Chapter 42

7 2 0
                                    

"Lola Alicia?"

Parang nakakita ng multo si Liam...

"Liam apo para kang nakakita ng multo sa iyong itsura?" sambit ni Lolo Generoso ng pumasok ito sa silid at inilapad ang mga gamot na panlinis ng sugat at tama

"Lo, si Lola Alicia?" sambit ni Liam sa matandang babae

"Alicia ba kamo iho, Alicia Reyes?" sagot ng matandang babae

"Hindi ho ba kayo si Lola Alicia?" takang tanong ni Liam

"Baka ang tinutukoy mo iho ay ang aking apo na si Alicia Reyes?" sambit ng matanda kay Liam

"Apo po?" takang tanong ni Liam sa matandang babae

"Iho, ako nga pala si Lola Amelia, apo ko si Alicia Reyes na iyong tinutukoy.." sambit ni Lola Amelia kay Liam

"Ibig sabihin pala ay apo sa talampakan nyo po si Aiyana?" sambit ni Liam sabay sulyap kay Aliya

"Bago tayo magkwentuhan iho, gamutin ko muna ang dalagang iyan, ikaw rin iho kailangan magamot rin iyan mga sugat mo" sambit ni Lola Amelia at tumayo muna si Liam para magbigay daan kay Lola Amelia na magamot si Aliya

Lumabas muna sa silid si Liam at sinalubong siya ni Lolo Generoso..

"Marahil ikaw ay nagtataka kay Amelia apo?" tanong ni Lolo Generoso kay Liam

"Ngayon ko lang ho sya nakita lo, paano nyo po siya nakilala at sa kanila ho ba itong bahay na ito?" sunod sunod na tanong ni Liam kay Lolo Generoso

"Isa-isa lang apo, mahina ang kalaban apo, si Lola Amelia mo ay kaibigan kong matalik yan, magkababata kami niyan!" kwento ni Lolo Generoso

"Uso po pala na may babae kaibigan ang isang lalaki ng panahon ito?" si Liam sa lolo Generoso nya

"Abay oo naman apo!" sambit ni Lolo Generoso

"Bakit di pa kayo nagkatuluyan?" tanong bigla ni Liam

"Maloko ka rin apo ah, oo kaibigan ko yang si Lola Amelia mo ngunit iba ang tipo ng lalaki niyan, di ako ang tipo nyan!" natatawang sagot ni Lolo Generoso kay Liam habang pinagmamasdan si Lola Amelia na ginagamot si Aliya

"Sabagay po lo, kung siya nga po talaga ang lola ni lola Alicia baka ay walang Aiyana sa buhay ko ngayon!" pagmamalaki ni Liam sa kanyang lolo Generoso

"Di talaga nagbabago ang ating lahi, mga maloko at palabiro!" sambit na lang ni Lolo Generoso

Natapos na lagyan ng benda ni Lola Amelia ang ulo ni Aliya matapos nyang gamutin ang sugat nito..

"Iho!" tawag ni Lola Amelia kay Liam

"Po?" sambit ni Liam at agad lumapit kay Lola Amelia

"Okay na siya iho, kailangan nya lang magpahinga!" sambit ng matanda at parang nakahinga ng maluwag si Liam ng marinig iyon

"Salamat po!" sambit ni Liam

"Ikaw naman ang aking gagamutin iho at baka mapano yang mga sugat mo at pasa mo sa iyong katawan, halika rito ng magamot ko iyan!" sambit ni Lola Amelia kay Liam at pinaupo ito sa isang upuan at ginamot ang kanyang mga sugat at pasa sa kamay at braso

Habang ginagamot ni Lola Amelia si Liam..

"Apo nyo po talaga si Lola Alicia?" biglang tanong ni Liam kay Lola Amelia

"Mukhang nanggaling ka nga iho sa bagong panahon?" si Lola Amelia

"Alam nyo rin po ang tungkol doon?" takang tanong ni Liam

"Oo naman iho, di lang ikaw ang bagong tao napadpad sa panahon namin, marami rami na rin, kwento sa akin ng lolo Generoso mo ay kaya ka lang narito para hanapin ang iyong mapapangasawa hindi ba?" sambit ni Lola Amelia kay Liam

"Tama po kayo ngunit mukhang di pa nya ako magawang maalala" sabay tingin sa mahimbing na natutulog na si Aliya

Tinignan rin ni Lola Amelia si Aliya

"Siya ba iho?" tanong ng matanda at sumang-ayon si Liam

"Isang mestiza de sangley ang dalagang iyan iho at wari ko ay panandalian lamang ang pagkawala ng kanyang ala-ala" sagot ni Lola Amelia kay Liam

"Hindi nyo po ba siya namumukhaan lola Amelia?" tanong ni Liam kay Lola Amelia

"Bakit iho?" sagot ng matanda

"Pagmasdan nyo siyang mabuti po kanino po siya hawig!" sambit ni Liam kay Lola Amelia, tinitigan ng matanda ng mabuti si Aliya at napatakip ito ng bibig

"Diosmiyo! Kamukhang kamukha siya ng aking apo si Alicia nung ito ay dalaga pa, hindi kaya --" di na pinatapos ni Liam si Lola Amelia

"Gaya po ng aking Lolo Generoso, apo nya ako sa talampakan, kaya po ang dalagang nakikita nyo ngayon ay apo nyo na po sa talampakan, siya po si Aiyana Lola Amelia, apo po siya ni Alicia Reyes at Julio Flores!" pakilala ni Liam kay Lola Amelia sa dalagang kanyang ginamot

"Bakit Aliya ang kanyang ngalan? Dahil ba ito sa pagkawala ng kanyang ala-ala?" tanong ni Amelia kay Liam

"Marahil ganon po ang nangyari, di nya ako magawang maalala at kahit na ang kanyang ngalan ay di nya maalala, kaya may nagpangalan sa kanyang Aliya at yun taong yun ay si Mateo Abelino y Barameda, na kinikilalang asawa ni Aliya" malungkot na ikinuwento ni Liam ang sinapit ni Aiyana dahil sa pagkawala ng kanyang ala-ala

"Pobresita! Kaawa awa naman sinamantala ng matapobreng lalaking yun ang kawalan ng ala-ala ng aking apo para lamang sa kanyang sariling interes!" sambit ni Lola Amelia

"Mabuti nga po at naitakas ko siya sa lalaking iyon!" sagot ni Liam sa matanda

"Ikaw pala ang kanyang tunay na makakaisang dibdib kung gayon iho?" si Lola Amelia

"Siyang tunay po lola Amelia!" sambit ni Liam at natapos na siyang gamutin ng matanda

"Salamat Amelia sa panggagamot sa aking apo at kay Aliya!" pasasalamat ni Lolo Generoso kay Lola Amelia

"Wala yun Generoso, parang di tayo magkakababata riyan kung di ko tutulungan ang bagong generasyon natin na iyan!" masayang sagot ni Amelia kay Lolo Generoso

"Muchas Gracias Amelia!" sagot muli ni Lolo Generoso

"Masuwerte nga tayo ay nagkaroon tayo ng gantong kaganda at kakisig na mga apo sa talampakan at tignan mo nga naman ang panahon ano? Sila pala ay magiging mag-asawa na pala!" masayang nagkwentuhan ang dalawang matanda

Habang abala sa pagkukwentuhan ang dalawang matanda ay minabuting lapitan muna ni Liam si Aliya at umupo sa tabi ng kama

"Aliya sana sa paggising mo ay maging maliwanag na sa iyo ang lahat!" sambit ni Liam habang hawak hawak ang kamay ni Aliya

====================================

Next: Chapter 43

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now