Chapter 2

11 2 0
                                    

Isang normal na araw na naman para kay Liam Oliver Dela Cruz, naglalakad sya papasok ng school ng makita nya muli ang babaeng source ng happiness nya, agad nya itong nilapitan..

"Good Morning, Miss Maarte!" bati ni Liam kay Aiyana

"Tse!!" mukhang di maganda ang mood ni Aiyana

"Aiyana naman, kay aga aga para kang may dalaw, nag-good morning na nga ako sayo, badtrip ka parin?" takang tanong ni Liam kay Aiyana, tumingin ang dalaga sa kanya

"At sino naman ang gaganda ang araw sa mga trip mo kahapon ah!?" naku galit na si Aiyana

"Eto naman, ayaw mo kasi akong pansinin kahapon eh, kaya ayan napala mo, pero hoy, Aiyana Flores, mas malala pa yung ginawa sa akin no? Muntik na akong mapilayan sa lakas ng tapak mo sa akin kahapon no!" sumbat naman pabalik ni Liam

"Ah ganun? Gusto mong mapilayan na ng tuluyan Liam Oliver Dela Cruz!?" tinitigan na naman ng matalim ni Aiyana si Liam

"Wag naman! Paano pa ako makakaakyat ng ligaw sayo kung mapilayan ako" say ni Liam with matching tingin sa taas

"Ewan ko sayo!!! Bahala ka sa buhay mo!!" sabay lakad ng mabilis si Aiyana palayo kay Liam

"Seryoso ako Aiyana, maghintay ka lang for sure di mo ako matitiis!!" pahabol na sambit ni Liam sa babaeng kanyang sinisinta

Lumipas ang maraming araw, nasa kalagitnaan na sila ng last semester at malapit na silang matapos sa kanilang kurso..

Nasa school grounds sila Aiyana kasama ang mga kaibigan nya at nakatambay..

"Girls!! Finally malapit na tayong grumaduate sa mga respective courses natin!" masayang sinimulan ni Leila ang usapan

"Biruin mo yan, makakatapos na tayo ng college, new chapter new beginning once again!!" reklamo naman Cayla

"Alam mo Cayla, tayong dalawa dito ay putak ng putak yung isang friend natin dito parang tulaley, wala sa hulog! Hoy!! Aiyana, tulala ka na naman ano ba kasi yang lumilipad sa utak mo ah!?" tanong ni Leila kay Aiyana na kanina pa tulala sa kawalan

"Hah? may sinasabi kayo girls?" tanong pabalik ni Aiyana, napa-face palm na lang si Leila

"Girl!? Ang sabi ni Leila bakit tulaley ka na naman hah? kanina pa kami chumichika dito tapos ikaw nasa outer space ang utak, ano ba kasing problema?" si Cayla naman ngayon ang nagtanong, tumingin sa malayo si Aiyana

"Si Liam.." parang wala sa sarili si Aiyana ng sabihin nya iyun

"What!!!? Si Liam!!? yung chinitong pogi na laging nangungulit sayo!!" duet pa si Leila at Cayla

"Teka nga! Bakit ba si Liam ang topic natin ah?" sagot ni Aiyana, napatingin sa isa't isa si Leila at Cayla sabay tingin muli kay Aiyana

"Girl? Kasasabi mo lang di ba?" takang tanong ni Leila

"Ibang topic na nga lang bukod sa lalaking yun!" say ni Aiyana na parang nagbablush

"Cayla, nakakaamoy ako na inlababong friend natin, ayiieehh!" tukso ni Leila kay Aiyana

"Hoy! hoy! Anong inlababo ka dyan? Hindi noh! As if, tsaka paano ko naman magugustuhan ang mapang-asar at pasaway na lalaking yun! Tsaka, nakakayamot sa loob ng classroom wala ng ginawa kung di tawagin ako ng tawagin oras ng klase!! Kayamot!! Di tuloy ako makafocus sa mga lessons hay!!" kwento ni Aiyana, pero mukhang kinikilig si Leila at Cayla

"Alam mo Aiyana, matagal ka ng gusto ng lalaking yun base sa mga description mo all throughout the entire semester natin tungkol sa mga pinaggagawa nya sayo, gusto ka nun girl!" say ni Leila

"Gusto ka dyan? sadyang mapang-asar lang talaga ang Liam Oliver Dela Cruz na yun!" crossarms ni Aiyana sabay pout

Habang nagkukwentuhan ang magkakaibigan sa school grounds..

"MAY TATALON MULA SA THIRD FLOOR NG BUILDING!!!"

Napatingin sila Aiyana sa third floor building at nagulat siya dahil mukhang si...

