Chapter 33

6 1 0
                                    

Nasa silid ni Aliya si Mateo habang pinagmamasdan ang liwanag ng buwan..

"Makikita rin kita Aliya, oras na makita kita hindi ko na hahayaan makatakas ka pa sa aking mga kamay, akin ka lang Aliya!" sambit ni Mateo sa kanya sarili habang nainom ng vino

May kinuha si Mateo mula sa kanyang bulsa at kanya itong tinitigan..

"Kung nasaan ka Aliya, alam kong makikita kita at nararamdaman ko na ikaw ay nagdadalawang isip na sa relasyon natin, puwes! Hawak ko ang napakahalagang bagay na mag-uugnay sayo sa tunay mong pagkatao at kung sino ang tunay na nagmamay-ari sayo, kailanman di mo na ito maaalalang muli!" tumawa ng nakakaloko si Mateo habang hawak hawak ang isang bagay na mag-uugnay sa tunay na katauhan ni Aliya

Lingid sa kaalaman ni Mateo na may nakarinig sa kanyang litanya at ito ay walang iba kung di si Elena, napatakip na lang ng bibig si Elena upang di siya marinig ni Mateo, agad naman siyang lumayo at pumasok sa kanyang silid

"Diyosmiyo! Totoo nga na hindi talaga Aliya ang kanyang ngalan, siya ay nilinlang ng senyor dahil sa labis na pagmamahal ng senyor kay Aliya, na may natatago palang tunay na pagkatao!! At ang bagay na iyon ang magpapatunay na siya ay hindi talaga asawa ng senyor!! Nakita ko iyon na suot suot ni Aliya ng dalhin sya dito ng senyor na duguan" sambit ni Elena sa kanyang sarili

Hindi na mapakali si Elena sa kakaisip kung nasaan na ngayon si Aliya at ang bagay na kanyang natuklasan..

"Kailangan kong mahanap si Aliya, bago pa ako maunahan ng senyor!" agad na papalabas ng kanyang silid si Elena ng may tumawag sa kanya --

"Elena?" nanginig ang buong katawan ni Elena sa lalaking tumawag sa kanya, unti unti siyang lumingon at --

"Saan ka pupunta Elena?" nakakatakot na boses ni Mateo ang humarang kay Elena

"Dito lang po senyor!" nangangatal na sagot ni Elena habang nahakbang siya ng patalikod

"Saan yung dito Elena?" tanong ni Mateo na may hawak na baril

"Dito lang po sa labas senyor!" sabi ni Elena , unti unti siya humakbang ng patalikod

"Mukhang ikaw ay nagmamadali?" nakakatakot na sambit ni Mateo kay Elena, takot na takot na si Elena dahil konting hakbang nya lang ay baka katapusan na mg kanyang buhay

"Hindi po senyor!" agad na tumakbo si Elena ngunit pinaputukan na siya ni Mateo at tumama ito sa kanyang likod ngunit nagawa pa rin tumakbo ni Elena kahit na may tama pa siya

"Sige takbo!! Hindi ka masisinagan pa ng araw at tuluyan mo ng ibabaon sa hukay mo ang nalalaman po pobresitang indio!!!" tumawa pa ng nakakatakot si Mateo..

Hinang hina na si Elena lumabas ng mansyon ng makita siya ni Patricio..

"Santa Maria, anong nangyari sa iyo Elena at may tama ka ng baril, Diyos ko!!" agad na inalalayan ni Patricio si Elena at inihiga sa may tabi na hindi kita ng iba..

