Chapter 26

6 2 0
                                    

"Paanong misteryoso?" tanong ni Liam kay Patricio

"Ginoo, sasabihin ko po sa inyo kasi pakiramdam ko pong mapagkakatiwalaan naman po kayo di ba?" sambi ni Patricio

"Makakaasa ka --" napatigil si Liam dahil di pa nya gaano kakilala si Patricio

"Patricio po Ginoo--" sambit ni Patricio

"Liam na lang, naaasiwa ako sa Ginoo eh, tsaka di naman ako dapat kilalaning Ginoo pare pareho lang naman tayo ng estado sa buhay, pare-pareho tayong tao na dapat pantay pantay ang tingin sa isa't isa  kaya, Liam na lang, Patricio!" kindat ni Liam kay Patricio

"Sige po, Liam na lang!" natatawang sambit ni Patricio kay Liam

"Bakit ka naman natatawa?" takang tanong ni Liam kay Patricio

"Naaalala ko po kasi sa inyo si Senyorita Aliya, ganya rin po sya nung una namin syang nakasama sa bahay na ito!" pagkukwento ni Patricio

"Bakit gaano katagal na ba si Aliya sa inyo?" tanong ni Liam, curious lang

"Magdadalawang taon pa lang Liam, ang totoo nya ay bigla na lang sya dinala ni Senyor Mateo dito sa bahay noon, duguan at walang malay noon si Senyorita Aliya nung panahon iyon, ginamot lang po sya ni Senyor Mateo, tapos nung nagising na po si Senyorita Aliya, para po bang wala syang maalala sa nakaraan nya, sa atin lang ito Liam!" sambit ni Patricio at sumang-ayon naman si Liam dito

"Noong una parang kilala na talaga ng senyor si Senyorita Aliya, pero nung nagtanong ang senyorita kung anong ngalan nya ay Maria Aliya Ablelino y Flores ang sinabi ni Senyor Mateo, noong una medyo nagtaka si Senyorita Aliya, pero di na rin sya nagprotesta.." pagpapatuloy ng kwento ni Patricio kay Liam

"Ibig sabihin ang pinupunto po ay nawalan ng alaala si Aliya, ganun ba?" sambit ni Liam

"Mukhang ganun nga ang aming hinala ni Elena, dahil sasabihin ko po sa inyo ang totoo, nagkaroon po ng unang asawa si Senyor Mateo bago po dumating ang senyorita, medyo matangkad po ng kaunti ang unang asawa po ng senyor tapos may pagkamorena po ang itsura.." patuloy na nagkukwento si Patricio kay Liam

"Hindi kaya yung nurse na tinutukoy ni Colleen yung sinasabi nito?" tanong ni Liam sa kanyang isipan

"Sandali? Alam ba ito ni Aliya? Na may unanf asawa tong senyor Mateo nyo?" tanong ni Liam kay Patricio

"Hindi, walang kaalam alam ang senyorita  sa nakaraan ng senyor, nakakagulat nga at di kailanman nalaman ito ng senyorita.." sambit ni Patricio

"Ano bang nangyari sa babae?" tanong ni Liam

"Namatay ang babae sa kamay ng senyor!" tugon ni Patricio na may halong lungkot at takot sa kanyang mga mukha

"Pa--paano? Anong ginawa?" tanong ni Liam kay Patricio

"Mabilis magsawa at magalit ang senyor, kapag di sinunod ng babae ang gusto nya ay napapagbuhatan nya ito ng kamay, minsan po may latigong dala ang senyor, nakakaawa po yung unang asawa, lumisan po sya sa mundo hindi kailanman naging mundo nya!" malungkot na aambit ni Patricio kay Liam

"Napakalupit naman pala ng amo nyong yan, kaya di na ako magtataka na naging malamlam na ang tingin ni Aliya sa kanya!" sambit ni Liam kay Patricio

"Liam, tungkol pala kay Senyorita Aliya, tuluyan na po syang ikinulong ni senyor Mateo sa kanyang silid at ginusto naman po iyon ng senyorita!" sagot ni Patricio

