Chapter 58

8 2 0
                                    

Night time...

Pumasok si Aiyana sa kwarto ni Liam sa ospital na may dalang pagkain..

"Di natin namalayan na gabi na pala sa present time?" sambit ni Liam kay Aiyana

"Oo nga eh, ang daming nangyari nung nandoon tayo sa past time!" say ni Aiyana sabay lapag ng pagkain sa mesa

"Oo nga pala paano mo ako nadala dito ng ikaw lang mag-isa?" takang tanong ni Liam kay Aiyana

"After natin makalabas ng portal, nawalan ka na ng malay dala ng tama mo sa balikat, luckily may mga nagcacamping sa gubat at nakita nila tayo, so tinulungan nila tayong makarating dito para maagapan yang tama mo, so ayun" kwento ni Aiyana habang inaayos ang kakainin nilang hapunan

"Talagang sinusuwerte pa rin tayo kung ganon!" sambit ni Liam

"Siyang tunay!" natawang sambit ni Aiyana

"Oo nga pala, natawagan mo na ba sila mama?" tanong ni Liam

"Nope, not yet bukas na lang pagka-discharge mo dito.." sambit ni Aiyana

"Eh papaano tayo magbabayad dito? Alam mo naman galing tayo sa lumang panahon?" buwelta ni Liam

Inilabas ni Aiyana ang wallet ni Liam, nanlaki ang mata nito..

"Papaano mo --" nauutal na tanong ni Liam

"Sa bagpack mo, alam ko naman kahit koripot ka ay di mawawala ng laman ang wallet mo, kung di sapat edi yung credit cards mo!" ngiting sambit ni Aiyana kay Liam

"Teka, ilang araw lang ba tayo nawala sa present time?" tanong ni Liam

"Parang mga apat na araw lang ganon!" tugon ni Aiyana kay Liam

"Hah? Ganon kaikli lang samantala ikaw halos isng taon, tapos ako dalawang linggo sa panahon yun!" di makapaniwala si Liam na ganon kaikli sa present ang pagkawala nila ni Aiyana

"Ganun siguro talaga ang time difference kaya nga present at past time ano ka ba?" say ni Aiyana

"Hay! Parang di pa rin mag sink in sa akin na nasa normal na mundo na tayo ulit!" sambit ni Liam kay Aiyana

"Bakit? Mas gusto mo ba sa makalumang panahon na di maaari yung mga the moves mo kung di ko lang nakumbinsi ang lola Amelia na payagan ka sa kwarto ay di talaga pwede lalo na at di pa tayo kasal, pasalamat ka at mabait sila lola Amelia, hindi mahigpit kung di ay manigas ka sa kabilang kwarto na di mo ako nakikita" natatawang sabi ni Aiyana kay Liam

"Sus! Madali naman pumuslit sa makalumang kwarto eh, tsaka malalayo ang mga kwarto kaya di ako maririnig kapag pumuslit!" pagmamalaki ni Liam kay Aiyana

"Dyan ka magaling, sa panahon yung may mga takot ang mga dalaga at binata sa mga nakakatanda doon, sa panahon lang naman natin ang medyo moderno na at di na big deal ang ganong eksena.." say naman ni Aiyana

"Alam ko naman yun, tsaka good boy ako no! Excuse me!" sambit ni Liam na ikinatawa ni Aiyana

"Alam mo, mabuti ay mag dinner na tayo para maaga kang makapahinga dahil bukas lalabas ka na dito!" sambit ni Aiyana kay Liam

"Mabuti pa nga!" simpleng sagot ni Liam

Meanwhile

Dela Cruz Residents

Sabay sabay na naghahapunan ang mag-anak na si Leo, Lanie at Claire, pang-apat na araw na nilang di nakakasalo sa hanpunan si Liam...

"Its been four days straight simula nung umalis si Liam para hanapin si Aiyana, hindi man lang sya nag-tetext or nag-call for updates kung nasaan na siya, kung nakita na ba nya si Aiyana?" panimula ni Leo sa kanyang pamilya

"Ang weird nga dad eh, wala si Kuya! Wala akong matukso o makahingi man ng payo, simula kasi nung nawala bigla si Aiyana, wala na siyang ibang bukang bibig kung di ang hanapin siya, na di siya naniniwala na wala si Aiyana ng ganun ganun lang.." si Claire naman ang nagsalita

"He do truly loved Aiyana that much, kaya gagawin nya lahat para mahanap siya kahit na lahat ay tumutol sa gagawin nyang paghahanap kay Aiyana, but nakakakaba dahil apat na araw na simula nung umalis siya para hanapin si Aiyana, hanggang ngayon wala siyang paramdam man lang sa atin kung kumusta na siya or nasaan ba siya ngayon, masakit para sa akin bilang ina na di ko man lang malaman kung babalik pa ba o hindi ang anak ko!" naluluhang sambit ni Lanie, hinawakan ni Leo ang likod ng kanyang misis para tumahan ito

"Lanie, we all know ang ugali ng panganay mo! Once he pursue something, he will not give up that easy, sabi nga nya na nagpropose na siya kay Aiyana a month ago, which means he is really serious na makasama si Aiyana habang buhay, kaya di natin mapipigilan ang anak natin na hanapin ang fiancé nya, for hook or by crook, hindi sya papapigil, tsaka ang laki ng impact ni Aiyana sa ugali ni Liam, she change him for the better, nakakatulong na siya sa atin, Lanie, pitong taon ng magkarelasyon si Liam at Aiyana kaya, Liam will do anything to find her, nais rin patunayan ng anak mo kay Lea, sa ina ni Aiyana na maibabalik nya si Aiyana, kaya magdasal na lang tayo na sana nasa mabuting kalagayan ang anak mo at sana ay nakita na niya si Aiyana!" niyakap ni Leo si Lanie para maibsan ang pangungulila nito kay Liam

"Kuya Liam, nasaan ka na ba? Worried na worried na kami sa iyo!" sambit ni Claire

Flores Residents

Nakabalik na rin si Lea galing sa bakasyon niya sa mga kamag-anak nya sa probinsya, naghahapunan ngayon ng tahimik sila Lola Alicia at Lea...

"Lea? Kumusta naman ang bakasyon mo sa probinsya?" tanong ni Lola Alicia habang sila ay naghahapunan

"Okay naman po ma, kaso malungkot pa rin po, ang hirap masanay ng wala si Aiyana ma, ang sakit isipin na wala dito ang kaisa-isang nagbibigay ng lakas sayo na lumaban sa buhay, kinay ko ma nung nawala sa akin si Anton, pero etong si Aiyana ang nawala sa akin na di mo alam kung buhay pa ba o patay ang anak ko, di ko po alam ma, sa tuwing naaalala ko nga po ang nangyaring aksidenteng yung, ang sakit ma! Dalawang importanteng tao sa buhay ko ng dahil sa aksidente nawala na lang sa akin bigla.." naiyak na si Lea sa tuwing naaalala ang sinapit ng kanyang asawa, maging ng kanyang kaisa-isang anak

"Lea anak, di natin ginusto ang nangyari kay Anton, at mas lalong hindi natin ginusto ang nangyari kay Aiyana, ako bilang ina ni Anton at bilang lola ni Aiyana ay masakit rin sa akin ang nangyari, kaya sana wag kang mawalan ng pag-asa, dahil nararamdaman ko na buhay ang anak mo, magtiwala ka at manalig na babalik siya!" pagpapakalma ni Alicia kay Lea

========================================================

Next: Chapter 59

Prince of Time: Memories From The PresentWhere stories live. Discover now