Chapter 40

6 2 0
                                    

Kinabukasan...

Nagising si Aliya sa sinag ng araw na pumasok sa kanyang bintana, pagkamulat nya ng kanyang mga mata..

"Nandito pa rin ako sa kulungan to!" sambit ni Aliya at nagpasya na lang syang bumangon, naisipan nyang sumilip sa bintana upang makita ang sitwasyon ni Liam sa lumang bodega

"Kumusta na kaya si Liam?" pag-aalalang sambit ni Aliya

Ilang minuto pa ang lumipas na nakatanaw si Aliya sa bintana ng biglang magbukas ang pintuan ng kanyang silid, lumingon siya at tumambad amg pagmumukha ni Mateo na may dalang agahan para sa kanya..

"Magandang umaga mahal ko, eto ang agahan mo para naman kahit papaano makakain ka ng magkaroon ng laman ang iyong sikmura" sabay lapag pagkain sa may mesa

"Wala akong ganang kumain!" sambit ni Aliya habang nakasilip pa rin sa bintana

"Ano pa bang gusto mo Aliya?" reklamo.
ni Mateo

"Ang makalaya sa impiyernong bahay na to!" sagot ni Aliya kay Mateo

"Para ano!? Makasama mo yang Liam yan!!?" gigil na naman si Mateo

Nanatiling tahimik si Aliya nakatanaw sa may bintana..

"Sabihin mo sa akin Aliya!!" sigaw ni Mateo

Humarap si Aliya sa kanya ng may matalim na tingin

"Alam ko ang mga ganyang klaseng tingin Aliya, talagang hinahamon mo ako ngayon, bueno!! Ilabas ang bihag mula sa bodega at ipapakita natin sa mahal kong asawa kung ano ang gagawin ko kay Liam!?" ngumisi si Mateo at agad na inilabas ng mga tauhan ni Mateo si Liam mula sa bodega at dinala sa silid ni Aliya

Ilang minuto ang lumipas, inihagis ng mga tauhan ni Mateo si Liam sa harapan ni Aliya na puro galos at pasa..

Napaupo si Aliya sa sahig ng makita ang sitwasyon ni Liam

Tumingin si Liam kay Aliya at binigyan ito ng maliit na ngiti..

"Liam.." sambit ni Aliya

"Aliya, mabuti at maayos ang lagay mo.." mahinang sabi ni Liam sa kanya

"Ngayon Aliya! Masasaksihan mo kung papaano ko pahirapan ang lalaking to!"  pagkasambit ni Mateo ay agad na inapakan si Liam mula sa likuran

"Mateo wag!!!" muling umagos ang luha sa mga mata ni Aliya

"Aliya, wag kang umiyak, kaya ko to!" pagbibigay ni Liam ng pag-asa kay Aliya na makakaya nya ang lahat ng ito

"Hindi Liam! Mateo!! Itigil mo na to!!" pagmamakaawa ni Aliya, at binigyan naman ni Mateo si Liam ng isang tadyak sa sikmura na ikinabaligtad nito

"Liam!!!! Mateo itigil mo na ito por pabor!!!" di na tumigil ang pagluha ni Aliya sa nakikita nya

Patuloy pa rin sa pagtadyak at pagsipa si Mateo kay Liam hanggang sa --

"Senyor itigil nyo na ho iyan!!" napatigil si Mateo sa pagsipa at pagtadyak kay Liam ng marinig nya ang boses ni --

"Patricio, wag kang makikialam dito, sinasabi ko sayo!" banta ni Mateo kay Patricio

"Senyor labis na ang pagpapahirap nyo kay Liam at Aliya, wag niyo ng dagdagan ang mga kasalanan nyo sa kanila lalo na kay Aliya na buong buhay nya sa panahong to ay puro kasinungalingan!!" matapang na parotesta ni Patricio kahit amo nya si Mateo ay niya kayang makitang nahihirapan ang kanyang mga kaibigan

Napatingin si Aliya kay Patricio..

