Chapter 27

6 2 0
                                    

"Liam mamaya na tayo magkwentuhan tungkol doon, ano tutulungan mo ba akong makatakas?" tanong muli ni Aliya kay Liam

Napaisip ng malalim si Liam sa sinabi ni Aliya...

"Liam!?" bumalik sa katinuan si Liam ng tawagin siya muli ni Aliya

"Sigurado ka na ba talaga?" sambit ulit ni Liam

"Liam, ang kulit mo naman! Ang sabi ko payag ka na bang tulungan akong makataks dito?" tanong muli ni Aliya kay Liam

"Kung yan ang gusto mo, sige tutulungan kita maka--" bago pa masabi ni Liam ang sasabihin, narinig nilang may nagbubukas ng pinto

"Liam, magtago ka muna doon dali!!" sabay turo ni Aliya sa malaking kabinet na lalagyanan ng damit

Agad naman nagtago si Liam sa gilid ng malaking kabinet at sinara na bigla ni Aliya ang bintana at umupo agad sa kanyang kama

Pumasok si Elena para dalhan ito ng makakain ng lihim na di alam ng senyor...

"Elena? Anong ginagawa mo dito? Baka mapahamak ka sa ginagawa mong iyan!" pag-aalalang tanong ni Aliya sa kaibigan

"Senyorita, di ko kayang makita kayong nakakandado sa silid na ito na walang kinakain, heto po ang pagkain, magkalaman man lang ang inyon sikmura" sabay lapag ni Elena ng pagkain sa mesa malapit sa kama ni Aliya

"Gracias, Elena! Isa ka talagang tunay na kaibigan!" pasasalamat ni Aliya kay Elena

"Wala po yun senyorita, ngayon lang ako nagkaroon ng isang kaibigan na kagaya nyo na pantay ang tingin sa amin mga ordinaryong tao, salamat sa pagturing sa akin bilang iyon malapit na kaibigan" masayang sambit ni Elena kay Aliya

"Walang anuman yun Elena, hindi naman dapat na itrato ang mga kagaya nyo ng mababa dahil pare-pareho naman tayong tao, nagkaiba lang sa estado ng buhay pero pakiramdam ko Elena, hindi naman ako kagaya ni Mateo eh, na isang kilalang doktor dito sa Santa Cecilia, pakiramdam ko ay isa rin akong hamak na ordinaryong tao tulad nyo!" paliwanag ni Aliya kay Elena

"Napakabuti nyo senyorita, ngunit hanggang kailan nyo po titiisin ang pagmamalupit na ito ni senyor Mateo?" tanong bigla ni Elena kay Aliya

Sinenyasan ni Aliya si Liam na lumabas na sa kinatataguan nito...

Nagulat si Elena bakit nakapasok ang isang lalaki sa loob ng silid ni Aliya..

"Santa Maria, senyorita di ba sya yung mabuting Ginoo na tumulong sa atin nung isang araw sa bayan?" sambit ni Elena kay Aliya, sumang-ayon ang senyorita sa kanya

"Siya nga Elena, pero wag kang mag-alala tunay na mabait na  Ginoo ang aking kaibigan!" sambit ni Aliya

"Kaibigan?" takang tanong ni Elena kay Aliya

"Tama siya Elena, mabuting kaibigan ako ng iyong senyorita!" sabat ni Liam sa usapan nila Elena at Aliya

"Kung gayon, ano pong ginagawa ng Ginoo sa inyong silid senyorita ng di namin nalalaman?" tanong ni Elena kay Aliya

"Elena, mangako ka sa akin na di mo ito ipagsasabi sa iba, mangako ka!" pagkumbinsi ni Aliya kay Elena

"Pangako, ngunit ano ang binabalak nyo senyorita?" nagtanong muli si Elena kay Aliya

Tumingin si Aliya kay Liam nag nod ito sa kanya at tumingin muli si Aliya kay Elena

"Elena, aalis na ako dito sa bahay na ito, di ko na kayang tumira sa bahay ng taong di ko alam kung kilala ko bang lubusan, tutulungan akong makatakas ni Liam!" sambit ni Aliya kay Elena

