Chapter 24

8 2 0
                                    

Lumipas ang  mga oras, nanatili sila Liam at Aliya nakatanaw sa malawak at napakagandang tanawin ng Santa Cecilia, namitas na rin ng prutas si Liam at yun ang pinagsaluhan nila ni Aliya..

"Apo?" tawag ni Lolo Generoso kay Liam, lumingon ito

"Bakit po lo?" takang tanong ni Liam

"Magdadapit hapon, baka hinahanap na ang binibini sa kanila?" sambit ni Lolo Generoso kay Liam

"Mukha nga po lolo Generoso, baka po natataranta na po ang kaibigan kong si Elena don sa bahay kung bakit di pa ako nabalik" ngiting sabi ni Aliya sa matanda

"Kumusta ang paa mo?" tanong ng matanda kay Aliya

"Makakaya na pong maglakad ng mahaba haba, pero di ko po muna pupuwersahin baka lalo pa po akong hindi makalakad, magdadahan dahan po ako, salamat po ulit lolo Generoso sa paghihilot po kahit papaano naibsan yung maga at sakit!" pasasalamat muli ni Aliya sa matanda

"Walang anuman don apo, tutal naman ay kaibigan ka na ng aking apo, kaibigan na ba o ka-ibigan na?" biro ni Lolo Generoso kay Aliya, nahiya tuloy si Aliya at si Liam ang lapad ng ngiti

"Kaibigan lang po lolo Generoso, kahit pagbaliktarin natin ang mundo, may asawa na po ako.." sambit ni Aliya, medyo nasaktan si Liam sa punto ni Aliya

"Pero pakiramdam mo parang hindi kayo mag-asawa ganun ba apo?" seryosong tanong ni Lolo Generoso kay Aliya

"Hindi ko rin po maintindihan rin po lo eh, pakiramdam kong iba po talaga ang pakiramdam kapag kasama sya!" tugo naman ni Aliya sa matanda

"Ah lolo Generoso, maggagabi na po, ihahatid ko na po si Aliya sa kanila, mauna na po kami!" change topic ni Liam at hinila na ni Liam si Aliya pababa ng gubat patungo sa bayan

Dahan dahan na bumaba sa kagubatan sila Liam at Aliya, ilang minuto rin ang kanilang paglalakad at nakarating na rin sila sa wakas sa bayan ng Santa Cecilia..

Habang naglalakad sila sa bayan, may napansin si Aliya na karuwahe na papalit sa dereksyon nila..

"Liam?" hinawakan bigla ni Aliya ang kamay ni Aliya

"Bakit?" bago pa makapagsabi ng iba si Liam hinila na sya ni Aliya at nagtago sa loob ng tindahan ng mga armas

Sumilip ng bahagya si Aliya para makita kung nakadaan na ang karuwahe ni Mateo...

"Ano bang meron?" tanong ni Liam kay Aliya, sinenyasan nya ito na tumahimik

Sumulip muli si Aliya sa may pinto ng tindahan at nakita nyang dumaan na ang karuwahe ni Mateo, nakahinga na sya ng maayos dahil ligtas na sya at di siya nakita ng abusadong asawa..

"Aliya? Ano ba yun hah?" tanong pa rin ng tanong si Liam sa kanya

"Dumaan ang karuwahe ni Mateo, mabuti na lang at listo ang aking mata at nakapagtago agad tayo!" paliwanag ni Aliya kay Liam

"Kadaan na ba?" takang tanong ni Liam

"Oo, nakadaan na siya at ligtas na tayo!" sambit ni Aliya

"So, wala na pala pwede na ako makawala sa sandal mo sa akin, baka di na kita pakawalan eh!" ngisi sabi ni Liam, tinignan sya ng masama ni Aliya at itinulak palayo sa kanya

"Napakadumi ng utak mo!" sambit ni Aliya na medyo namumula

"Grabe sa madumi ang utak, ikaw nga tong dikit na dikit sa akin eh!" buwelta ni Liam habang nagpapagpag ng damit dahil na subsob siya sa sahig

"Naku!! Mga lalaki talaga!!" napikon na si Aliya

"Oh, tapos mapipikon ka, akala ko ba bati tayo?" this time si Liam naman nanuyo kay Aliya

Tinitigan muli ni Aliya si Liam ng matalim

"Halika na nga, ihatid mo na ako!!" sambit ni Aliya sabay labas ng tindahan ng mga armas

"Ang taray!" sambit ni Liam ng pabulong ngunit narinig ito ni Aliya

"May sinasabi ka?" tumingin muli si Aliya kay Liam

"Ang sabi ko di bagay sa magandang babaeng tulad mo ang magsungit okay? Kaya isang ngiti naman dyan?" say ni Liam kay Aliya

"Ewan ko sayo!" sabay naglakad ng mabilis si Aliya tila nakalimutan na di pa pwedeng puwersahin ang kanan paa nya

"Huy! Tignan mo yang sinabi mo, di yan ang salita ng mga maririkit ng dilag dito, huy Aliya!! Wag kang maglakad ng mabilis, yung paa mo!! Huy!!" hinahabol ni Liam si Aliya na lalong binilisan ang lakad

Patuloy na hinabol ni Liam si Aliya hanggang sa--

"Aray!!" napatigil si Aliya sa paglalakad dahil sumakit na naman ang kanan paa nya

Nahabol na rin sa wakas ni Liam si Aliya...

