Chapter 38

4 2 0
                                    

"Anong asawa mo!?" pinandilatan ni Aliya si Liam, kinindatan naman siya nito

"Gusto mo bang ibalik ka sa patapobreng lalaki yon?" bulong ni Liam kay Aliya

"Syempre hindi!" bulong ni Aliya pabalik kay Liam

"Kaya, makisakay ka na lang sa ginagawa ko okay?" sambit ni Liam at sumang-ayon naman si Aliya at nanatili sa likuran ni Liam

"Napakatabil ng dila ng isang tulad mong indio!" naiinis na sambit ng isang guwardiya sibil

"Mawalang galang na sa inyo, pwede ba umalis na kayo sa bahay namin, pwede ba!? Tsaka kalaliman na ng gabi, oras na ng pamamahinga namin ng aking asawa at ng aking lolo, por pabor mga senyor?" talagang pinanindigan ni Liam ang pagpapanggap nyang asawa ni Aliya

"Pwes! Oras pala ng pamamahinga? Bueno, dalhin sila sa tahanan ng senyor Mateo, rapido!!" sambit ng isang guwardiya sibil at agad tinalian ang mga kamay nila Liam at Aliya

"Shit!!" bulong ni Liam na pilit pumapalag sa mga guwardiya sibil

"Iwanan ang matanda rito, tangi ang dalawa lang ito ang kailangan ng senyor Mateo!" iniwanan ng mga guwardiya sibil si Lolo Generoso at tanging si Aliya at Liam lang ang hinuli nila

"Mga Apo!!" sigaw ng matanda habang tuluyan inilalayo sila Liam at Aliya

Habang nasa paglalakbay pababa ng bayan..

Magkatabing sila Liam at Aliya habang nakatali ang kanilang mga kamay, nakapalibot ang mga guwardiya sibil sa kanila kaya di nila magagawang makatakas...

"Akala ko ba gagana ang plano mo?" bulong ni Aliya kay Liam

"Sadyang makikitid ang mga pag-iisip ng mga guwardiya sibil na iyan at di marunong umintindi!" bulong ni Liam pabalik

"Manahimik kayong dalawa riyan!" sigaw ng guwardiya sibil sa harapan

"Walang karapatang magsalita o magkwentuhan!?" sagot ni Aliya sa guwardiya sibil

"Aliya!" saway ni Liam kay Aliya

"Aba! Di maaari yung ganyan, anong klaseng bayan to kung lagi pinapatahimik na lang ang mga kababaihan, hindi pwede ang ganyan!?" patuloy na nagpoprotesta si Aliya sa mga guwardiya sibil

"Aliya huy!" sinasaway pa rin ni Liam si Aliya, di pa rin mapigilan ang bibig nito

"Pwede bang patahimikin mo yan kung ayaw nyong ako magpatahimik sa inyo ng tuluyan!?" banta ng guwardiya sibil kila Aliya at natahimik na lang ito ng tinutukan sila ng baril

Makalipas ang halos 30 minutong paglalakad ay nakarating na sila sa tapat ng bahay ng mga Abelino, biglang nagbukas ang pintuan at nagulat si Patricio sa kanyang nakikita..

"Hindi maaari?" sambit nito sa kanyang sarili

Itinulak ng mga guwardiya sila Liam at Aliya papasok ng mansyon ng Abelino..

Nang magbukas ang harapang pintuan tumambad sa kanila ang senyor, walang iba kung di si Mateo Abelino

"Maligayang pagbabalik aking pinakamamahal na asawa!" masayang bungad ni Mateo kay Aliya, ginawaran naman siya nito ng matalim na tingin

Masayang masaya ang senyor sa pagbabalik ni Aliya, nang mabatid nya ang kasama ni Aliya, nanlaki ang kanyang mga mata...

"Hindi maaari, papaano--" di makapaniwala si Mateo sa kanyang nakikita

"Dr. Mateo Abelino y Barameda or let me just say Dr. Mateo Avellino ng makabagong panahon!!!" simpleng sagot ni Liam kay Mateo

Tumingin si Aliya kay Liam ng nagtataka..