"Pero senyorita, baka mahuli kayo ng senyor, natatakot ako sa inyong seguridad!" pagtutol ni Elena sa plano ni Aliya

"Elena makinig ka, magiging ligtas ako kung aalis ako dito sa bahay na ito, pangako ko yan sa iyo!" naluluha na si Aliya

"Kung gayon, sino ba naman ako para pigilan kayo, at alam kong mas ligtas kayo sa labas ng pamamahay na ito!" pagsang-ayon ni Elena kay Aliya

"Salamat Elena!" niyakap ng mahigpit ni Aliya si Elena

"Mag-iingat ka senyorita!" sambit ni Elena sabay kalas sa yakap

"Salamat! Ikaw rin, mag-iingat ka!" sambit ni Aliya

"Aliya, tara na, bago pa mag alas diyes ng gabi, baka mahuli pa tayo ng mga gwardiya sibil!" nasa may bintana na si Liam at inaantay na lamang si Aliya

"Sige na Senyorita, bago pa mahuli ang lahat!" bumitaw na si Aliya sa kamay ni Elena at tuluyan ng sumama kay Liam

"Mag-iingat ka senyorita, sana magkita tayong muli at masabi ko sa iyo ang buong nalalaman ko!" sambit ni Elena sa sarili

Dahan dahan naglakad palabas ng bakuran ng mga Abelino si Liam habang hawak hawak ang kamay ni Aliya para makasigurong walang ibang makakarinig..

Napansin sila ni Patricio agad silang nilapitan sa may pinto..

"Liam, anong ginagawa mo at kasama mo ang senyorita?" pabulong sa sabi ni Patricio

"Mahabang kwento Patricio, mangyari bang pakibantayan mo ang paligid para sa amin, para makalabas kami ng maayos dito, por pabor!" sambit ni Aliya kay Patricio

"Masusunod senyorita!" sambit ni Patricio at agad itong nagmashid sa paligid hanggang sa tuluyan ng nakalabas ng bakuran ng mga Abelino sila Liam at Aliya

Di makatakbo ng maayos si Aliya dahil nga sa paa nito, kaya ikinukong na ulit ni Liam si Aliya..

"Humawak kang mabuti Aliya!!" sambit ni Liam at mabilis itong tumakbo pasan pasan si Aliya

Samantala...

Abala sa pag-inom ng vino si Mateo..

"Bakit ba sa lahat ng nagugustuhan kong babae ay lahat sila di ako magawang mahalin pabalik, kahit na nawala ang kanilang alaala sa kanilang tunay na pagkatao ay di pa rin ako magawang mahalin!!" sabay bato ni Mateo ng baso sa sahig

Sumigaw ng sumigaw si Mateo...

"Ano bang pwede kong gawin para mahalin mo ako Aliya!!! Ano!!!?" nagsisigaw na sambit ni Mateo, lumapit si Reynaldo, isang katiwala sa kanya upang siya ay awatin

"Senyor!! Maghunos dili kayo!! Nasobrahan na po kayo sa kakainom ng vino!!" pag-aawat ni Reynaldo sa lasing na senyor

"Hindi!!! Bitawan mo ako!! Aliya!!! Aliya!!!" nagsisigaw si Mateo pasuray suray na naglalakad patungo sa silid ni Aliya

Nagulat si Elena na papalapit na ang senyor sa silid ni Aliya na lasing na lasing

"Senyor ano po ang inyong gagawin?" tanong ni Elena ngunit dinaanan lang siya ni Mateo

Binuksan ni Mateo ang silid at tumambad sa kanya ang walang laman na kwarto ni Aliya, lalong nagalit si Mateo...

"Nasaan si Aliya?" tanong ni Mateo kay Elena

"Hindi ko po alam Senyor, ipinagbilin nyong wag na wag bubuksan ang silid hangga't walang pahintulot nyo!" sagot ni Elena

"Aliya!! Aliya!!!" sigaw na ng sigaw si Mateo ng makita nyang naiwang bukas ang bintana ng silid, nilapitan nya ito at agad na-

"ALIYA!!!!!" sigaw ni Mateo na galit na galit

===================================

Next: Chapter 28

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now