"Sinasabi na baga eh, magdahan dahan sa paglalakad kita mong di pa gaano okay yang paa mo, pinuwersa mo naman, kaya mo pa bang maglakad, di na naman kalayuan ang bahay ng Abelino?" sambit ni Liam kay Aliya na hawak hawak ang kanyang kanan paa

"Sa tingin mo ba makakaya ko pang maglakad ng ganito? Mag-isip ka nga!" reklamo ni Aliya

"Tigas kasi ng ulo mo Aliya kung nagdahan dahan ka at di mo ako tinakbuhan eh di sana matino kang nakakalakad ngayon, hay!" tumingin na lang sa langit si Liam

"Kung tinutulungan mo ako dito di ba? Kaysa sermunan mo ako ng sermonan, pwede ba --" bago pa matuloy ni Aliya ang sasabihin ay binuhat na siya ni Liam na parang bagong kasal, nagulat si Aliya sa ginawa ni Liam

"Liam!? Ibaba mo nga ako, baka may makakita sayo! Por pabor!!" pag-angal sa ginawa ni Liam pagbuhat sa kanya

"Wag ka ng magreklamo pa at itikom mo na lang ang iyong bibig at hayaan mo akong tulungan kitang makarating sa bahay ng misteryosong asawa mong iyon!" sambit ni Liam, mabigat man sa kanyang kalooban na sabihin iyon dahil alam nyang si Aiyana talaga ang babaeng buhat buhat ay di siya nito magawang maalala kaya hangga't kaya ay hihintayin nya ito na muli siyang maalala

Ilang minutong lakaran rin ang ginawa ni Liam habang buhat buhat si Aliya, tahimik naman si Aliya na kapit na kapit sa leeg ni Liam na tila ligtas sya kapag kasama ito..

Biglang napansin ni Patricio ang paparating at namukaan nya agad si Aliya

"Senyorita? Kayo ho ba yan?" nagmamadaling lumapit si Patricio kila Liam at Aliya

"Patricio ako nga, nandyan na ba si Mateo?" tanong ni Aliya at dahan dahan syang binaba ni Liam

"Naku senyorita, mabuti at nakarating kayo ng maaga, wala pa ang senyor ngunit pabalik na iyon, kaya halika na ho sa loob dahil alam ng senyor na nagkulong kayo sa kwarto kaya halika na ho bago pa dumating ang senyor baka kung ano pa ho ang gawin sa inyo!" inalalayan na ni Patricio si Aliya papasok

"Sandali!" huminto si Aliya at humarap kay Liam

"Sige na baka mahuli ka pa, ayos lang ako dito wag kang mag--"  di na natapos ni Liam ang sasabihin dahil binigyan siya ng isang mahigpit na yakap mula kay Aliya

"Salamat sa buong araw na ito, naramdaman kong maging malaya at makita ang ganda ng paligid, salamat muli sa lolo mo Liam!" ngiting sabi ni Aliya habang yakap si Liam, niyakap rin naman sya ni Liam ng mahigpit

"Ayos lang yun ang mahalaga ay naging masaya ka, sana dumating ang araw na ang lahat ng agam agam at problema mo ay magkaroon na ng kaliwagan!" sambit ni Liam, kumalas na sila sa yakap

"Hanggang sa muli!" huling sambit ni Aliya at tuluyan na siyang tumalikod at inalalayan muli ni Patricio papasok ng bahay ng Abelino

Naiwan nakatanaw si Liam habang dahan dahan pumasok sa loob ng bahay si Aliya..

"Aliya sana maalala mo na kung sino ka talaga at sino talaga ako sa buhay mo, pakatandaan mo mahal ko, ano mang mangyari di ako aalis dito sa mundong ito hangga't di kita kasama at hangga't di nagiging maliwanag ang lahat sa iyo! Handa akong maghintay aking prinsesa!" muling tumulo ang luha ni Liam habang binabanggit ang mga katagang iyon sa kanyang isipan

====================================

Next: Chapter 25





Prince of Time: Memories From The PresentDove le storie prendono vita. Scoprilo ora