tita, gaya ng pangako ko po sa inyo, ibabalik ko po sa inyo si Aiyana, eto na po sya buhay na buhay!" sabay hawak ni Liam sa balikat ni Aiyana, tumingin sa kanya si Aiyana at ngitian siya nito sabay tingin muli kay Lea

"Aiyana!!!" niyakap ng mahigpit ni Lea ang kanyang unica hija

"Ma, namiss po kita sobra!" naiyak na sambit ni Aiyana

"Kung alam mo lang anak kung gaano ako nalungkot nung nawala ka sa aksidente, di ko alam ang gagawin ko kung tuluyan ka na talagang nawala sa akin!" naiyak na rin si Lea dahil finally after a month long, nayakap nya muli ang kanyang anak

Kumalas sa yakap ang dalawa..

"Sorry ma kung pinag-alala kita ng sobra!" patuloy pa rin natulo ang luha sa mga mata ni Aiyana

"Oh, wag na umiyak anak, tahan na, di mo kasalanan ang lahat at alam kong di mo ginusto yun okay? Tahan na anak ko!" sabay punas ni Lea ng luha ni Aiyana sa kanyang pisngi

"I love you ma!" sambit ni Aiyana sa mama nya

"Mas mahal kita anak!" tugon naman ni Lea sa sinambit ng kanyang anak

Lumabas si Lola Alicia mula sa kusina at nakita ang reunion ng mag-ina..

"Maligayang pagbabalik Aiyana apo!" sambit ni Lola Alicia, tumingin si Aiyana, Liam at Lea kay Lola Alicia

"Salamat po lola!" nilapitan ni Aiyana si Lola Alicia at niyakap ng mahigpit ang kanyang lola

"Masaya akong mabuti ang iyong kalagayan!" masayang sambit ni Lola Alicia kay Aiyana, kumalas si Aiyana sa yakap ang binigyan ng isang ngiti si Lola Alicia

Dela Cruz Residents...

Naghahanda na sila Lanie kumain ng lunch ng may nag doorbell..

"Ako na magbubukas!" sambit ni Lanie sabay tayo sa upuan

Pagbukas ni Lanie ng pinto ay bumungad sa kanya si --

"Liam anak?" gulat na sambit ni Lanie

"Ma, ako po ito, si Liam!" sambit ni Liam

"Anak ko!!" niyakap ni Lanie si Liam ng mahigpit

"Ma, namiss ko po kayo!" si Liam habang yakap yakap ang mama nya

Kumalas sa yakap ang dalawa..

"Anak! Saan ka ba nanggaling, anong nangyari sayo? Limang araw kang di man lang tumawag o nag text man lang!" sambit ni Lanie kay Liam

Habang nag-uusap ang mag-ina, lumabas si Leo at Claire..

"Liam?" sambit ni Leo

"Ako nga po dad!" bati ni Liam sa Daddy nya

"Kuya!" niyakap bigla ni Claire si Liam

"Namiss rin kita Claire!" sambit ni Liam, kumalas si Claire sa yakap at --

"Aray! Bakit may paghampas?" sambit ni Liam after mahampas ni Claire sa braso

"Wala kang paramdam ka ah! Worried kami sayo!" sambit ni Claire sa kuya nya

"Sorry na! Natagalan lang sa pagbalik, pero wag naman manghampas may sugat pa ako sa braso ko oh!" sabay pakita ni Liam ng benda sa may braso nya

"Nangyari sayo kuya bakit may tama ka?" tanong ni Claire

"Oo nga naman anak? Saan nangyari yan?" tanong rin ni Lanie sa kanyang anak

"Bago ko po kayo sagutin dyan, Mission Accomplished po ako Ma, Dada, Claire" masayang sambit ni Liam sa parents nya at kay Claire, nagtaka sila sa sinabi ni Liam

"Mission Accomplished? Saan naman anak?" tanong ni Leo kay Liam

Sinenyasan ni Liam si Aiyana na pumasok, lumabas si Aiyana kasama ang mama nya at si Lola Alicia, laking gulat nila Claire at ng parents ni Liam..

"Got it!" tanging sambit ni Claire at ngumiti lang siya kay Liam, Aiyana at sa parents niya

"Claire?" si Lanie

"Ma, Daddy, Mission accomplished nga talaga si Kuya dahil ayan na si Aiyana, nakita na nya si Aiyana after one month mahigit, that was what Kuya means, mission accomplished on finding his lost Princess!" sambit ni Claire sa lahat, nangiti na lang si Aiyana at Liam

"Pumasok muna kaya tayong lahat?" suggest ni Leo, at nagsipasok muna silang lahat umupo sa sala

"Lanie, pasensya kana sa inasal ko sayo nung nakaraan buwan, sinisi ko pa ang anak mo sa pagkawala ng anak ko, pasensya na talaga hah?" sambit ni Lea kay Lanie

"Tapos na yun Lea, ang mahalaga bumalik na sa atin ang mga anak natin" sambit naman pabalik ni Lanie kay Lea

"Oo nga pala ano  bang nangyari at saan mo natagpuan si Aiyana, Liam?" biglang tanong ni Leo kay Liam, nagkatinginan si Liam at Aiyana 

"Sa Year 1884" sabay na sambit ni Liam at Aiyana

Nanlaki ang mga mata ni Lea, ang parents ni Liam at si Claire, ngumiti lang si Lola Alicia sa sinambit ng dalawa..

"Liam, Aiyana! Ano klaseng kalokohan naman ang pinagsasabi nyo ah? " seryosong tanong ni Leo sa dalawa

"Seryoso po kami dad, sa year 1884 ko po natagpuan si Aiyana!" sambit ni Liam sa daddy nya

"Leo, Lanie, Lea, Claire apo, nangyari makinig kayo mabuti sa paliwanag ni Liam at Aiyana!" nagsalita na si Lola Alicia

"Siguraduhin mo lang Liam na hindi kalokohan ang pinagsasabi mo ah, tuloy.." sambit ni Leo

"Ganito po kasi yun!" inumpisahan ni Liam

==================================================================

Next: Chapter 60 (Last Chapter then the Epilogue)

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now