"Liam Oliver Dela Cruz!!! Bumaba ka dyan!!" sumigaw na yung isang professor nila Aiyana

"Makinig kayong lahat!!!" tawag pansin ni Liam sa buong student body ng University

"Liam bro!!! Bumaba ka na dyan huy!!! Di magandang biro yan!!!" sigaw naman nung isang tropa nyang si Leo ngunit di nakikinig si Liam, nakasampa na sya sa railings ng third floor ng building at mukhang ready na ngang tumalon

"May gusto lang sana akong ipagtapat sa inyong lahat bago ko ituloy to!!" sigaw ni Liam

"Aiyana ano bang nangyayari dyan kay Liam?" tanong ni Cayla kay Aiyana

"Abay malay ko sa lalaking yan nasisiraan na ata ng bait kaya gustong magpakamatay.." deretsahang sabi ni Aiyana, ngunit halatang kinakabahan sa pwedeng gawin ni Liam sa sarili

"Alam nyo!! Wala akong ibang sineryosong babae nagpapacute sa akin bukod sa kanya, buong 4th year ko, sya lang nakakuha ng atensyon ko, never syang nagpacute sa akin, hindi sya yung tipong babaeng easy to get, alam nyo napakahirap amuin ang mabangis ng tigre, kahit anong kulit at asar mo sa kanya, walang effect ang pagpapacute ko sa kanya, alam nyo, seryoso ako nung sinabi ko sa kanya na liligawan ko sya nung first semester pero she didn't mind, ngayon nasa last semester na tayo, gusto ko lang sabihin sa kanya na gustong gusto kita Aiyana Flores!!!" mala-nobelang confession ni Liam, nawindang na ang lahat lalong lalo na si Aiyana

"Girl!!! Sabi ko sayo eh!! Matagal ng inlove sayo yang Liam eh!!" sabay siko ni Leila kay Aiyana

"Aiyana, what are you waiting for puntahan mo na si Liam bago pa tumalon yan!!" tulak ni Cayla kay Aiyana

Akmang tatalon na si Liam ng biglang...

"LIAM OLIVER DELA CRUZ!! Subukan mong tumalon dyan humanda ka sa akin!! Hintayin mo ako dyan!!!" biglang tumakbo ng mabilis si Aiyana paakyat ng third floor ng building matapos nyang sumigaw

Nakarating na sa third floor si Aiyana na hingal na hingal, nakatayo pa rin sa railings si Liam, napatingin ito kay Aiyana..

"Liam, bumaba ka dyan.." payo ni Aiyana habang unti unting lumalapit sa pwesto ni Liam

"Ayaw!" parang bata naman ngayon si Liam sa harap ni Aiyana

"Liam, please bumaba ka na dyan!" sambit muli ni Aiyana

"Bababa lang ako dito kung sasagutin ni Aiyana ang katanungan ko!!" sigaw muli ni Liam, humarap muli ito kay Aiyana

"Aiyana papayag ka bang ligawan kita?" tanong ni Liam kay Aiyana ng harap harapan

"Liam naman, kailangan pa bang ilagay mo sa alanganin ang sarili mo ng ganyan hah!!" react ni Aiyana

"Aiyana di yan ang gusto ko marinig, papayag ka bang ligawan kita, isa! dalawa--" bibitaw na si Liam sa pagkakahawak nya sa pader

"Tatlo!" bumitaw na si Liam sa pader

"LIAM!!!!" agad hinila ni Aiyana si Liam at sila ay parehong napahiga sa sahig ng nakapatong si Aiyana sa ibabaw ni Liam, nagkatitigan ng matagal ang dalawa hanggang sa matauhan si Aiyana at dali dali itong tumayo, pulang pula ang mukha ni Aiyana dahil sa nangyari, agad naman tumayo si Liam

"So? Ibig sabihin ba non ay payag ka na ligawan kita?" sabay pasimpleng tinignan si Aiyana na pulang pula ang pisngi, di pa rin umimik si Aiyana

"Ay!!! Ayaw pa rin nya? Bahala ka na nga dyan!" akmang tatalon ulit si Liam ng

"Oo na!! Sige na!!! Payag na akong manligaw ka!!" napatingin si Liam kay Aiyana matapos nyang sambitin iyon

"Talaga? " nilapitan bigla ni Liam si Aiyana

"Oo na! Kasalanan ko pang magpakamatay ka dyan kapag di ako pumayag sa gusto mo!!" say ni Aiyana, nagliwanag ang mukha ni Liam at niyakap nyang bigla si Aiyana, nagulat ang dalaga sa aksyon iyon ni Liam

"YES!!!! YES!!! Pumayag na sya!!! Finally!!!" nagsisigaw na sabi ni Liam, nagpalakpakan pa ang lahat sa ginawang eksenang iyon ni Liam

====================================

Next: Chapter 3

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now