"Liam Dela Cruz!" sambit ni Mateo na para bang nawala ang katapangan ng makita ang lalaking tunay nagmamay-ari kay Aliya

"Ako nga!!" sagot ni Liam

"Aliya papaano mo siya nakilala at Siya ba ang tumulong sayo tumakas?" tanong ni Mateo kay Aliya

"Oo Mateo, siya ang tumulong sa aking makatakas sa impiyernong bahay na to!! At kung papaano ko siya nakilala, simple lang, sadyang pagmay lalaking matapobre, may natatagpuan akong lalaking mabait at maginoo na hindi ko nakikita sa iyo sa loob ng isang taon kong pagkakakulong sa bahay na to!!" matapang na sagot ni Aliya sa harap ni Mateo

Nag-uumpisa ng mapuno si Mateo..

"Mga guwardiya sibil!!" sigaw ni Mateo at agad na tinandyakan ng isa si Liam na ikina luhod nito

"Liam!!!" sambit ni Aliya ng makita ang ginawa kay Liam ng guwardiya sibil

"Natututo ka ng sumagot Aliya sa akin na dati naman ay di mo ginagawa!!" sambit ni Mateo kay Aliya

"Hindi ka dapat igalang Mateo!! Walang puso kang nilalang ka!!" galit na sambit ni Aliya kay Mateo

"Guwardiya sibil!!" hinampas naman ng baril si Liam na ikinadapa nito sa sahig

"Liam!!!!" bumuhos na ang luha sa mga mata ni Aliya sa nakikita nyang sitwasyon ni Liam

"Aliya, Aliya, kung ikaw ay tatahimik na lang at di na sasagot sa akin, di na makakaranas si Liam ng ganyan!" si Mateo

Tinignan ng masama ni Aliya si Mateo na halos ikasuklam nya ang lalaking nasa harapan nya ngayon...

"Mateo!! Hayop ka!!" pilit na pagsasalita ni Liam kahit nahihirapan sa sitwasyon nya

"Liam, wag ka ng magsalita baka mahirapan ka pa.." di na mapigilan ang luhang pumapatak sa mga mata ni Aliya

Di na kinakaya ni Aliya ang sitwasyon ni Liam...

"Guwardiya sibil, dalhin si Aliya sa kanyang silid at ikandado!!" nagulat si Aliya at agad siya hinila ng isang guwardiya sibil patungo sa kanyang silid

"Aliya!!!" sigaw ni Liam pilit niyang tumayo ngunit tinandyakan muli siya ng isang guwardiya sibil

"Liam!!! Hindi!!!" iyak ng iyak si Aliya habang inilalayo siya kay Liam

Inihagis ng isang guwardiya sibil si Aliya sa kanyang kama at tinanggalan ng tali

Tinignan ng masama ni Aliya ang guwardiya sibil...

"Ano!? Talagang sisirain nyo ang pagiging alagad ng bayan na to para sa utos ng isang walang pusong senyor!?" sagot ni Aliya sa guwardiya sibil

"Sumusunod lang kami sa ipinag-uutos ng Alferez at ng senyor!" sagot pabalik ng Guwardiya sibil

"Mga walang hiya kayo!!" sigaw ni Aliya sa pagmumukha ng guwardiya sibil

Di na pinansin ng guwardiya sibil si Aliya at ikinandado na ang kanyang silid

"Pakawalang nyo ako dito mga imoral kayo!!!" pilit na binubuksan ni Aliya ang pinto ngunit wala nangyari

Samantala...

Nanatili si Mateo sa kanyang puwesto nang makabalik ang guwardiya sibil na nagkulong kay Aliya sa kanyang silid

"Ano ng nangyari?" tanong ng senyor

"Ganun pa rin ho, sadyang napakatapang po ng senyorita, di kayang padaig at patuloy na naglalabas ng di magagandang salita laban sa inyo at sa amin" sambit ng guwardiya sibil

Tumingin si Mateo kay Liam..

"Ano Mateo!? Masaya ka na nakuha mo ang nais mo!?" matapang na sagot ni Liam kay Mateo kahit na siya ay sugatan at nahihirapan

===================================

Next: Chapter  39

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now