"Ano!? Ikinulong ni Mateo si Aliya sa kwarto nito?" naiinis na tanong ni Liam

"Opo, sinagot sagot na ng senyorita ang senyor, ramdam ko pong di na kaya ng senyorita ang ugali senyor Mateo, yung bigla bigla na lang magagalit at pagiging mainitin ng ulo ng senyor, napakatapang na babae po ng senyorita at di sya nagpatinag sa galit ng senyor, nakakabilib nga ang senyorita, di sya natatakot sa galit ng senyor bagkus sinasagot sagot pa nga nya ito.." sambit ni Patricio

"Kailan pa sya ikinulong?" tanong ni Liam

"Kanina lang po pagkadating ng senyor, nagsigawan pa po sila kanina pero di talaga nakinig ang senyorita na lalong ikinagalit ng senyor, kaya ngayon ay nakapiit ngayon ang senyorita sa loob ng kanyang silid!" kwento ni Patricio at di na nagdalawang isip si Liam at tumakbo na sya papasok ng mansyon ng Abelino

"Liam., delikado ang gagawin mo?" sigaw ni Patricio ngunit di nakinig si Liam at deretso syamg tumakbo kung saan ang bintana ng senyorita

Sa may labas ng bintana ni Aliya...

Dumungaw si Liam sa bintana ni Aliya, nakita nya tong nakaupo sa kanyang higaan at tila ba ay nahikbi..

"Aliya?" mahinang sabi ni Liam at agad na lumingon si Aliya at lumapit sa bintana at binuksan ito

"Aliya, anong problema?" sumampa si Liam sa may pasilyo ng bintana para makapasok at bumungad ang namumugtong mata ni Aliya

"Liam! Di ko na kaya dito, nasasakal na ako, di ko alam kung asawa ko ba talaga ang lalaking yun, di ko na talaga kaya!" bigla na lang napayakap si Aliya kay Liam, agad naman itong niyakap pabalik ng binata

"Tahan na Aliya, kumalma ka lang, nandito ako hah? Okay kalma ka lang!" sambit ni Liam habang hinihimas ang likod ni Aliya na nahikbi pa rin

Matapos ang ilang minuto, kumalas na sa yakap si Aliya..

"Nakwento sa akin ni Patricio na ikinulong ka na nga dito sa iyong silid at matapang mo syang sinagot ganun ba?" tanong ni Liam kay Aliya at sumang-ayon ito

"Di ko alam kung bakit nagagawa ko na yun sa kanya, di ko na makaya ang ugali nya, sobrang higpit nya ni hindi nya ako magawang payagan lumabas kaya naiisipan ko na lang tumakas kaysa malaman pa nya, habang tumatagal ang pagsasama namin untin unti kong nakikita ang tunay nyang ugali, talagang paninindigan nyang huwag akong palabasin sa kwartong to at wag pakainin, Liam! Di na sya ang Mateo kilala ko, siya na yung taong kinatatakutan kong makaharap kahit na sinagot sagot ko siya kanina, alam kong iba magalit yun!" paglalahad ni Aliya ng ginawa sa kanya ni Mateo

"Anong gusto mong gawin ko? Unahan ko na ang Mateo yun? Sabihin mo lang at haharapin ko sya!" akmang susugod na si Liam kay Mateo ngunit pinigilan na siya agad ni Aliya

"Wag mong gagawin yun Liam, parang awa mo na!" pagsusumamo ni Aliya sa kaibigan

"Aliya, hindi kita hahayaan makulong na lang dito hanggang gusto ng lalaki yun!!!" sagot ni Liam

"Liam, gusto ko ng makaalis dito tulungan mo akong makatakas dito!" sabay hawak ni Aliya ng braso ni Liam

"Aliya, sigurado ka?" pag-aalinlangan tanong ni Liam

"Sigurado ako, di ko na kaya dito! Doon muna ako sa bahay ng lolo mo, Liam please!!" nabigla na naman si Liam sa ibang salitang sinambit ni Aliya

"Aliya? Ingles ang sinabi mo kanina? Please?" tanong ni Liam

"Liam mamaya na tayo magkwentuhan tungkol doon, ano tutulungan mo ba akong makatakas?" tanong muli ni Aliya kay Liam

==================================

Next: Chapter 27

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now