Chapter 1

27 2 2
                                    

Liam Oliver Dela Cruz, isang pasaway ngunit matalino namang estudyante, graduating college boy, hindi inakala ng lahat na makakapag 4th year ito sa kursong Nursing, ngunit nagbago ang lahat sa kanya ng makilala nya si Aiyana Flores, una pa man ay di na nya gusto yung mga babaeng di nagpapacute sa kanya at nagpapaturo sa kanya, isang araw...

Lunch Break...

Naiwan si Aiyana sa classroom dahil tinatapos pa nya yung ibang dapat homeworks ng may nagsalita sa likuran nya..

"Talagang kinakarir ang mag-aaral?" pagpaparinig ni Liam kay Aiyana, ngunit di sya nito intindi at nagpatuloy sa pagsusulat

"Huy!! Parang walang naririnig ah? ano ako dito multo?" muling nagparinig si Liam ngunit talagang hindi siya pinapansin ni Aiyana

Ilang beses ng umulit si Liam magparinig kay Aiyana ngunit wala pa rin itong epekto sa dalaga kaya

"Talagang ayaw mo akong pansinin hah?" biglang ninakawan ng halik ni Liam sa pisngi si Aiyana, nagulat ito at tinignan ng masama si Liam

"Pakealam mo bang ayaw kitamg pansinin ha?" sabay punas ng pisngi nya

"Yuck!!! Kadiri ka!! alam mo ba yun!" inis na sabi ni Aiyana kay Liam, nginisian lang sya ni Liam

"Wow naman!! Napakaarte mo naman para halik lang sa pisngi nag iinarte ka na, aba maswerte ka nga ikaw lang ang hinalikan ko sa pisngi sa lahat ng girls dito sa section natin!" pagmamalaki ni Liam na lalo ikinainis ni Aiyana, bigla itong tumayo at inilagay sa bag nya ang mga gamit nya at akmang aalis na

"Oy! Saan ka pupunta Ms. Maarte?" tukso ni Liam, tinignan muli sya ni Aiyana ng masama

"Kung saan walang lalaking mapang asar na tulad mo! Bye!" sabay walk out ni Aiyana

"Hoy!! Aiyana!! Wag kang maarte gusto mo rin naman!! Tsaka, pustahan tayo!! Tayo ang endgame!!" pahabol na sigaw ni Liam kay Aiyana

"Tse!!! In your dreams!!" bumanat rin si Aiyana bago tuluyang makalayo

Isang napakatamis na ngiti ang namutawi sa mga labi ni Liam habang pinagmamasdang umalis si Aiyana..

After Class...

Naglalakad na pauwi ng bahay si Aiyana ng makita sya ni Liam..

"Well, well, talaga naman ang destiny talagang pinaglalapit kaming dalawa ni Ms. Maarte" nag-umpisa na naman mang-asar si Liam, sabay pasimpleng akbay kay Aiyana na ikinagulat na naman nito

"Hoy! Hoy!! Ano yang the moves!? Hindi tayo close okay?" sabay tanggal ni Aiyana sa kamay ni Liam nakaakbay sa kanya

"Dumali na naman yang kaartehan Aiyana Flores, gusto mo rin naman eh!" sabay akbay ulit kay Aiyana, this time mahigpit na ang akbay nito na lalong ikinainis ni Aiyana

"Liam Oliver Dela Cruz? sa lahat ng ayaw ko ay yung mga taong pa-cute at mas lalong ayaw ko sa mga lalaking mahangin at mayabang!" sabay apak ni Aiyan sa paa ni Liam napabitaw ito sa pagkakaakbay sa dalaga

"Aray!!!!" patalon talon si Liam sa sakit ng pagkakatapak ni Aiyana sa paa

"Yan ang mapapala mo!!" sabay lakad ng mabilis ni Aiyana palayo kay Liam

"Hoy! Pagamot mo to!! Aiyana!! Di ka lang maarte, bayolente ka pa!! Hoy!!" iika ika si Liam na naglakad at patuloy na sinundan si Aiyana

Patuloy na sinundan ni Liam si Aiyana hanggang sa makarating ito ng ligtas sa bahay nila, matapos masigurong okay na si Aiyana at nakauwi na, umuwi na rin si Liam sa kanila...

"Oh kuya? bakit iika ika kang maglakad? May nangyari ba?" takang tanong ni Claire sa kuya nya

"Wala to, natapilok lang dyan sa kanto!" pagsisinungaling ni Liam, ngumiti kinikilig si Claire sa kuya nya

"Ano naman yang ngiting yan?" takang tanong ni Liam kay Claire

"Natapilok o tinapakan ng paa?" usisa ni Claire

"Anong klaseng tanong naman yan? Totoo ang sinasabi ko Claire" buwelta ni Liam sa kapatid

"Maniwala!! Ang sabihin mo di umubra ang korny mong the moves kay Aiyana Flores"  natatawang sabi ni Claire sa kuya nya

"Di ah! Maarte lang yun makikita mo endgame kami ng babaeng maarteng yun! Watch me!!" confident na sambit ni Liam

"Endgame, endgame ka dyan, baka endgame na tuluyan ka nang mabugbog ni Aiyana sa mga kalokohan mong yan, dyan ka na nga!" sabay walk out ni Claire at dumeretso ng kusina

Saktong kararating lang ng daddy ni Liam na galing trabaho

"Oh Liam iho? Anong nangyari sa paa mo nak?" tanong ng daddy ni Liam

"Wala po to dad, natalisod lang po kanina habang pauwi po galing school, okay lang po ako dad.." pagsisinungaling ni Liam

"Talisod Liam talaga anak?" takang tanong ng daddy ni Liam

"Yes dad, talisod lang po talaga" sabay taas ng kanang kamay ni si Liam sa harap ng dad nya

"Alam mo Liam anak" sabay akbay ng daddy nito sa kanya

"Kapag ganyan kakaiba ang pagkasakit ng paa mo, ibig sabihin nyan ikaw ay may inaasar ka naman na babae palagay ko? at mukhang malala pa sa mga nangyari sayo sa ibang mga babae!" kwento ng daddy nya

"Naku dad!! Issue ka, wala po talaga promise!" say ni Liam na ikinatawa ng ama

"Liam iho! Alam ko na yan style mo, alalahanin mo ikaw ay papunta palang, ako na middle na ako at malapit ng bumalik!" sambit ng daddy ni Liam, napakamot na lang ulo si Liam

"Who's the lucky girl iho?" tanong ng daddy ni Liam

"Dad wala nga po!" insist ni Liam sa daddy nya

"Iho, 22 years old ka na, alam ko na yan!" di talaga tinigilan ng daddy nya so Liam

"Okay fine! Titigil na ako  Liam, but--" putol na sabi ng daddy nito

"But?" si Liam sa daddy nya

"Dalhin mo dito sa bahay yung lucky girl na yan pag-liligawan mo na ah?" payo ng daddy ni Liam sa kanya

"Dad talaga ang daming alam sa buhay!" kamot ulo na sabi ni Liam

"You know me son, I had my ways" sabay deretsong alis sa kusina

Patuloy na iniisip ni Liam ang mga sinabi sa kanya ng dad nya

"Kung alam mo lang talaga dad kung gaano kabayolente at maarte ang babaeng napupusuan ko unang kita ko  palang sa kanya" tanging sambit ni Liam sa kanyang isipan

====================================

Next: Chapter 2

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now