"Patricio--" sabay hawak ni Elena sa kwelyo ni Patricio

"Ano yun Elena? Sinong may gawa nito sayo?" nag-aalalang tanong ni Patricio kay Elena

"Makinig ka--Kailangan--mong--mahanap ang senyorita bago pa siya makita ng senyor!" sambit ni Elena sabay suka ng dugo

"Elena!! Kumapit ka, por pabor!!" naiiyak na si Patricio sa sitwasyon ni Elena

"Patricio--hindi tunay na--asawa ng senyor si Aliya--Nilinlang ng senyor si Aliya--mayroong hawak ng importanteng bagay--ang senyor na makakapag-ugnay sa tunay na pagkatao ng senyorita--kailangan makuha ito ng senyorita, baka iyon ang maging--susi ng tunay na katauhan ng senyorita" nagsuka muli ng dugo si Elena

"Elena!! Kumapit ka, Elena!!" sambit ni Patricio na naiiyak na dahil narardaman nya na tuluyan na siyang iiwanan ni Elena

"Patricio--ipangako mo--na hahanapin mo si Aliya--at sabihin sa kanya ang lahat-- bago pa mahuli ang lahat!!" tuluyan ng binawian ng buhay si Elena

"Elena!!!! Ahhhhhhh!!!!" sumigaw na lamang si Patricio habang hawak hawak ang walang buhay na katawan ni Elena

"Pangako Elena!! Di kita bibiguin!! Pangako!!" huling sambit ni Patricio sa kanyang walang buhay na si Elena

Samantala...

Di mapakali sa pagtulog si Aliya ng mapansin ito ni Liam ay agad nya itong nilapitan...

"Aliya? Gising! Binabangungot ka!! Aliya!!" yinuyugyog ni Liam si Aliya ng ito ay biglang--

"Hindi!!!!" napasigaw ito sabay biglang mulat ng kanyang mga mata

"Aliya!! Okay ka lang?" pag-aalalang tanong ni Liam sa kanya, umupo ng maayos si Aliya na pinagpapawisan at bakas ang takot at luha sa kanyang mga mata

"Liam!!!" biglang napayakap ng wala sa oras si Aliya kay Liam

"Ano bang nangyari? Sino bang napanaginipan mo?" tanong ni Liam kay Aliya

Kumalas ito sa yakap at tumingin kay Liam..

"Liam natatakot ako, sa aking panaginip tila ba ay nagpapaalam na sa akin si Elena, pakiramdam kong may nangyaring hindi maganda kay Elena!!" sambit ni Aliya kay Liam

"Sshh!! Panaginip lang yun Aliya, wag kang matakot di nagkakatotoo ang mga panaginip!" pagpapakalma ni Liam kay Aliya

"Liam parang totoo eh! Nakita kong duguan si Elena at parang may gusto syang sabihin sa akin na di ko maintindihan!!" paliwanag pa rin ni Aliya kay Liam

"Aliya, tahan na! Kung di ka talaga mapanatag sa napanaginipan mo, bukas na bukas bababa tayo ng bayan upang makibalita, tahan na!" niyakap muli ni Liam si Aliya upang maibsan ang kalungkutan at takot nito sa kanyang napanaginipan

Sa Libingan ng mga Namayapa sa Santa Cecilia

Naghukay na si Patricio ng libingan ni Elena sa tabi ng libingan ng unang naging asawa ni Senyor Mateo..

Labis na nagpipighati si Patricio sa sinapit ni Elena

Matapos mailibing ni Patricio ang katawan ni Elena, tinabunan na nya ito ng lupa hanggang sa tuluyan na itong maibaon sa hukay..

"Paalam Elena!! Napakasakit ng iyong sinapit at mas lalong mamimighati ang senyorita kapag nalaman nya ang sinapit mo!!" patuloy pa rin sa pagluha si Patricio, tumingin sya sa kabiling libingan kung saan siya rin ang naglibing sa unang asawa ng senyor

"Parehong marahas ang sinapit niyo pareho sa matapobreng senyor na iyon, wag naman sana ito ang maging kapalaran ng mabait na senyorita Aliya, tulungan nyo akong mahanap siya at masabi ang totoo bago pa mahuli ang lahat, por pabor!!" pagtangis ni Patricio sa harap ng puntod ng dalawang babaeng nawala sa mundo na kakagawan ng iisang tao

===================================

Next: Chapter 34


Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now