Chapter 43

4 2 0
                                    

Kinahapunan...

Tahimik na nakaupo si Liam may hagdanan ng bahay ni Lola Amelia ng may tumawag sa kanya at siya ay tinabihan..

"Tila malalim yata ang iyong iniisip?" si Lola Amelia

"Wala po.." simpleng sambit ni Liam kay Lola Amelia

"Tungkol ba ito kay Aliya?" simpleng sambit ng matanda kay Liam

"Halos mag-iisang linggo na ako sa panahon pong ito, di ko na po alam kung ano na nangyayari sa pamilya ko sa kasalukuyan panahon, pero nais kong patunayan sa mama ni Aiyana na mahahanap ko si Aiyana ano man ang mangyari, nais kong patunayan sa kanya na di ko ginusto ang mga nangyari kaya po ako nandito para mahanap siya ngunit -- " di na natuloy ni Liam ang kanyang sasabihin ng magsalita si Lola Amelia

"Nakita mo na nga siya ngunit di ka nya magawang maalala, ganun ba? Kaya di mo siya magawang iuwi sa kasalukuyan dahil sa sitwasyon nya?" tanong ng matanda kay Liam

"Tama po kayo, di ko siya magawang maiuwi sa ina nya dahil sa sitwasyon nya, pero umaasa pa rin po ako na babalik rin ang lahat sa kanya" di pa rin nawawala ng pag-asa si Liam

"Tunay na pag-ibig ang makakapanumbalik ng kanyang ala-ala apo, tandaan mo yan, ang isip man ay nakakalimot ngunit ang puso ay hindi!" payo ni Lola Amelia kay Liam at sinuklian nya ito ng isang ngiti

"Tunay nga mapagbiro ang tadhana at biruin nyo po dahil sa paghahanap ko kay Aiyana ay natagpuan ko ang mga ninunong pinagmulan namin pareho at sila pala ay matalik na magkaibigan ng panahong ito, salamat po lola Amelia sa pagpapatuloy nyo po sa amin dito ni Lolo Generoso at ni Aliya.." sambit ni Liam

"Walang anuman apo, alam kong hindi na kayo ligtas sa bahay ng iyong lolo kay mas minabuti nya na dumito muna kayo, malayo ito sa bayan kaya ligtas kayo rito laban sa matapobreng Mateo Abelino na iyon!" sambit ni Lola Amelia kay Liam

"Napakasuwerte po namin ni Aiyana na kayo po ang aming pinagmulan!" ngiting sabi ni Liam

"Walang mas masuwerte pa sa isang tulad namin na masilayan ang bagong henerasyon ng aming lahi at kayo iyon!" si Lola Amelia

"Di na po ako magtataka kung kanino nagmana si Aiyana ng kanyang kagandahan at kabaitan!" si Liam

"Ikaw ay may pinagmanahan apo at yun ay sa lolo Generoso mo na likas na mapagbiro, nasa lahi nyo talaga iyon!" natatawang kwento ni Lola Amelia

"Bakit nga po ba di kayo nagkatuluyan ni Lolo Generoso?" tanong bigla ni Liam kay Lola Amelia

"Gaya ng sabi sa iyo ng iyong lolo kanina, iba ang tipo kong lalaki, si Generoso ay kaibigan ko lamang, eh kung kami ba ay nagkatuluyan, wala sana kayong dalawa ni Aiyana ngayon? Hindi ba?" sagot ni Lola Amelia kay Liam

"Sabagay po, edi sana hindi ko naging nobya si Aiyana kung ganon!" natatawang sagot ni Liam

"Paano apo, ako ay mauna na sa loob ng makapaghanda ng hapunan!" sabay tayo ni Lola Amelia at nagtungo na sa kusina

Ilang minuto pa ang lumipas napagpasyahan na rin ni Liam na pumanik sa loob ng bahay

Siya nag-ikot ikot muna sa bahay ni Lola Amelia, habang nag-ikot ikot siya ay may napansin siyang pamilyar na bagay sa loob ng bahay..

"Teka? Parang kilala ko to ah?" sinuri ni Liam ang bagay na iyon at biglang may pumasok sa kanyang isipan

Balik tanaw....

Nasa duty si Aiyana ng pumunta ng sikreto si Liam sa bahay ng kanyang girlfriend para pormal na magpaalam na hihingin na nya ang kamay ng dalaga upang sila ay makasal..

Nakaupo si Liam sa sofa at habang hinihintay bumaba si tita Lea ay nilapitan siya ni Lola Alicia..

"Lola Alicia bakit po?" tanong ni Liam kay Lola Alicia sabay mano sa matanda

"Halika maupo ka rito!" yaya ni Lola Alicia kay Liam at naupo sila sa sofa

Tahimik lang si Liam ng magsalita muli si Lola Alicia..

"Marahil kaya ikaw ay narito dahil nais mo na siyang pakasalan?" nagulat si Liam ng sabihin yun ni Lola Alicia

"Papaano nyo po --" di na natapos ni Liam ang sasabihin

"Hindi na kataka taka apo dahil pitong taon na kayong magkasama at alam kong kilalang kilala nyo na ang isa't isa at talagang sinadya mong may pasok si Aiyana para kami muna ni Lea ang makaalam ng iyong plano kay Aiyana hindi ba?" wala ng nagawa si Liam kung di sumang-ayon sa mga sinabi ni Lola Alicia

"Masyado po bang bigla lola?" nahihiyang tanong ni Liam

"Hindi naman apo, sakto lang naman tutal nasa tamang edad na kayo!" sambit ni Lola Alicia

Habang nagkukwentuhan si Lola Alicia at Liam ay bumaba na si Lea mula sa kwarto..

"Oh Liam naparito ka? May pasok si Aiyana.." tanong ni Lea kay Liam tumayo si Liam para magmano

"Hindi po si Aiyana ang pakay ko po sa pagpunta ko po dito, kayo po tita at si Lola Alicia po.." panimula ni Liam

"Bakit?" takang tanong ni Lea ng biglang sumabat si Lola Alicia

"Lea, nais na ng binatang ito na hingin ang approval mo sa plano nyang kasal!" sagot ni Lola Alicia, pinangunahan na si Liam ng matanda dahil halatang kinakabahan si Liam

"Sigurado ka na ba iho sa balak mong hingin ang kamay ng aking anak?" tanong ni Lea kay Liam, napalunok ng laway si Liam sa kaba

Umupo na rin si Lea sa sofa...

"Sigurado na po ako tita, pangako po gaya ng lagi ko pong sinasabi sa inyo na hindi ko po papaiyakin si Aiyana, aalagaan ko siyang mabuti!" sambit ni Liam ng mabilisan, napangiti naman si Lea kay Liam

"Bakit po tita? May mali po ba akong sinabi?" tanong ni Liam

"Wala naman iho! Naalala ko lang si Anton sa iyo, ganyan rin ang kanyang mga sinabi nung hingin nya ang aking kamay sa mga magulang ko!" kwento ni Lea kay Liam

"Pasensya na po tita!" paghingi ng paumanhin ni Liam

"Okay lang yun iho! Kung desidido ka nga, walang problema sa akin, oo nga pala may engagement ring ka na ba?" tanong bigla ni Lea kay Liam, napakamot ng ulo ang binata

"Ang totoo po nyan di pa ako nakakabili po eh!" sambit ni Liam kay Lea at Lola Alicia

Nagkatinginan si Lea at Lola Alicia..

Biglang tumayo si Lea ay may kinuha sa kanyang kwarto, matapos ang ilang minuto ay bumaba muli ito..

"Alam kong napakakuripot mong bata ka at gaya ng sabi ni Aiyana na di ka masyadong magastos, heto!" sabay abot ni Lea ng isang maliit na antigong kahon kay Liam

"Ano po ito tita?" tanong ni Liam

"Buksan mo iho.." sambit ni Lea at unti unting binuksan ni Liam ang maliit na kahon at nagulat sa laman nito

"Singsing?"

===================================

Next: Chapter 44

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now