"Isang buong kasinungalingan!?" sambit ni Aliya at agad siya tumingin kay Mateo

"Aliya, wag kang magpapaniwala sa lalaking yan!! Gumagawa lang ng istorya yan!!" buelta naman ni Mateo kag Aliya

"Mateo, sabihin mo sa akin ang totoo! Totoo bang kasinungalingan lang ang lahat ng ito!?" sigaw ni Aliya kay Mateo

"Hindi Aliya!" pilit na kinukumbinsi ni Mateo si Aliya

"Senyor magsabi na ho kayo ng totoo por pabor!" sambit ni Patricio kay Mateo

"Tumigil ka Patricio kung ayaw mong matulad ka kay Liam!!" sambit ni Mateo kay Patricio

"Ikaw ang tumigil hayop ka!!" biglang tumayo si Liam at sinugod si Mateo at pinadapo ng isamg suntok sa mukha

"Wag mong gawing tanga ang mga tao rito!!" ginawaran muli ni Liam ng isa pang suntok si Mateo sa kabila ng mga tama nya sa katawan

Susuntukin muli ni Liam si Mateo ng masalag nya ito at si Liam naman ang nasuntok nito

Di na nakatiis si Aliya at hinarangan nya si Liam mula kay Mateo

"Mateo!! Itigil mo na to!!" matapang na salag ni Aliya laban kay Mateo

"Umalis ka dyan Aliya!" sambit Mateo kay Aliya, ngunit nagmatigas ito at talagang hindi umalis sa posisyon nya

Habang tumitindi ang tensyon sa pagitan nila Aliya at Mateo, napansin ni Patricio na may nakalitaw na kumikinang na bagay sa may bulsa ni Mateo

"Ang singsing ni Aliya!" sambit ni Patricio sa kanyang isip

"Aliya!" banta ni Mateo kay Aliya, sadyang tinatagan ni Aliya ang kanyang sarili at talagang di nagpatinag

"Hindi Mateo! Sumusobra ka na!!" sagot muli ni Aliya

Buong akala ni Patricio na siya lang ang makakapansin sa kumikinang na bagay sa bulsa ni Mateo, si Liam rin..

"Sandali parang kilala ko ang bagay na iyan?" sambit nya sa kanyang sarili ng makita ang bagay na iyon na kumikinang sa bulsa ni Mateo

Bumalik sa kaisipan ni Liam ang bagay na iyon at ng kanyang maalala ito..

"Ang Engagement ring ni Aiyana!! Talagang si Aiyana ay si --" sambit ni Liam sa sarili

"Talagang ayaw mong tumabi?" muling sambit ni Mateo kay Aliya

"Hindi na ako natatakot sayo Mateo!" sagot muli ni Aliya

Sumugod si Patricio kay Mateo para makuha ang singsing ngunit malakas ang pandama ni Mateo at humarap siya bigla kay Patricio at nasuntok ito at napaurong si Patricio

Akmang babalikan ni Mateo si Liam ng humarang muli si Aliya sa kanyang daraan

"Aliya tabi?" si Mateo

Hindi gumagalaw sa posisyon si Aliya at nanatiling nakaharang sa daraanan ni Mateo papunta kay Liam

"Tumabi ka sabi Aliya!!" hinawakan ni Mateo si Aliya at itinulak sa gilid, lingid sa kaalaman ni Mateo

"Aliya!!!" sumigaw si Liam dahil sa pagkakatulak ni Mateo kay Aliya tumama ang ulo nito sa gilid ng kama na ikinabagsak nito

"Hayop ka!!!" tumayo muli si Liam at sinugod si Mateo, sumugod muli si Patricio para pagtulungan si Mateo

"Liam, ako na bahala sa senyor, si Aliya!" habang nakikipagbuno sa senyor si Patricio

Nilapitan ni Liam si Aliya, wala itong malay at dumudugo ang kanyang ulo

Inihiga ni Liam si Aliya sa kanyang bisig..

"Aliya.."

==================================

Next: Chapter 41

Prince of Time: Memories From The PresentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora