Chapter 45

3 1 0
                                    

"Ano to?"

Kinuha ni Liam yung ibon at tinanggal yung nakatali sa paa nito, akmang bubuksan na ni Liam ang papel ng--

"Liam, halika na apo, nakahanda na ang hapunan!" tinawag na ni Lola Amelia si Liam at biglang inilagay ng lang ni Liam yung papel sa kanyang bulsa at sumunod na lang kay Lola Amelia

Habang nakain sila Lola Amelia, Lolo Generoso at Liam...

"Apo, tila malalim ang iyong iniisip naman?" tanong naman ni Lolo Generoso kay Liam

"Wala po lo, iniisip ko lang po si Aliya hanggang ngayon ay di pa rin po siya nagigising.." sagot ni Liam kay Lolo Generoso

"Wag ka ng mag-alala apo, kahit di pa man siya muling nagigising, tiyak ko na malayo na sya sa kapahamakan" sambit ni Lola Amelia

"Salamat po sa paggagamot sa kanya at sa akin po lola Amelia!" sambit ni Liam at nagpatuloy na silang kumain

Matapos ang hapunan...

Patungo sa silid ni Aliya si Liam ng tawagin sya ni Lolo Generoso..

"Oh Apo, di ka pa ba magpapahinga?" tanong ng matanda

"Lo, maaari po bang dumito na muna ako sa silid ni Aliya, nais ko po kasi siyang bantayan at alagaan?" tanong ni Liam kay Lolo Generoso

"Sigurado ka ba apo? Sa panahon ito di angkop na magpalipas ng gabi ang isang lalaki sa silid ng isang babae lalo na at di pa kayo kasal!" payo ni Lolo Generoso kay Liam, napakamot na lang sa ulo si Liam

"Eh lo, di ba di naman to ang unang beses na magkasama kami sa isang silid di ho ba? Sa bahay nyo po?" pinaalala ni Liam kay Lolo Generoso na magkatabing natulog siya at si Aliya da iisang silid

"Alam ko yun apo, maliit lang ang bahay ko kaya wala naman akong magagawa eh iisa lamang ang silid ko sa bahay na iyon!" paliwanag ni Lolo Generoso

"Lo, wag na po kayong mag-alala, di ko naman po gagalawin si Aliya, babantayan ko lang po siya at sana magising na rin po siya para makahinga na rin po ako ng maluwag, hirap rin po kasing nakikita ko siyang ganyan, malayo nga sa taong gumawa sa kanya nyan, di ko naman sya magawang makausap!" sabay sulyap ni Liam sa higaan kung saan nakahiga si Aliya

"Nagpaalam ka ba kay Lola Amelia mo?" tanong ni Lolo Generoso

"Pumayag naman po si Lola Amelia basta wag lang raw po ako gagawa ng ikagagalit nya, dahil apo nya si Aliya sa talampakan, kaya magpakabait raw po ako, pangako ko naman po yun sa kanya!" paliwanag ni Liam kay Lolo Generoso

"Bueno, pumayag na naman pala si Amelia abay wala na akong magagawa, pamamahay nya ito at nakikituloy lang tayo, sya apo, ako ay magpapahinga na, pakabait ka apo!" paalala ni Lolo Generoso at dumeretso na siya sa isang silid tulugan

Pumasok na si Liam sa silid ni Aliya, nanatiling tulog si Aliya simula nung dinala siya sa bahay ni Lola Amelia..

Umupo si Liam sa tabi ng higaan ni Aliya at pinagmamasdan ang maamong mukha ni Aliya na kahit na may benda sa kanyamg ulo ay nababanaag ang kagandahan nito..

"Aliya, kailan ka kaya magigising? Labis na akong nag-aalala sa iyo, gumising ka na oh! Alam kong naririnig mo ako, sana naman ay dinggin mo ang aking hiling prinsesa ko!" di namalayan ni Liam na natulo na ang kanyang luha habang hawak hawak ang kamay ni Aliya ng --

Gumalaw ang kamay ni Aliya at nagulat si Liam...

"Aliya?" sambit ni Liam

Unti unting minulat ni Aliya ang kanyang mga mata..

"Anong nangyari?" mahinang sambit ni Aliya

"Aliya, salamat sa Diyos at nagising ka!" pasasalamat ni Liam sa taas

"Aray!" biglang hinawakan ni Aliya ang kanyang ulong nakabenda

"Natulak ka ni Mateo at tumama ang ulo mo sa gilid ng kama kaya nagkaroon ka ng sugat sa ulo kaya nakabenda iyan.." paliwanag ni Liam kay Aliya

Dahan dahan na umupo si Aliya sa kama at tinignan ang paligid..

"Nasaan tayo Liam?" takang tanong ni Aliya

"Nasa bahay tayo ng isang kaibigan ni Lolo Generoso, delikado na kasi sa bahay ni Lolo kaya minabuti muna ni Lolo na dito muna tayo tumuloy para sa kaligtasan mo!" masayang sambit ni Liam dahil sa wakas ay gising na si Aliya

"Gaano katagal akong tulog?" takang tanong ni Aliya

"Simula kaninang tanghali mga bandang alas dos, mabuti na lang at naagapan ni Lola Amelia ang tama mo sa ulo!" sambit ni Liam sa kanya

"Lola Amelia?" tanong ni Aliya

"Yun ang kaibigan ni Lolo Generoso at wag ka na rin magtaka dahil may koneksyon siya sa iyo!" sambit ni Liam kay Aliya, nagtaka si Aliya

"Koneksyon? Ano na naman kahibangan yan Liam?" si Aliya

"Basta Aliya, alam kong malapit na maging maliwanag sa iyo ang lahat, alam ko!" siguradong sagot ni Liam

"Parang mas malala pa ata ang natamo mong tama kung para sa akin?" tanong ni Aliya dahil nawiwindang siya sa mga sinasabi ni Liam

"Hindi no!" pagtanggi ni Liam, tinitigan ni Aliya si Liam sa mata

"Talaga?" urirat ni Aliya kay Liam, imbis na matakot sa titig ni Aliya ay

"Gusto mong halikan kita diyan kapag di ka pa tumigil sa pagtitig mo ng matalim?" lalong inilapit ni Liam ang mukha niya kay Aliya, ngayon si Aliya naman ang kinabahan sa susunod na mangyayari

"Teka!? Kakagising ko lang sa comatose!? Hahalikan mo na agad ako ano ka sinusuwerte?" nagtaka si Liam sa mga sinambit na salita ni Aliya

"Sandali, nagsalita ka ng Ingles ibig sabihin ba nito ay unti unti na bumabalik ang dating ikaw?" usisa ni Liam kay Aliya, di makaharap si Aliya kay Liam

"Ano ba ang pinagsasabi mo dyan?" namumula na ang mukha ni Aliya

"Hay! Mga babae talaga, alam na alam ko kapag kinikilig!" tumayo si Liam at pumunta sa may bintana at pinagmasdan ang ganda ng liwanag ng buwan

Ilang minuto rin nakatitig sa buwan si Liam ng biglang may kumapit na mga kamay sa kanyang kaliwang braso..

"Ano? Humupa na ang pula ng iyong pisngi?" biro ni Liam at hinampas siya ni Aliya sa braso

"Dinadamayan ka na nga sa pagmumuni muni mo, nagbiro ka pa!" sermon ni Aliya sa kanya, natawa na lang si Liam sa itsura ng mukha ni Aliya

"Magaling ka nga malakas ka na ngang manghampas!" sambit ni Liam

"Gusto mo pa ba ng isa?" inambaan na ni Aliya si Liam

"Oh sandali, napakapikon mo naman!" suko si Liam kay Aliya

Kumapit muli sa braso ni Liam si Aliya at inihiga ang kanyang ulo sa balikat ni Liam...

"Talagang sinusulit mo na talaga ang muling pagkagising mo?" kinikilig si Liam sa ginawa ni Aliya

"Pwede bang tumahimik ka na lang dyan at tumingin ka na lang sa buwan? Nang may napala ka kaysa binibiro mo ako ng ganyan?" saway ni Aliya kay Liam, napangiti na lang si Liam at muling tumingin sa liwanag ng buwan

"Masaya akong nagising ka na, sanay naman ay sa susunod maalala mo na ang lahat!" masayang sambit ni Liam sa kanyang isipan

====================================

Next: Chapter 46

Prince of Time: Memories From The Presentजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें