Chapter 9

8 2 0
                                    

Matapos ang pag-eemo ni Aiyana at Liam, napagdesisyunan na nilang umuwi dahil nagtext na ang mama ni Aiyana..

Habang nasa biyahe pauwi..

"Its been a while since itinakas mo ako sa amin ng walang paalam" sambit ni Aiyana while Liam is busy driving the car

"Kaya nga, ngayon mag-iisang taon na tayo together and we have been through ups and down but we are still holding on!" napangiti na lang si Liam habang nagrereminisce

"At kahit kailan di mo ako sinukuan kahit na alam mong ugali ko na parang tigre kung magalit at sobrang taray kapag naiinis.." napatawa na lang si Aiyana habang binabanggit ang mga katangian nyan na buong akala nya ay ikakaturn off ng isang boy

"Well, ganun talaga kita kamahal kaya never kong susukuan ang pagkatigre, mataray at pagkabugnutin mong babae" sambit ni Liam

"Kaya siguro natutunan na rin kitang mahalin nung nanliligaw ka pa lang eh, takutin ba na naman akong magpapakamatay sya kapag di ako pumayag magpaligaw!" natatawang sambit ni Aiyana

"You are really a unique girl Aiyana.." Liam simply said

Nakarating na sila sa tapat ng bahay nila Aiyana at nandun na nga nakaatayo sa may pintuan ang mama ni Aiyana..

Bumaba na ang dalawa sa sasakyan at tahimik na naglakad papunta kung saan nakatayo ang mama ni Aiyana..

"Good evening po ulit tita, let me explain po--" di na pinatapos ni Lea si Liam sa pagsasalita

"Anong oras na?" tanong ni Lea sa dalawa, kinakabahan na si Aiyana at Liam

"11pm na po tita.." nakayukong sambit ni Liam

"Liam, iho! Alam kong girlfriend mo ang anak ko at nagwoworry ka sa kinikilos nya kanina pero sana naman nagpaalam ka na ng maayos kung saan mo dadalhin ang anak ko, alam kong nasa edad na kayo para gawin ang gusto nyo pero sana naman magpaalam ka naman sa akin kung aalis ka kasama ang anak ko, pwede ba yun iho? Pang ilan beses na ba ito--" bago pa matapos ni Lea ang sermon nya kay Liam ay bigla na lang

Bumuhos ang napakalakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat..

"Ma! Sa loob mo na kami sermunan ang lakas na ng ulan oh, sumasabay sa sermon nyo" pamimilosopo ni Aiyana

Pumasok na ang dalawa sa loob ng bahay ni Aiyana..

"Bigla naman bumuhos ang napakalakas na ulan, kaganda ganda ng liwanag ng bituin at buwan kanina, biglaan naman!" sambit ni Lea ng makapasok sila sa loob ng bahay, humarap muli siya kila Liam at Aiyana na nabasa ng ulan

"Ma, ako ng mag-eexplain okay? Niyaya lang naman ako ni Liam magpahangin sa labas and we didn't do anything okay! Nag-usap lang kami yun lang after that nung nagtext ka uuwi na rin kami nung mga oras na yun kaya please ma wag mong sermonan si Liam, ginusto ko po naman sumama sa kanya para ipagpag ang stress at mga isipin ko sa trabaho, Im sorry po ma kung tumakas na naman ako kasama ai Liam kaya please po ma, don't blame him for this!" si Aiyana naman ngayon ang todo hingi ng pasensya sa mama nya

"Hay Aiyana Flores, bukas na lang tayo mag-usap bata ka.." sumuko na si Lea sa kakasermon sa dalawa at umakyat na sa taas, bago pa sya tuluyang umakyat, humarap siya kay Liam

"Liam Oliver Dela Cruz, dito ka magpa-umaga delikadong magmaneho ng ganyang panahon.." sambit ni Lea at umakyat na ito sa taas

Lumabas si Lola Alicia mula sa kwarto nya, may sariling kwarto ang lola ni Aiyana sa baba...

Lumapit si Liam para mag mano

"Mano po Lola Alicia, gabi na po at di pa po kayo natutulog?" takang tanong ni Liam sa matanda

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now