Chapter 25

8 2 0
                                    

Nanatili sa may labas ng tahanan ng mga Abelino si Liam, maya maya..

Dumating na ang karuwahe lulan si Mateo, napansin agad ito ni Liam kaya agad agad siyang nagtago sa mga likod ng puno, sumilip sa para makita kung sino ba talaga ang Mateo Abelino na yan

Hinintay nya itong bumaba, nang makita nya ang wangis nito, laking gulat niya kung sino ito, nagbalik lahat ng alaala ng wangis ng lalaking iyon

Flashback...
5 years ago..(Present Time)

Umakyat si Liam sa Ward Station upang i-endorse ang patient na na-operahan, saktong nandun si Aiyana at si --

"Dr. Mateo Avellino?" sambit ni Liam, napatingin bigla ang doktor sa kanya habang may sinusulat sa chart ng kanyang pasyente

"Yes? Anong kailangan mo?" tanong ng doktor

Napapansin ni Liam na tila di komportable si Aiyana kapag nandyan ang doktor Avellino na yan, kaya agad nyang nilapitan si Aiyana..

"Aiyana, naibalik na namin ang pasyente galing OR, narito pala yung mga endorse ng doktor nya!" sambit ni Liam kay Aiyana para kahit papaano ay di sya mawalan ng concentration sa doktor Avellino na yan

"Aiyana, are you just colleages or something?" sumabat na bigla ang doktor sa usapan namin

"Ahm..Dok--" bago pa makapagsalita si Aiyana ay sumabat na si Liam

"We are more than colleages dok, Aiyana is my GIRLFRIEND!!" ipinagdiinan ni Liam sa pagmumukha ng doktor Avellino na yun sabay akbay ni Liam kay Aiyana

Biglang nagbagon ang ekspresyon ng mukha ni Dok Mateo Avellino

"Is that so?" sabay tingin ng seryoso kay Liam

"For two years now doc!! We are in a relationship for two years!!!" diniinan pa rin ni Liam iyon para mas lalong mainis yung doktor na iyon

"Very well then!! Aiyana here is the orders for my patient, I have to go!!" biglang umalis na lang si Doc. Avellino ng basta basta at naiwan si Liam at Aiyana na windang sa kinikilos ng doktor

"Liam ano bang ginawa mo!?" kompronta ni Aiyana kay Liam

"Kung ano ang tama Aiyana, di mo ba nakikita, di ka komportable sa doktor na yun, tsaka nakikita ko sa pagmumukha ng doktor na yun na gusto ka nya at nararamdaman ko na may masamang balak yan doktor na yan!" sambit ni Liam kay Aiyana, natahimik na lang ang dalaga at humikbi

"Tahan na! Alam mo naman na di ako papayagan na may mangyaring masama sayo di ba?" sabay yakap ni Liam kay Aiyana

"Alam ko naman yun eh, salamat at dumating ka!" sambit ni Aiyana kay Liam

"Huwag kang mag-alaala Aiyana, nandito lang ako at di ko hahayaan na takutin ka ng doktor na yun!" pagcomfort ni Liam kay Aiyana

Simula ng araw na iyon di na muli nagpakita ang doktor Mateo Avellino kila Liam at Aiyana hanggang sa nangyari ang aksidente matapos ang proposal ni Liam kay Aiyana..

End of Flashback...

"Hindi ako maaaring magkamali, siya ang doktor na kinakatakutan ni Aiyana, sya si ---

"Magandang gabi senyor Mateo!!" bati ng isang kasamahan nila sa bahay

"Magandang gabi, kumusta na pala ang aking asawa? Lumabas na ba sya sa kanyang silid?" tanong ni Mateo sa kasamahan nila sa bahay

"Di pa rin po senyor nananatiling nakakulong sa kanyang silid ang senyorita Aliya at ayaw pagambala kahit sa sino man!" sambit ng kasamahan sa bahay

"Buweno!! Talaga natututong maging matigas na ang aking asawa, mabuti pa ay pwersahin ko ng lumabas ang pobresitang babaeng yan sa kanyang silid!" pumasok na si Mateo sa loob ng tahanan

Lumabas na si Liam sa pinagtataguan nya...

"Hayop na doktor na yan! Anong koneksyon nya sa panahong ito at nadala nya si Aiyana dito?" nanggigigil sa galit si Liam sa natuklasan nya

Samantala...

Pumasok na si Mateo sa loob ng tahanan at dumeretso sa silid ni Aliya...

"Aliya!!! Buksan mo ang pinto!!!" katok ni Mateo sa pinto ng silid ni Aliya

Biglang binuksan ni Aliya ang pinto..

"Ano bang kailangan mo!?" naiiritang tanong ni Aliya kay Mateo

"Buong maghapon kang nagkulong dito tapos ano? Ikaw pa tong galit!?" pagtataas ng boses ni Mateo kay Aliya

"Wala akong ganang makipag-usap sa tulad mo kay pwede ba lubayan mo ako!!" pinagsaraduhan ng pinto ni Aliya si Mateo

"Aliya!!! Buksan mo to!!! Aliya!!" kalampag ni Mateo ng silid ni Aliya

"Umalis ka na!!" sigaw ni Aliya sa mula sa loob ng pinto

Galit na galit na si Mateo sa inaasal ni Aliya sa kanya..

"Bueno!! Kung yan ang gusto mo, sige!! Pagbibigyan kita!!! Elena ikandado ang pinto at wag na wag mong papalabasin si Aliya hangga't di ko pinag-uutos!!" utos ni Mateo kay Elena, walang nagawa si Elena kung di ikandado ang pinto ng silid ni Aliya

"Talagang di ako lalabas ng kwartong to Mateo tandaan mo yan!!" matapang na sambit ni Aliya mula sa loob ng kwarto

"Magkasubukan tayo Aliya!! Di ko alam kung bakit ka naging ganyan bigla!! Hindi ka naman ganyan dati ah!!" sagot ni Mateo

"Dati Mateo? Para bang kay tagal na nating magkasama eh sa pagkakatanda ko ay isang taon palang tayong magkasama hindi ba!?" sumagot muli si Aliya kay Mateo

"Huwag mong susubukan ang pansensya ko Aliya!! Di mo ako kilala!!" banta ni Mateo kay Aliya

Di na muling kumibo si Aliya...

Talagang ikinandado ng tuluyan ni Mateo ang silid ni Aliya..

Umalis si Mateo na galit na galit at nagpahanda ng vino sa kalaliman ng gabi..

Sa Labas ng Bahay ng Abelino...

Di makali si Liam sa labas, parang may bumubulong sa kanya na itakas na nya si Aliya ngunit may nagsasabi sa kanyang wag mong ituloy iyon, litong lito na si Liam lalo pa at  nakita na nya ang wangis ng Mateo Abelino na iyo na sigurado siya na ito ay si Dr. Mateo Avellino na Neurologist, paikot ikot si Liam sa may labas ng mapansin sya ni Patricio..

"Ginoo, bakit di pa po kayo nauwi sa inyo?" tanong ni Patricio kay Liam

"Gaano katagal nyo nang amo si Mateo Abelino?" tanong bigla ni Liam kay Patricio

"Mga magtatatlong taon na po ginoo, napakamisteryoso nga po ng senyor na iyan kahit sa amin na tagapangalaga ng kanyang tahanan dito!" kwento ni Patricio kay Liam

"Paanong misteryoso?" tanong ni Liam

===================================

Next: Chapter 26

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now