Chapter 51

8 2 0
                                    

"Anong ibig sabihin mo apo?"

Ngumiti si Aiyana kay Lola Amelia..

"Upo muna kayo lola Amelia" yaya ni Liam at nagsiupo muna sila sa may sala

Nang makaupo na sila, nagtataka pa rin si Lola Amelia at Lolo Generoso ng umupo si Aiyana at Liam na magkahawak kamay..

"Apo? Tila yata may bago sa inyong kinikilos mayroon ba kaming di nalalaman na kayo lang nakakaalam?" usisa ni Lolo Generoso kay Liam at Aiyana

"Bago ko po sabihin sa inyo, mabuting siya po muna ang  magsalita" turo ni Liam kay Aiyana

"Ano ba yung ibig sabihin mo apo sa sinabi mo kanina?" tanong ni Lola Amelia

"Lola Amelia, Lolo Generoso, maliwanag na po sa akin lahat, sa wakas! Bumalik na po ang alaala ko, kung sino po talaga ako!" masayang sambit ni Aiyana sa dalawang matanda, nanlaki ang mga mata nito

"Tunay ba apo? Nagbalik na ang alaala mo?" tanong ni Lolo Generoso kay Aiyana

"Opo lolo Generoso! Nagbalik na po, malinaw na malinaw pa po sa sinag ng araw at sa wakas naalala ko na si Liam!" sambit ni Aiyana sabay tingin kay Liam, nginitian naman siya ni Liam

"Ibig sabihin apo alam mo na rin na --" di na pinatapos ni Aiyana si Lola Amelia

"Na apo nyo po ako sa talampakan, dahil apo nyo po si Lola Alicia ang nanay ng tatay ko po! Opo, naikwento po kayo sa akin ni Lola Alicia nung bata pa po ako! Napakabait nyo nga raw pong lola sabi niya!" sambit ni Aiyana kay Lola Amelia

"Talaga? Naikwento sa iyo ni Lola Alicia ang tungkol kay Lola Amelia?" takang tanong ni Liam kay Aiyana

"Ano sa tingin mo? Syempre lola ko yun!" sambit ni Aiyana kay Liam, napakamot na lang ng ulo si Liam

Hindi maitago ang saya sa mukha ni Lola Amelia ng sambitin ni Aiyana ang tungkol sa kanya at kung paano siya ipinakilala ni Lola Alicia kay Aiyana

"Magandang balita yan apo! Edi labis ang saya ni Liam kung ganoon?" sambit ni Lolo Generoso kay Aiyana

"Kung alam nyo lang po lo na --" bago pa sabihin ni Liam ang mga nangyari ay tinakpan na ni Aiyana ang bibig nito

"Halos maiyak sa tuwa si Liam na nagbalik na ang mga alaala ko!" sambit ni Aiyana sabay alis ng kamay nya sa bibig ni Liam

"Grabe ah! Kung makapangtakip ng bibig ah!" reklamo ni Liam kay Aiyana

Habang nagkukwentuhan silang apat ay napansin ni Lola Amelia ang suot suot na singsing ni Aiyana..

"Aiyana apo?" tawag pansin ni Lola Amelia kay Aiyana

"Po? Bakit po lola?" sambit ni Aiyana

"Pamilyar sa aking yang singsing na iyan? Saan mo nakuha yan?" tanong ni Lola Amelia kay Aiyana

"Ah etong singsing po ito lola ang naging daan para maalala ko po lahat kung sino po talaga ako, tsaka ito ring po yung engagement ring na ibinigay sa akin ni Liam bago mangyari ang aksidente.." kwento ni Aiyana kay Lola Amelia at Lolo Generoso

"Engagement ring?" takang tanong ng dalawang matanda

"Lola yan po yung singsing na ikinuwento ko po sa inyo kahapon.." sagot naman ni Liam

"Ibig sabihin --" di na pinatapos ni Liam si Lola Amelia

"Siyang tunay po lola, yan po ang singsing na ilang henerasyon na po ang dumaan at ang singsing na ibinigay sa inyo ng iyong asawa bago po kayo ikasal, yan rin po yun, ang singsing na ibinigay ko kay Aiyana bago kami ikasal yun po ibig sabihin ng engagement ring!" paliwanag ni Liam kay Lola Amelia

"Generation ring ito?" takang tanong ni Aiyana kay Liam

"Oo, galing kasi yan sa mama mo nung araw na nagpaalam ako sa kanya at sa lola Alicia mo na yayayain na kitang  magpakasal, dapat kapag ikinasal na tayo saka ko sasabihin sa iyo pero nasabi ko na, ano pa at itago ko edi sabihin ko ang tunay na kwento ng singsing na iyan!" sambit ni Liam kay Aiyana

"So? Ano ang kwento? Nang marinig na rin ng lolo Generoso mo at ni Lola Amelia!" sambit ni Aiyana kay Liam

"Ayun na nga, bali pang limang henerasyon na ang singsing na yan, grabe nga nakaabot pa sa atin yang singsing na iyan, nung araw na rin na iyon gaya ng nakwento ko kay Lola Amelia kahapon, ikinuwento sa akin ni Lola Alicia na ang singsing na iyan ay kay Lola Amelia talaga na ibinigay sa kanya ng asawa niya, ipinamana ni Lola Amelia ito sa anak nya then sa Lolo mo at yun rin ang ibinigay ni Lola Alicia kay Tito Anton, syempre as engagement ring na rin kay mama mo kay Tita Lea, since babae ang anak ni Tita Lea at Tito Anton, kaya sa akin ibinigay ni Tita ang singsing na iyan!" kwento ni Liam kay Aiyana

"Bakit di kinuwento ni Mama yan sa akin?" napakunot ng noo si Aiyana

"Babae ka kasi, ayaw kasi masira ni Tita ang trandisyon ng pamilya nyo kaya di nya ikinuwento sa iyo!" paliwanag naman ni Liam

"Ang daya naman!" napacross arm si Aiyana

"Apo wag ng magtampo pa, ganun talaga ang naging tradisyon ng pamilya ang ganyan, kapag may lalaki sa pamilya kapag ito ay nakahanap na ng nobya at siguradong yun na ang gusto nilang makasama habangbuhay ay ibinibigay sa kanila ang singsing upang ito ang maging 'engagement ring' na tinatawag niyo sa makabagong panahon, at kung babae naman ang anak sa pamilya ay hihintayin muna itong magkaroon ng nobyo at kapag sigurado na ang babaeng anak sa lalaking kanyang iniibig at kapag nagpasya na ang nobyo nitong magpakasal ay doon ibibigay ng ina ng babae ang singsing na ngayon nasa iyo na, yun ang tradisyon ng pamilya natin, di nga ako makapaniwala na aabot ito sa henerasyon nyo eh!" sambit ni Lola Amelia kay Aiyana

"Ganon po pala!" naliwanagan na si Aiyana tungkol sa kwento ng singsing na ito

"Oo apo! Kaya wag mo ng sungitan si Liam apo, baka kapag makasal na kayo ay magmana sa iyo ang kaapo apuhan ko na masungit!" biro ni Lola Amelia, natawa naman si Liam sa sinabi ng matanda

Tinitigan ng matalim ni Aiyana si Liam at natahimik ito..

Tinawanan na lang ng dalawang matanda ang itsura nila Liam at Aiyana..

====================================

Next: Chapter 52

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now